IKASAMPUNG KABANATA
---
HALOS basang sisiw si Ramon at Megan nang makarating sa isang hotel na tinuro ng dalaga kay Ramon. Ang buong akala niya, ipagpipilitan pa ni Ramon na umuwi ito sa islang sadya nito. Mabuti na lang talaga at umulan na pareho naman nilang hindi napaghandaan.
"Basang-basa ka na," sabi sa kaniya ni Ramon nang lingunin siya nito.
Ngumiti lang siya dito--- para sa kaniya wala siyang pakialam, wala nga siyang pakialam na kanina pa siya nilalamig. Basta ang puso niya walang pagsidlan ng tuwa dahil sa pagkakataong 'yon. Masyadong maaga ang lahat tulad ng inaasahan niya. Hindi niya akalaing makakasmaa niya si Ramon nang matagal at hindi lang iyon dahil posible pa silang magsalo sa isang hotel, iyon ang lihim na pinapanalangin niya na sana huwag maisipan ng lalaking mag-iba sila ng silid. Nandoon na sila hindi na pweding maiba pa ang plano niya.
"Ikaw nga ang iniintindi ko d'yan. Unang beses mo lang dito, pero ito pa ang nangyari."
"Ang ganda naman kasi ng panahon kanina. Sino ba ang makakapagsabing uulan na lang ng malakas bigla?"
"Wala naman kasing balita na may bagyo ngayon, kaya hindi ko rin halos napaghandaan," sang-ayon niya rito.
Tama naman kasi si Ramon, wala naman nakakapagsabing uulan ng malakas sa ganda ng panahon na mayroon kanina. Nabanggit pa nga nito sa kaniya na ang ganda ng sikat ng araw, tapos bigla-bigla na lamang ang pag-ulan ng malakas at hindi lang 'yon walang mag-aakalang babaha pa.
Liningon siya ni Ramon sa kinauupuan niya katabi ng malita nito. Pinaupo kasi muna sila ng isang babaeng nand'on at maghahanap daw ng bakanteng silid para sa kanila--- halos napunod daw ang lahat dahil nga sa malakas na ulang biglaan.
"Sana may makuha silang dalawang silid para sa atin, para makapagpahinga ka na rin," sabi sa kaniya ni Ramon.
Bigla siyang nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi nitong dalawang silid. Mukhang gusto pa yata nitong maghiwalay sila.
"S-sana nga," kunwa sang-ayong mabigat sa dibdib niya.
Nagpalinga-linga siya sa paligid--- umaasa at hinihiling na sana iisang silid lang ang pweding maging bakante at walang pagpilian si Ramon kundi ang magkasama sila sa buong magdamag na 'yon.
"Nagugutom na ako---" sabi sa kaniya ni Ramon.
Umupo ito patabi sa kaniya, hindi na siya nagtangka pang umusog. Gusto niyang madikit sa katawan ni Ramon, kahit sa pamamagitan n'on makaramdam man lang siya ng init na magmumula rito at kanina pa talaga siya nilalamig. Mukhang uubuhin pa yata siya, talagang malalagot siya sa mama niya kung magkataong uuwi siyang may sakit.
"Good evening, Sir. Pasensiya na ho kung natagalan ako. Naghanap lang ho ako ng bakanteng silid para sa inyo---" turan nito sa kanila nang malakalapit ito.
"Kamusta ho? Nilalamig na kasi kami," sabi ni Ramon nang tumayo ito paharap sa isang empleyado ng hotel na iyon.
"Ayon nga, Sir. Mabuti na lang at may nakuha naman kaming bakante at may nag-check out naman kanina."
"Salamat naman." Nilingon siya ni Ramon, may tuwa sa mga mata nitong tiningnan siya kung saan pa rin siya prenteng nakaupo.
"Pwedi na ho kayo pumunta ni Maam, Sir. Maayos na ho ang lahat d'on," sabi nitong kinatuwa ng lihim ni Megan.
"No. I want two room for us--- siya at ako magkaiba kami ng silid, hindi sa iisang silid, Miss---" sabi ni Ramon dito at nagbigay ng sama sa loob niya.
"Ha? Ay naku 'yan ang magiging problema, Sir. Iisang silid lang po ang bakante wala na ho talagang silid para sa dalawa."
Tuwa na naman ang siyang naramdaman ni Megan sa sinabi nito, mabait talaga sa kaniya ang universe, aniya sa isip niya. Iyon talaga ang pinakaswerteng araw ng buhay niya.
"Ramon, okay lang. Siguro ikaw na lang d'on dito na lang ako magpapa-umaga para makauwi ako ng maaga pa kinabukasan, ayos lang sa akin," kunwang sabi nya sa mga ito nang tumayo siya sa tabi ni Ramon. Gusto niya rin iparamdam ditong hindi siya sang-ayon sa iisang silid na maaari nilang pagsamahan. Hindi pweding mahalata o maramdaman ni Ramon kung gaano siya kasaya nang mga panahong 'yon.
Bumuntong-hininga ito at napatingin sa kaniya.
"Ganito na lang, kung gusto mo ako na lang dito at ikaw na lang d'on," untag nito sa kaniya.
Umiling-iling si Megan dito, hindi naman pwedi ang suhestyon nito sa kaniyang siya ang nasa silid at ito ang maiiwan sa lobby.
"Hindi naman pwedi 'yon, malalagot ako kay Ate Leonora kung hahayaan kita dito---"
"Hindi naman malalaman ni ate mo, Megan. Wala kang dapat ipag-alala, ayaw ko siyang mag-alala sa akin."
"Pero hindi pweding dito ka, ikaw ang bisita, Ramon at hindi kami gan'on sa mga bisitang hahayaan na lamang namin sa labas," sabi niya dito. Sinadya niyang iparinig sa babaeng nasa harap nila ang mga sinabi niya.
Nagbabasakaling makakapagbigay ito ng opinyon sa kaniya, para mapapayag silang sa iisang silid lang na natitirang bakante.
"Sir, kukunin niyo po ba kasi may mga naghihintay din," turan nito sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan sila ni Ramon, may pagtatanong sa mga mata nitong nilingon siya.
"Kailangan mong magpalit ng damit, Megan baka magkasakit ka---"
"Ayos lang talaga ako rito. Huwag mo na ako intindihin ikaw ang kailangan ng magpahinga at magpalit ng damit basang-basa ka na oh," sabi niya dito.
Sinadya niya pang hawakan ang braso nitong basang-basa na ang manggas ng suot nitong polo.
"Magpahinga ka na, Ramon, kunin mo na 'yong silid isang gabi lang naman e. Para maaga ka pa makakapunta ng Talisay bukas," aniya.
Binaba ni Ramon ang tingin nito sa malitang nasa tabi niya.
"May extra akong damit na pwedi mong gamitin d'yan." Tinitingnan niya lang ito, hinihintay ang mga sasabihin nito sa kaniya.
"Kukunin ko na, Miss." Hinawakan ni Ramon ang malita niya nang nagkasundo na sila ng babaeng nag-asikaso sa kanilang dalawa. Babalik na sana si Megan sa pagkakaupo habang nakakipit-balikat nang lingunin siya ni Ramon.
"Let's go?" anito sa kaniya. Tiningnan niya itong may pagtatanong ang mga mata kung ano ang ibig sabihin nito sa kaniya.
"Okay lang ba sa'yo kung magkasama tayo?"
Lihim na nagdiwang ang puso ni Megan sa tuwang tanong sa kaniya ni Ramon.
"Okay lang ba sa'yo?" balik tanong niya dito.
Napakagat-labi si Ramon at iniwas ang tingin nito sa kaniya.
"Wala na tayong choice. Bahala na. Let's go?"
Nagpatiuna sa paglalakad si Ramon matapos nitong sabihin sa kaniya ang mga salitang 'yon. Sinundan niya ito sa paglalakad, habang pigil na pigil ang kilig na nararamdaman dahil sa desisyon ng binata. Lahat ng dasal niya tinutupad nito, isa na lang ang pinagdadasal niya ang magbago ang desisyon nitong pakasalan si Leonora.