IKA-ANIM NA KABANATA

1255 Words
IKA-ANIM NA KABANATA --- NAGMADALI na si Megan. Kailangan habang wala pa ang mama at papa niya ay maka-alis na sya. Mahirap nang pigilan pa siya ng mga ito, hindi dapat malaman nito ang pag-alis niya. Suot ang maiksing palda at crop top na paborito niyang damut, tumalima na siya. Kailangan niyang maging sexy sa mga mata ni Ramon. Siya lang dapat at wala ng iba pa. Kinikilig pa siya nang muli niyang sulyapan ang sarili. "See you later, Zach--" bulong niya sa sarili para sa binata. Hindi niya ito tatawaging Ramon, itatawag niya dito ang pangalawang pangalan nito. Tama ng si Leonora lang tumawag na Ramon dito. Mas maganda naman pakinggan ang Zach, aniya sa isip niya. Isa pa bagay ito sa pangalan nyang Megan. Napakindat pa siya bago tuluyang umalis na. Sasakay na lang siya ng tricycle na maghahatid sa kaniya sa labasan kung saan madalas dumadaan ang mga taxi na magdadala sa kaniya sa paliparan. Kilala niya na si Ramon, isang dekada na rin yata itong kinikwento sa kaniya ni Leonora. Sino pa ba ang hindi makakakilala dito? Halos alam niya na rin nga ang lahat ng ayaw o gusto ng lalaki. Kahit pa natandaan niyang simpleng babae lang ang gusto nito wala siyang paki-alam ang mahalaga sa kaniya ang atensyon ni Ramon o Zacharias man para kay Megan. ---- KANINA pa halos hindi mapakali si Leonora. Pabaling-baling siya sa higaan niya, hindi pa rin kasi tumatawag sa kanya si Ramon, pasado ala-una y'medya na. Sabagay naisip niya, pasado alas dos naman ang lapag nito sa airport. Nasa condo pa rin siya ni Ramon, dito siya iniwan ng boyfriend niya at dito rin siya babalikan, wala siyang plano umuwi. Wala naman kasing tao sa bahay nila, kung hindi lang talaga dahil sa project proposal sa trabaho niya--- nunca siyang magpapa-iwan d'on. Iyon nga lang katatawag lang din sa kaniya ni Kidlat, bukas na bukas din pinagrereport na siya nito sa opisina nito sa Ortigas. Sa Tagaytay ang new project nila kasama ang team ng binata. Malaking proyekto iyon kung tutuusin, kaya hindi niya pweding palagpasin. Lahat ng 'yon para sa kinabukasan nila ni Ramon at alam niyang lahat ng ginagawa nito para din sa kanilang dalawa. Muli siyang napatingin sa relong pambisig niya, pasado alas dos na, pero wala pa ring Ramon ang tumatawag sa kaniya. Tiwala siyang nakarating na ito sa Dumaguete, hindi siya pweding magkamali. Madalas din naman siyang umuuwi sa kanila, para dalawin ang mama nya at si Megan--- kabisado niya ang lahat. Napatayo si Leonora. Kung hindi pa tatawag sa kaniya si Ramon, siya na lang mismo ang tatawag dito. Ito "H-Hi, ikaw ba si R-Ramon?" tanong ni Megan sa lalaking tahimik na nakatayo sa may arriving area. Nilapitan niya agad ito nang makilala ang binata, nakasuot ito ng polong puti na may lacoste ang design sa dibdib nito at pantalong kupas na maong, tinernuhan ng makintab na itim na sapatos. Nasa tabi din nito ang may kalakihang maleta nito. Kilala niya na si Ramon, pero gusto nya lang makasigurado pa. Ngumiti siya dito nang ibaba nito ang salamin nito, mas gwapo pala si Ramon sa malapitan, maganda ang hugis ng mata nito, matangos ang ilong, may maputi at makinis na pisngi, manipis na labi at may makapal na kilay na lalong nagbigay ng kakaibang atraksyon para sa kaniya. "Y-ou must be, Megan?" anito sa kaniya. Mabilis siyang tumango-tango at walang paalam niyang niyakap ng mahigpit ito. Naramdaman niya naman ang pag-ganti ng yakap sa kaniya ni Ramon. Napalunok si Megan nang maalalang masyado naman yata siyang naging excited sa paghaharap nilang dalawa. Mabilis siyang kumuwala ng yakap dito at nilahad ang kamay niya sa harap nito. "Welcome to Dumaguete, Ramon---" aniya ni Megan, kasabay ang paglahad ng kamay niya sa harap nito. Malambot ang kamay ni Ramon, nakangiti lang ito sa harap niya walang kahit na ano'ng salitang namutawi mula dito. Hindi nya talaga maipaliwanag ang saya ng puso niya. Matangkad si Ramon kaya hindi niya napigilang magtaas ng tingin dito. Binalik nito ang salamin sa mga mata nito at inikot ang tingin sa paligid. "Tinawahan ka ba ni Leonora para puntahan mo ako dito?" tanong nito sa kaniya. Bigla siya nakaramdam ng inis dahil sa pagbanggit nito nang pangalan ni Leonora. "Oo. Sabi niya kung may oras daw ako salubungin kita," pagsasabi niya ng totoo dito. Iyon naman talaga ang gusto ng ate Leonora nya ang sabi pa nga nito sa kaniya samahan nya si Ramon. "Ang ate mo talaga sabi ko nga sa kaniya huwag ng mag-abala at ayaw kong maka-abala." "Hindi, Zach. Okay lang naman ako. Wala naman akong ginagawa sa amin. Wala naman akong pasok---" "Zach? You call me Zach?" Napalunok siya. Nakaramdam siya ng takot na baka hindi magustuhan ni Ramon ang pagtawag niya sa pangalawang pangalan nito. "Sorry. I don't mean it. Sabi kasi ni Ate Leonora, Ramon Zacharias daw pangalan mo." Tumango-tango sa kaniya si Ramon. Ngumiti ito sa harap niya. "Hindi ba okay na, Zach na lang itawag ko sa'yo? Mas okay naman iyon 'diba?" "Sure why not. Hindi lang din kasi 'yon ang tinatawag sa akin ng ate mo. And, I don't expect it.." Napangiti sila sa isa't isa. Halos walang pagsidlan ang boses niya dahil sa sinabi sa kaniya ni Ramon o mas gusto nyang tawaging Zach. "Gusto mo bang kumain na? May alam akong malapit lang dito. Baka kasi hindi ka pa nakakain. Sasamahan kita." Muling binaba ni Ramon ang salamin niya. "Nagugutom na nga rin ako. Mabuti na lang pala at nandito ka, para naman may kasama ako. Ito kasi ang unang beses na nagawi ako dito, Megan---" Napalunok si Megan sa pagbanggit ni Zacharias ng pangalan niya. Pakiramdam niya tila musika ito sa pandinig niya, hindi nya aakalaing nasa harap niya na mismo ang binata. "Sa Isla Talisay ka ba tutuloy?" tanong niya dito nang naglalakad na sila. Hila-hila nito ang sariling malita, halos magkasabay lang din ang paglalakad nilang dalawa. Plano niya kasing dalhin si Ramon sa isa sa pinakasikat na kainan sa lugar nila. "Yes. May mga kailangan kasi akong gawin d'on. Alam mo ba ang lugar namin?" tanong nito sa kaniya nang lingunin siya. Nag-aalburuto na naman ang puso niya sa sunod-sunod na pagtibok nito, dahil sa tinging pinukol sa kaniya ni Ramon sa gawi niya. Para sa kanya daig pa nito ang isang artista--- hindi lang basta gwapo si Ramon dahil para kay Megan napakagwapo talaga ng lalaking katabi nya ngayon. "Pwedi kitang samahan kung gusto mo. Alam ko rin kasi 'yong lugar na 'yon malapit lang sa amin," tugon niyang hindi maalis-alis ang tingin at ngiti nya dito. Parang ayaw niya ng matapos ang sandaling 'yon, para itong isang pelikula. Si Ramon ang bidang lalaking para sa kaniya. Tumuloy lang sila sa paglalakad, walang kahit na ano'ng salita ang namutawi mula sa isa't isa. Walang pakialam si Megan sa paligid, dahil ang alam nya masaya siya. Ito na ang simula at walang katapusang sandaling pagsasamahan nila ni Ramon o mas gusto nyang tawaging Zach, dahil iyon ang mas bagay sa binata. Isa pang paglunok ang pinakawalan ni Megan sa muling pagtama ng mga mata nilang dalawa nang nagtaas siya ng tingin dito. Kaba ang sumikdo sa puso nya dahil tulad niya ay nakatingin din pala ito sa kaniya. Sasamahan niya si Zach kahit saan ito magpunta, hindi nya hahayaang mawala ito sa paningin niya. Iyon ang misyon ni Megan at walang ibang makakapigil sa kaniya--- kahit pa si Leonora na malayong-malayo sa tabi nila ng lalaking nasa tabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD