Heaven place

1131 Words
Hindi pa rin ako tapos sa paninirmon sa kanila dahil puro nakatulala pa rin sila sa amin. “What now Boy's? tutunganga lang ba kayo sa amin?" tanong ko sa kanila na wala paring reaksyon kaya sinapak ko si Franz na ikinagulat naman nila. “F*ck Mine dito lang pala kita makikita." sabi ni Franz sa akin sabay hila para yakapin ako at hindi man lang ininda ang pagkasapak ko sa kaniya. “Girl's dalhin niyo mo na sila sa heaven place natin may aasikasuhin lang ako saglit." utos ko sa mga kaibigan ko. “Sasama ako Mine, baka tatakas ka na naman at hindi na naman magpapakita sa akin." sabi ni Franz na naka hawak na nang mahigpit sa kamay ko. “Franz, saglit lang ako may tatawagan lang ako para maasikaso at mapaayos ang mga nasirang gamit dito sa Bar namin. Susunod din ako 'agad," sabi ko rito at pumayag naman 'agad. Pero bago ako binitawan hinalikan pa ako nito sa labi na parang ikinalalagot ko ng hininga. Tumawag ako sa Butler namin para maalis ang mga bangkay at para na rin malinis at maayos ang Bar namin. Pagpasok ko sa loob, nagtaka ako kong bakit nasa isang maiksing upuan lang sila naka upo at pinagsisiksikan ang mga sarili kahit sobrang sikip na. Ang mga mukha naman nila ay namumutla na. “What happen? Franz halika rito sa tabi," tawag ko kay Franz na dahan dahan ang pagkilos at pagtayo. Pero imbes na makaupo ako ng maayos, siya ang naunang umupo at ikinandong na lang niya ako. “Para-paraan lang Franz?" sita ni Via rito. “Ba—bakit heaven place ang tawag niyo rito Pia?" tanong ni Dark sa takot na boses na pumipiyok pa. “Puwede bang sa mansion na lang tayo ni Franz mag-usap baka kasi hindi kami mamamatay sa kalaban dahil dito pa lang aatakehin na ako." sabi naman ni Anton na sobrang putla ng Mukha. Gusto niyo bang malaman kung bakit heaven place namin ito pero kinakatakutan ni Franz at mga kaibigan nito? Ganito kasi 'yon. Ganito kasi. Pagbukas mo pa lang sa pinto may laser na umiikot ng mabilis at kapag natamaan ka mapuputol ang parte kong saan ka natamaan. Kami lang siyempre ang may access kung paano ito mapapatigil. Ganoon din ang sahig na aapakan mo, kapag ang naapakan mo ay umilaw suwerte ka kasi hindi puputok iyon. Pero kapag ang naapakan mo ay tumunog sorry ka na lang dahil kasama ka sa sasabog. Pero 'yong malapit lang naman sa pintuan ang mayroon ganoong bagay. Kapag nakalagpas ka doon suwerte ka. Ang mga makikita mo naman sa pader ay mga ibat-ibang klaseng mga baril. May katana, sword, Bomba, kadena na may mga lason at mga gamot na nakamamatay. Bawat upuan at lamesa naman ay ganoon din may mga baril sa gilid at ilalim nito. Kaya namin tinawag itong heaven place dahil 'andito na lahat ng kailangan namin. Kaya masisisi ba namin ang mga boy's sa mga reaksyon nila? Kahit nasa sasakyan na kami makikita mo pa rin sa mga itsura nila ang takot at nervous. Mafia Boss 'yang mga 'yan ah! Nasa loob na kami ng village ni Franz ng biglang huminto ang sinakyan naming Van. Ang mga kotse nila ay naiwan sa parkeng ng Bar naman at ipapakuha na lang sa mga tauhan ni Franz. “What happen Manong? Bakit kayo huminto?" tanong ni Franz sa driver niya. “May 3 van po Sir na nakaharang sa daanan natin." “F*ck atras mo Manong ang sasakyan baka magpa ulan sila ng bala." Utos ni Franz sa driver niya. “No worries Mine completo kami niyan." sabay labas naming mga babae sa mga panlaban namin. “Huwag rin kayong matakot dahil bulletproof ang Van namin." sabi naman ni Fritzie habang nilalaro sa mga daliri nito ang baril. “Ready Girls? tanong ko sa kanila. “Bakit girls lang Mine? Lalaban din kami. “Fine! Ready girl's and boy's? Happy Franz?" Dahil nga astig ang Van namin at pinagawa talaga namin, bigla ko na lang itong inutusan. “Heaven, open the roof!" “Roof open!" Bumukas ang maliit na bintana sa bubong ng sasakyan na kasya lang sa isang tao. Tumayo ako at pinaputukan ang mga taong nasa labas na may mga hawak na baril. Akala siguro nila lalabas kami dahil parang mga tanga lang sila na naka-abang sa paglabas namin sa sasakyan. “Out wala ng tao sa labas pero be attentive dahil mayroon pang tao sa loob ng tatlong Van." Kaniya-kaniya naman ng tago sa likod ng mga kotseng nakapara ang mga lalake samantalang ang mga kaibigan ko at chill lang na naglalakad palapit sa Van. Samantalang ako inutusan ko si heaven na umandar habang ako nakatayo pa rin sa butas ng bubong. Natakot siguro ang driver ng dalawang Van dahil bigla na lang itong umalis at mabilis na nagpaharorot ng mga sasakyan nila. Samantalang ang isang Van pala ay patay na ang driver kaya naiwan. Huminto ang sasakyan at sumakay ulit sila sa loob. “Pia naman eh, pinababa mo kami at napagod lang maglakad samantalang susugod ka naman pala." maktol na reklamo ni Mau sa akin. “Boring kasi Girls. Ako kasi nakapatay na samantalang kayo walley!" ang ganda ng sagot ko sa kanila di ba? “Whatever Pia! Ikulong mo sa kuwarto 'yang babae na 'yan Franz ha, nanggigigil ako diyan." pagtataray na sabi naman ni Fritzie sa akin. Nakarating kami sa mansion at pumasok na parang alam ko na ang lahat sa bahay kaya nagtaka sila. “Kung makatingin kayo sa akin daig ko pa ang magnanakaw Boy's!" “Bakit kasi alam mo pati password?" tanong ni Orson sa akin. “Huwag na kayo magtaka at magulat Boy's dahil lahat ng bahay niyo napasok na ni Pia." sabi ni Via na natatawa. “F*ck!" sabi ni Dark. “Damn!" sabi naman ni Orson. “Seriously?" tanong naman ni Brent. “Sino ba kasi talaga kayo?" tanong naman Anton. “Ako si Pia na maganda at sexy, Via, Fritzie, Cassy at Mau." “Hindi rin kayo mananalo sa pagka baliw ni Pia. Kaya binabalaan na kita Franz baka si Pia ang maging dahilan ng maaga mong pagkamatay." sabi naman ni Mau na ikinatawa ng lahat maliban kay Pia na naka pout ang nguso. “Mine, buhatin mo ako pagod na ako." lambing ko kay Franz na 'agad naman niyang sinunod. “Anong gusto mong pagkain?" “Kahit ano basta walang lason at gayuma." Nakakapagod ang araw na ito. Hindi ko pa alam kong saan ako mag-uumpisa sa pag explain kay Franz ang lahat. Aamin ba ako? Sabagay nakita niya na lahat kong paano ako kumilos at mukhang hindi naman natakot. Huwag ko na lang siguro ipaalala ang tungkol sa heaven place namin dahil baka atakehin na talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD