Back to normal na kami. Well kapag sinabi kong back to normal it means pasok sa bar, balik sa magulong Mundo, away rito, away roon.
Katulad ngayon, wala pa akong pahinga dahil nag iimbestiga ako sa mga buhay ng mga kupal.
Bakit ba kasi Lima silang magkakaibigan? Hindi ba puwedeng 2 lang sila? Sabagay kami nga Lima eh.
Nakakapagod na araw na ito. Pero worth it dahil may nalaman ako. Kumusta kaya ang mga Boy's? Nakaka miss din pala sila.
Sila ba talaga self o si Franz? Hay, napapraning na 'ata ako kinakausap ko na ang sarili ko.
Pero habang nag iisip bigla na lang nag ring ang cellphone ko.
“Yes?" tanong ko sa kabilang linya na si Via lang pala.
“Where are you?" tanong nito sa akin na halatang wala sa mood.
“Papunta sa Bar na tin. Why?"
“Napipikon na ako kay Brent tanong nang tanong kung nasaan ka raw dahil ang kaibigan niya ay lagi na lang galit."
“So? Anong kinalaman ko?"
“Magpakita ka na raw kasi kay Franz." sigaw nito sa akin kaya medyo nabingi ako. Pero dahil astig ako sinigawan ko rin ito pabalik na ikinamura naman nito sabay baba sa akin ng cellphone.
Akala niya ah! Ang sakit kaya sa taenga. Pasalamat siya maganda ako.
Gabby POV
Simula nang bumalik kami rito sa Manila lagi na lang mainit ang ulo to the point na kahit mga kaibigan at mga katulong ko ay nadamay na.
Alam ko naman si Pia ang dahilan kong bakit lagi na lang akong galit. Nasaan ba kasi ang babaeng 'yon isang linggo na ang lumipas wala man lang paramdam.
Pinapahanap ko siya sa mga tauhan ko pero hindi nila mahanap. Iyong information nila na naka indicate sa pag mo-model nila naka private.
Nag hire na nga ako ng magaling na hacker pero mas magaling pa rin 'ata ang may hawak ng files nila.
F*ck na mi-miss ko na ang babaeng 'yon. Hindi pa rin ako susuko sa paghahanap sa'yo Pia. Makikita pa rin kita dahil akin ka lang.
Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang dumating si Dark at kinuha ang hawak kong baso na may laman na alak.
“Halika ka na Bro kailangan na natin kumilos. Makikipagkita ang Boss ng "The alpha organization" para sa partnership natin."
“Saan daw?" tanong ko kay Dark. Siguro nga kailangan ko ng ibang mapagkaaabalahan kaysa ma baliw ako kakaisip kay Pia rito.
“Sa PVMCF Bars daw. Ito ang text niya sa akin at ibinigay ang address." Sabi ni Dark sabay lapit kay Franz at pakita sa cellphone na kawak nito.
“Galing na tayo rito right? Pero 'di ko napansin na ganito ang pangalan ng Bar na ito."
“Yah, ang wierd nga. Pero may 10 branches na raw 'yang Bar na 'yan."
“Ngayon na ba tayo aalis?"
“Oo Bro. 6pm na rin naman doon na raw de-deritso ang tatlo."
Samantala...
“ Ma'am Pia, Ikaw na raw ang kakanta." Tawag sa akin ng back up singers ko.
“Sige lalabas na."
“Hello everyone sana nagustuhan niyo po ang mga foods and sana pati mga boses namin ay magustuhan niyo rin. Para po sa inyo itong awitin ko na ito. Again enjoy and bon appetite sa iyong lahat."
Napalingon si Franz sa boses nang babae na nagsasalita sa stage. Kahit nakapikit ako alam kong boses ni Pia 'yon at hindi nga ako nagkamali dahil pagkalingon ko siya nga ang kumakanta sa stage.
“F*ck Bro, dito lang pala natin makikita si Pia!" sabi ni Brent. Si Orson naman tinawag ang waitress at may binulong dito.
“Dito pala siya nagtatrabaho? Akala ko ba sikat na Model siya?" Na cu-curious na tanong ni Anton.
“Anong tinanong mo roon sa waitress Bro?" tanong ni Dark na may pagka chismoso.
“Hindi siya rito nagtatrabaho mga Bro. Siya raw ang may-ari ng Bar na ito kasama ang mga kaibigan nito." manghang pagkasabi ni Orson.
Nakita nila na nasa malalim na pag-iisip ang kaibigan nila. Pero nagulat sila ng bigla itong nagmura.
“F*ck! Kaya pala PVMCF ang pangalan ng Bar nila. Sinunod nila sa mga pangalan nila." sabi ni Franz.
“Pero napapansin niyo mga Bro puro babae ang nagtatrabaho rito?" nagtatakang tanong ni Brent sa kanila.
“Much better." sagot 'agad ni Franz rito.
“Pero Bro, paano na lang kong may pumasok dito na mga loko-loko?" tanong ulit ni Brent.
Hindi nga nagdalawang salita si Brent dahil nag dilang angel ito.
May mga dumating na mga armadong mga lalake at bigla na lang itong nagpa putok pagkakita kina Franz.
“F*ck! Kayo na ang bahala rito at pupuntahan ko si Pia," Pero habang sinasabi ko 'yon nakita ko ang mga kaibigan ni Pia na lumabas galing sa kung saan. Hindi mo sila makikitaan ng takot lalo na si Pia na akala mo hindi siya ang Pia na minahal ko.
Samantalang hindi napansin ni Pia ang lalaking kanina pa nakamasid sa kanila dahil busy sila sa pakikipaglaban.
“Pia marami sila." sigaw ni Via sa kaniya habang panay ang hagis niya ng katana sa mga kalaban at 'yong mga nakakasalubong niya ay pinapatay niya sa pamamagitan ng tadyak at suntok sa masisilang parte ng katawan.
“Sino ang sad'ya nila?" tanong ko naman rito.
“May mga lalake sa dulo ng mesa na kumakain doon nagsimula ang putukan."
“Sh*t sila, idadamay pa nila ang Bar natin." sabi ko kay Via na nanggigigil na sa mga nangyayari dahil marami na ang nasirang mga gamit.
Hindi naman nakakapag concentrate sa pakikipaglaban ang mga lalake dahil sa nakikita nila. Ang mga babaeng nakasama nila sa Leyte na akala mo mga mamahaling crystal na nakakatakot mabasag at mga sosyal kung kumilos ay ganito ka galing makipaglaban!
Kahit si Franz na akala mo walang kalaban dahil nakatulala ito sa mahal niya na parang akala mo lumilipad lang sa gaan ng katawan dahil sa taas nitong tumalon at parang kidlat sa bilis ng kilos.
Napapa mura na lang si Franz at mga kaibigan nito kapag nakita nila kong gaano kabilis kumilos ang mga babae at pumatay na parang hindi tao ang pinapatay.
Habang palapit naman nang palapit ang mga babae sa dulobng lamesa nagulat na lang sila dahil sa dinami tao sila pa.
“Pia, sila Franz ang habol ng mga kalaban." sabi ni Fritzie na malapit sa kaniya.
“Damn! So buking na tayo!" sabi ni Pia at paglingon niya nagkatitigan pa sila ni Franz.
“Watch out Franz!" sigaw ko rito habang mabilis ng tumakbo palapit sa kaniya. Pero bago ako nakalapit sa nakatulalang si Franz, binato ko mo na ng katana ang may balak na bumaril kay Franz.
Pagkalapit ko kay Franz pinagmumura ko ito dahil sa pagiging reckless ng kilos nito pero nagulat na lang ako dahil bigla ako nitong niyakap at hinalikan sa labi.
Mabuti na lang at ubos na ang kalaban namin. Kalaban pala nila na akala namin ay kalaban namin dahil kami ang halos nakipagpatayan sa mga ito. Ang mga Boy's? Ayon nakatulala sa ganda namin.
Ang sasarap ilibing ng buhay.