Back to Manila

1149 Words
Last day na namin dito sa Baybay. Ma mi-miss ko rito pero ipinapangako ko babalik ako rito. Ang usapan sabay sabay kami na bumalik sa Manila pero iba ang plano ko. Alam kong magagalit si Franz sa gagawin ko pero kailangan para sa kaligtasan nila. “So, aalis tayo ng walang paalam sa kanila?" tanong ni Cassy sa akin. “Hindi tayo puwedeng sumabay sa kanila. Aalis tayo ngayong gabi pero hindi para bumalik sa Manila kun'di gabayan sila sa kanilang pag-alis. We're going to follow them without there knowing." “Pero Pia baka dahil diyan sa decision mo magalit si Franz. Alam kong mahal mo na rin si Franz kaya alam ko rin na masasaktan ka sa gagawin mo lalo na kapag magagalit siya sa'yo." sabi naman ni Fritzie. Bumuntong hininga mo na ako bago magsalita. “I know! Pero mas gugustuhin ko ang magalit siya sa akin kaysa mapahamak sila." “Do you think Pia mahina sila? They can manage also. Hindi sila magiging Mafia Boss without nothing." Galit na nasabi ni Mau sa akin. “Look here Pia, minsan ka lang magmahal o mas tamang sabihin na ngayon ka lang nagmahal at ganoon rin si Franz bakit 'di mo na lang sabihin sa kaniya ang totoo at sabay kayong lumaban?" sabi naman ni Via. “I don't know why kung bakit may pumipigil sa akin na sabihin ang totoo sa kaniya, sa—sa kanila." “Beside's what a big deal naman? Hindi lang naman tayo sasabay sa kanila sa pagbalik ng Manila?" dagdad ko pang sabi sa kanila. “We know you Pia. Hello kababata ka kaya namin. Alam namin na hindi ka na magpapakita kay Franz dahil iisipin mo na naman ang kaligtasan niya at magagawa mo lang 'yon kapag wala siyang malalaman sa pagkatao mo." sabi pa ni Mau na nakataas ang kilay. “Anong gagawin ko girls? Kahit ako sa sarili ko hindi ko na rin kilala. Ang dating walang kinakatakutan at ang matapang na Pia ay nawawala kapag si Franz na ang pag-uusapan?” tuliro kong sabi sa kanila. “Kasi nga mahal mo siya. Pero selfish ang pagmamahal mo dahil puro na lang ang kaligtasan ni Franz ang iniisip mo. Girl, kaya ka rin naman sigurong ipagtanggol ni Franz? Baka nga gagawin din niya ang lahat para sa kaligtasan mo eh." sabi ni Via na himalang naka-usap ng matino. “Bahala na! But for now maghanda na tayo, nakapagpaalam na rin naman ako kina Tito at Tita." “Bahala ka na nga! Basta walang iyakan kapag 'di ka na pinapansin ni Franz ah." sabi ulit ni Via. Sinigurado namin na tulog na tulog sila bago kami umalis ng bahay. Lahat ng dadaanan nila na secure na namin. Alam namin ang lahat ng galawan nila dahil may ikinabit kaming maliit na bagay upang malaman namin kung saan sila pupunta. Alas singko na nang Umaga at alam namin na gising na sila dahil gumagalaw na ang tracker na ikinabit namin sa likod ng mga cellphone nila. Hindi nila mapapansin ito dahil sa sobrang liit at kulay puti. Na imbento ang gadget na 'yan ng isang kasamahan namin na sobrang galing at talino sa pag iimbento ng mga bagay bagay. Habang naka upo kami sa may gilid ng kalsada bigla na lang nag ring ang cellphone ko. Sh*t hindi ko pala na off. Nakita ko na si Franz ang tumatawag kaya alam na namin na hinahanap na nila kami. Naka disguise kami para hindi nila kami makilala at malaya namin silang mabantayan. Samantala.... “F*ck bakit hindi sinasagot ni Pia ang cellphone? Nasaan na sila?" galit na galit na sabi ni Franz na ultimo mga kaibigan niya ay takot na kay Franz. Panay ang lakad ni Franz na hindi pa rin tinitigilan ang pag contact sa number ni Pia. Maya-maya pa sa sobrang galit ni Franz ibinato na lang nito ang cellphone nito na naging dahilan ng pagkawarak. “Good morning Anak aalis na ba kayo? What happen boy's?" tanong ng Ina ni Franz sa kanila. “Galit po ang Anak niyo Tita kasi iniwan ng Mine niya." sagot ni Brent dito. “Kagabi pa nagpaalam sila Pia dahil may emergency raw. Nahihiya raw silang gisingin kayo." “Let's go!" Padabog na tumayo si Franz sa upuan sabay lakad ng mabilis. “Mauna na pi kami Tita, Tito baka kami ang pagbuntunan ng galit ni Mister heart broken." sabi ni Dark na ikinatawa nila. “Sige na at sundan niyo na ang Anak ko. Paki alalayan na lang dahil alam niyo na ngayon lang nagmahal 'yan." malungkot na sabi ng Ina ni Franz sa kanila. “We know Tita. Bye po!" sabi naman ni Anton. Tumunog ulit ang cellphone ni Pia pero hindi na si Franz ang nasa caller screen kaya sinagot niya ito. “Yes Tita? “Nakaalis na sila rito Iha. As expected sobrang galit si Franz sa'yo dahil hindi ka raw sumasagot sa tawag niya kaya ayon ang kawawang cellphone ang nagpagbuntungan at ibinato ito." sabi ni Tita sa kabilang linya. “Importante ang kaligtasan nila Tita Saka ko na aasikasuhin ang sa aming dalawa kapag okay na ang lahat. Iyon ay kung kaya niya pa akong tanggapin." malungkot kong sabi rito. “Mahal ka ng Anak ko Iha. Nakita ko kong gaano siya sobrang nasaktan kanina." Dahil wala na akong masabi pa nagpaalam na ako rito at dahil alam rin namin na malapit na sila sa amin. “Ang gu-guwapo talaga nila noh kaya hindi natin sila masisi kong bakit marami ang naghahabol sa kanila." sabi ni Via. “Be alert girls may nakita akong dalawang lalake na may hawak na katana." sabi ko sa kanila sa seryosong tono kaya alam nila na ako na ang totoong Pia pagdating sa trabaho. “Doon kayo sa kanan Via at Fritzie . Sa kaliwa kayo naman kayo Cassy at Mau. Ako sa likod nila. Secure all the area." Utos ko sa kanila na tanging sa air piece lang kami nagkakarinigan. “Loud and Clear!" sabay sabay nilang sabi. “Tingnan niyo bawat taong nakakasalubong niyo at ako na ang bahalang tumingin bawat building baka may sniper." sabi ko sa kanila. May nakita akong dalawang lalaki na nasa likuran nila Dark at Brent at pa unti-unting nilalabas ang mga kamay na nasa bulsa. Pero bago nila ilabas iyon dinikitan ko na sila at itinusok ang karayom na may lason at bigla na lang silang bumulagta na ikinagulat naman ng mga taong naglalakad. Hindi ako napansin nila Franz dahil sa sobrang bilis kong kumilos at nawala na parang bula. Pinagkagulahan naman ang dalawang tao na nangisay na lang bigla. “Report girls." “Clear kami rito Pia." sabi ni Via. “Kami rin." sagot naman ni Cassy. Malapit na kami sa airport kaya panatag na kami. Siguro naman magiging ligtas na sila. See you Franz when I see you! I'll be missing you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD