DECEMBER 24 aNG mga kaibigan ko kasama ko silang bumili ng mga panregalo sa mall na mas malayo sa pangkaraniwang pinupuntahan namin, mga pasakit sa buhay pagkUwentuhan ba ang christmas date with their boyfriends. Pero okay lang naman kahit wala ako no’n as long as okay kami ni Claude. Nakakapanibago lang talaga ang bawat araw na ‘di na sila ang kasama ko. Iyong natapos na ang isang mahabang panaginip at ito na uli ang realidad. “Yuki, kumusta naman ‘yong restaurant na sinasabi mo? Dalaw kami today.” Sabi ni Jammie. “Oo nga, medyo naririnig-rinig ko na kasi ‘yan,” sabi ni Karen. Kumakain kami sa isang Korean Resto sa loob ng mall. “Si Clang ‘yong may-ari no’n, pero sabi niya na sa kapatid niya talaga ang orihinal kaya parang second branch lang siya.” Sagot ko, “Punta kayo, masasarap an

