DECEMBER 25 Nandito ako sa bahay, walang gala at puro group date sila parang nang-aasar lang! Inaasikaso ko mga inaanak ni mama, step-dad at inaanak ko na rin na tatlong piraso. Christmas for family ‘yan hindi pang couple ano ‘to Valentine? bitter na kung bitter! Kapag nabuo na si Heaven namin ni Claude myloves kukunin kong ninong at ninang mga rich, may tumawag sa cellphone ni Claude name. “Dad” hindi pa ba alam ng daddy ni Claude na nasa Japan na si babe ko? Kinakabahan ako no’ng pumunta sa kwarto ko, inhale-exhale shemay! Nanginginig yung kamay ko ng pindutin ko at itapat sa tenga ko. “Hello po?” ako with sweet smile na ‘di naman nakikita nang kausap ko. “Is it Yuki? Can I ask you something?” waa! alam niyang ako ‘to, ano naman itatanong niya? lalaitin niya ‘ko at sasabihin na

