Nagpatuloy ang mga araw na wala kami sa tabi ng isa'ti sa pero hindi kami nawalan ng komunikasyon, walang gabi na ‘di kami nagkakausap. Halos magkasama na nga kami sa ganoong set-up, madalas late siya nakakauwi at bukas lang ang videocall namin kahit natutulog na kami. Naisip ko rin na nakakamiss iyong makatabi siya pero hindi naman pala masama ang LDR relationship lalo kung may tiwala at pagmamahal. Sobrang okay naman ng set-up namin and it makes me feel even more happy. Claude is not a kind of person na mahilig mag open up pero gusto niya na ikinukuwento ko sa kanya lahat ng nangyayari sa ‘kin. Ayos lang naman sa ‘kin dahil gusto ko ‘yong pakiramdam na nakikinig siya kahit may halong panlalait minsan. Hindi kasi niya maamin na maganda ako

