Blue (Aoi) POV Para akong tanga na kinakabahan din sa pagdating no’ng Vanessa, si Takumi naman kasi! Ano ba kasing ayaw niya roon sa babae? Kung tutuusin pag tiningnan mo si Vanessa wala naman siyang iba pang hahanapin. Napabuntong hininga ako dahil may isang lalaking pumasok sa isipan ko na nakatalikod sa ‘kin. Sabagay hindi naman talaga napipili ang pag-ibig. “Tara na!” si Takumi sa ‘kin. Binitbit ko na ang malaking bag pack ko dahil aalis daw kami para takasan si Vanessa. Binitbit pa niya ako dahil gusto niyang mamundok. Hindi ako makahingi ng tulong kay Ruki at abala na siya. Hindi naman kami magtatagal ni Takumi dahil may concert na kami. Pero ewan ko ba rito. “Napakabagal mo naman! Iilang araw na lang tayo rito.” Napabuntong hininga ako. Sana nag road trip or pumunta na

