CLAUDE’S POV Tumungo ako sa balikat niya. “Ganyan ka katigang?” aniya. Minsan naiirita ako sa paraan ng pananalita niya. “Mamaya na lang—” Pero madalas nangingiti ako. “Bakit hindi pa ngayon?” nginisian ko siya. Pinitik niya ako sa noo. “Hey!” “No. Bago lang tayo at—” Hindi na siya nakapagsalita dahil hinalikan ko siya sa sa leeg, magkabila, gusto ko ang pakiramdam ng mainit niyang katawan. “Just a half, babe…” “Naman, dinadaan mo ako sa babe at sa ungol!” aniya. Nangiti ako. Hinalikan ko ang kanyang leeg. Bumibigat ang paghinga niya at mas kumapit sa ‘king balikat nang husto. Pinakikiramdaman ko kung tututol siya pero hindi naman niya ginagawa. Napalunok ako dahil gusto ko lang naman na tuksuhin siya pero nang dumako ako sa dibdib niya hindi ko maiwasang pakatitigan ‘yon

