Sa isang kaibigan ni Ruki tumuloy sila ni Yuki. Si Apple ay nakilala niya na no’n sa Pilipinas at mas una niyang nakasama kila Claude. Maganda rin ang mga gamit nito na maipahihiram sa kanila para makapag-praktis at maging ang environment ay maganda para makapag-relax si Yuki. Nakatulog kaagad si Yuki pagdating nila kaya bumaba siya at tumungo sa veranda para tawagan si Takumi. “Where’s Claude?” “I don’t know, why are you asking me?” natatawang tanong ni Takumi. Nang mapansin ni Takumi na ‘di kumibo si Ruki ay napabuntong-hininga ‘to sa kabilang linya. “Four days na kaming ‘di nagkikita.” Seryosong sabi ni Takumi. “What about Blue?” “Ruki, si Blue ay abala kay Adam ngayon. Alam mo ang usapan nila kaya as much as possible ‘wag na nating i-involve si Blue.” Naunawaan naman ‘yon n

