YUKI Ngumiti ako kahit gusto kong sampalin si Suzy sa pagtatago sa boyfriend ko. “Let me t-talk to him.” Gumagaralgal ang boses ko. “Why are you here? Get out!” mariin man ay halatang hininaan niya. Hinila niya ang pinto para makalabas siya at masara ‘yon na parang may itinatago. Pero pinigil ko ang pintuan. “What are you doing!?” Malakas kong itinulak ang pintuan na ikinabigla niya. Hinila niya ‘ko nang papasok ako. Kaagad kong inalis ang kamay niya sa ‘kin saka ko siya dinuro na ikinabigla niya. “Sino ka?! Hindi pa kami naghihiwalay ng lalaking kasama mo! Wala kang karapatan na bumukaka sa harapan ng lalaking nasa isang relasyon!” Malakas na sigaw ko sa kanya. Nakita kong nabigla siya, kusa nang bumagsak ang mga luha ko sa sobrang bigat ng ipinaparamdam nila sa ‘kin! “Wala s

