Kapag gusto ko ng sumuko lagi kong iniisip ang mga araw na naramdaman ko na mahal niya ‘ko at naramdaman ko iyon. Sa concert nang sabihin niya na mahal niya ‘ko, alam ko kung gaano kataas yung pride ni Claude. Sa mga panahon na nagiging cold siya, dama ko na may dinadala naman talaga siya. Kahit ako hindi ko alam bakit ayokong sumuko, gusto kong umunawa kahit sobrang laking sampal sa ‘kin na nakipag-s*x siya sa iba at napatunayan ko pa mismo. Hindi ko naman ipinagdamot sa kanya ang katawan ko kaya hindi ko alam bakit iba pa ang pinili niya. Ayokong sumuko dahil kakayanin ko pa at gusto kong kayanin dahil sobrang mahal ko siya. Pero masakit, sobrang sakit at ayaw pa ring tumigil ng pag-iyak ko. Apat na buwan pa lang kami ni Claude, alam ko rin naman na may mga pangit din akong ugali. Na

