Tulala ako habang pinoproseso ko pa rin ang kanyang sinabi. Malaki ang ngisi ni Harry ngayon habang ako naman ay nanlumo na. Gusto ko ng anak, Oo, pero sa sitwasyon namin ngayon, parang hindi pa ito ang tamang oras. Napalunok ako at saka inilagay ang isang palad ko sa tiyan ko. Hindi ko akalain na buntis pala ako at pinapahamak ko ang walang kamuwang na buhay sa loob nito. "Aren't you happy?" Umupo si Harry upang mag-level ang aming mga mukha. Nakita ko ang paglunok niya. "We are going to raise the baby with me. I am not going to leave you or hurt you anymore because I love you. Please trust me in this." Ang kanyang mata ay nagsusumamo at kitang-kita ko ang kaba sa kanyang mukha. Bumilis ang paghinga ko nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at saka inilapat ang kanyang malambot

