45

1239 Words

Sari-sari ang nararamdaman ko ngayon. Bigla, takot, lito at kaba. Nasusunog na ang bahay ngunit narito ako sa kwarto, kasama si Ella. Kinuyom ko ang kamao ko. “Ella! Masusunog ang bahay!” singhal ko. Iniisip ko pa rin na hindi niya kayang manakit ng tao kaya kahit gano’n nga ang nasa isip ko, iniisip ko pa rin na may kabutihan sa katawan ang babaeng ito. “I don’t care.” At biglang umilaw ang buong kwarto. Umawang ang labi ko nang nakita ko si Ella na may dalang lubid at sa gilid niya ay isang gallon ng gas. Umawang ang labi ko at mas lalong kinabahan. “Props lang iyong nakita mo kanina,” aniya sabay ngisi. “Hindi pa masusunog ang bahay mo.” “Hayop ka!” sigaw ko sabay tayo. Akmang hihilain ko ang buhok niya ngunit bigla niyang pinatid ang paa ko kaya napahiga muli ako sa sahig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD