Nanlalamig ang mga kamay ni Isla habang pababa sa taxi. Malayo pa lang ay tanaw na niya si Matthias at Faroda at bakas sa kanilang mukha ang matinding pag-aalala sa paghihintay sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang ginawang desisyon ngunit ngayon na naririto na siya ay wala ng atrasan pa. Agad naman siyang nasilayan ni Matthias at tumakbo ito patungo sa kanyang direksyon. "Isla! God, are you okay?" tanong nito at tumango lang naman siya. Sinalubong naman siya agad ni Faroda at agad na naglabas ng puting dyaket ngunit hindi ito gaanong makapal. Hindi niya maalala kung may dala si Faroda na mga gamit kanina. Nang tuluyan na silang makasakay sa sasakyan ni Matthias ay doon na alng din nagtaka si Isla kung bakit hindi sila pumasok sa airport kung sa gayun na iyon ang kanyang gu

