6 years later . . . "Cerius! Dalian mo riyan at mahuhuli ka na," tawag ni Isla habang inaayos ang baon nito. Anim na taon na ang nakalipas simula nang tumakas siya sa mga kamay ni Clay. Ang tanging alam lamang ng kanyang mga magulang ay buhay siya at nasa malayong lugar ngunit hindi nito alam na buhay ang kanyang anak. Ibinalita niya kasi sa mga ito na nakuhanan siya kaya napagdesisyunan niyang magpakalayo-layo. Hindi niya rin sinabi sa mga ito kung nasaan siya dahil ayaw niyang malaman ito ni Clay. Mapayapa siyang namumuhay kasama ang kanyang anak na si Cerius. Ang huling balita niya kay Clay ay sikat na sikat na ito matapos ang dalawang matagumpay nitong pelikula inilabas sa sinehan at pumatok sa masa. Tanyag na tanyag na ang pangalan nito sa industriya at tulad din noon ay bali-balit

