Hatinggabi na. Ang kalsada’y halos walang ingay maliban sa bahagyang pag-ugong ng makinang bumibiyak sa katahimikan ng gabi. Ang mga poste ng ilaw ay naglalagaslas sa kanilang daraanan, nagbibigay ng panandaliang liwanag bago muling lamunin ng dilim. Sa harapan, ang buwan ay malamlam na nakasabit sa kalangitan, wari’y tahimik na saksi sa di-mapakali niyang damdamin. Mula sa kanyang kinauupuan, mahigpit niyang niyapos ang sariling mga kamay, pilit na itinutuon ang tingin sa bintana kaysa sa lalaking nasa tabi niya. Si Clay. Ang mga daliri nito’y mahigpit na nakapulupot sa manibela, ang bawat litid sa kanyang kamay ay bakas ng pagpipigil—o marahil, ng isang damdaming hindi nito mailabas. Tahimik itong nagmamaneho, walang kibot, walang kahit anong senyales kung saan sila patungo. Hindi siya

