Leila Presley "Susunod ako after a week. Stay at our condo." Nakalukot ang mukha ni Rip habang nagsasalita tungkol sa pag take over ko muna sa mga accounts namin sa Lumineer. At first ayaw niya, pero ipinaliwanag ko naman sakanya na kailangan ko iyong gawin dahil si Trent ang tanging tumulong saakin ng walang pagtatanong nung umuwi ako sa Cebu. "Basta ipasunog mo lahat ng nadapuan ng malandi mong ex, deal yan." "Already did." "Hindi naman sa bitter ako..pero yes bitter ako Rip. Hindi ko na yata kailangan isa isahin kung bakit. Lalong lao na ngayon na wala tayong choice kundi sundin ang gusto niyang mangyari. Tang-ina niya talaga. Pero sige, kung yan ang paraan para pirmahan niya ang full custody mo, fine." "At hindi mo na ako kailangan pang sabihan na sunugin ang mga nadapuan niya, p

