One
Unhinged #4: Tryst
RAW AND UNREVISED VERSION
∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵
WARNING:
EXPLICIT CONTENT. READ RESPONSIBLY.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
© SELINA MATIAS
∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵
Leila Presley
Yung sandwich spread sa pagitan ng tinapay.
Yung lugar kung saan nagtatagpo yung intersection.
Yung birole sa pantalon.
Yung hati ng butterfly na buhok.
Yung lay over flight bago ka makarating sa destinasyon mo.
Yung 6 inches sa isang ruler.
Yung hindi bunso at hindi rin panganay sa tatlong magkakapatid.
That's me.
Leila Presley Elizalde.
All my life lagi na lang akong nasa gitna, hindi first choice hindi second choice at hindi rin last choice--malapit na sa no choice.
Ako yung hindi masyadong napapansin lalo na pag family reunion, eh ang ganda ganda ko naman--pero hindi kasi ako ang binibigyan ng mabigat na responsibilidad katulad ni kuya at hindi rin ako yung spoiled na bunso katulad ni Luther.
Sakto lang--kumbaga ako yung creamer sa kape, pwedeng meron, pwedeng wala.
So ano naman ang pinaglalaban ko dito?
Wala naman po.
Kakabili ko lang kasi ngayon sa booksale nung librong 'The one in the middle is the green kangaroo' and nakakarelate ako.
The book is about Freddy, a middle child (like me).
Here's what wikipedia says about it:
'It is about second-grader Freddy Dissel, a middle child who feels emotionally squashed between his older brother, Mike, and his younger sister, Ellen. He doesn't seem to get much attention, until he lands a role in a school play as a green kangaroo.'
'emotionally squashed' -- Nakakaloka diba? I don't know if it's the appropriate term, pero malapit na rin.
I know this because Freddy was so much like little Leila.
Well, I'm glad I got over that benign emotional setback.
Cue in rain and smeared mascara while I sing a song from Aegis.
I didn't mean to be a little over dramatic here, but this is a fact and a lot of children are good at hiding their emotional scars--may it be small or big.
And believe me when I say na mas malala yung maliit--lalo na kapag paulit ulit na lang at hindi napapansin.
Ooops, okay enough about my sentiments.
Leche kasing libro yan, sana hindi ko na lang binili sa Booksale.
Ito tuloy, andito pa ako sa Glorietta, late nananman ako nito sigurado pa school.
Dali dali akong naglakad patungo sa nakakainis na underpass bakit pa kasi naimbento pa 'to ang dami pa tuloy dadaanan bago makapunta sa sakayan ng jeep.
Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko tinanggap yung pinagsawaang black Camaro ni Luther.
Eh kasi naman po ang pride mo.
Oo nga pala, medyo nagrebelde ako dati, kasi nga feeling ko emotionally deprived ako when it comes to my parent's attention--kaya ayun nag cutting classes ako twice (medyo nga lang diba). Kaya tuwang tuwa ako nung pareho sina mama at papa ang nag attend ng guidance meeting ko.
And nung time na binibigay sakin ni Luther(ang demonyito kong kapatid) as graduation gift yung kotse niya for 2 years--and did I mention na 1st year highschool pa lang may sarili ng sasakyan, nakakaloka--eh ayun hindi ko tinanggap.
Kasi alam kong magpapa palit siya ng bago at dahil bunso susundin ni papa at mama. Alam ko namang bibigyan nila ako ng kahit anong hingiin ko, pero sobrang pride ko lang yata talaga noon at nasa kasagsagan ng teen angst kaya hindi ko makuhang humingi hingi, gusto ko sila ang mag offer, mas maapreciate ko kasi pag ganun.
Yung ramdam kong ako talaga ang iniisip nila ng bilhin yon or ng mapagdesisyunan yun.
Oh well, this is life.
---
Nasa jeep na ako papuntang Benilde para sa 6pm class ko when my stylish v3 phone chimed.
Kahit siksikan at medyo malagkit si manong na katabi ko, I still managed a huge grin.
Henric my love calling..
"Hi love!" Ngiting ngiti pa ako niyan habang nakahawak sa railings ng jeep, which by the way ay malagkit din, so mamaya pagbaba ko, maliligo ako ng alcogel.
"Hi..Just called to inform you na hindi ako makakauwi mamaya,may kailangan kaming tapusin for the Chen-Munji case." As usual, wala ako masyadong na absorb sa sinabi niya, kasi naman super dreamy ng boses ng love ko.
"Okay love, wag magpapalipas gutom.Maayo unta swertihon!(Gooluck)I love you!" Binulong ko na lang yun last part kasi halatang nakikinig yung kaharap ko--who is 5 inches away from my pretty face.
May sumakay kasi ulit na pasahero kahit alam ng puno na, so ang laban, kalahati ng pisngi ng pwet ko ay nasa upuan, yung kalahati ay hanging by a moment.
"Okay." Then the line went dead.
Haayy..sa 7 years na relasyon namin ni Henric, siguro 25 times pa lang siya nag I love you too sakin, at mga 6 times nag I love you at yung karamihan ay same here, you too and blockbuster ang okay.
You may call me martir, gaga, estupida, tonta pwede rin praning--but you don't know him like I do.
Childhood sweethearts kami ni Henric, his family and my family are like tight as a newly bought panty na maliit sayo--yung mahapdi sa singit pag pinilit mo..ganun ka tight.
Classmates kami from kindergarten to elementary.
Nung dumating kami sa first year highschool, ki niss ko siya sa pisngi kasi inaway niya yung nang bully sakin at laking gulat ako nung sinabihan niya ako na wala ng bawian yung kiss, ibig sabihin daw 'non girlfriend niya na daw ako-kaya naging kami na.
For the first time in my life, naramdaman kong importante ako, na somehow, hindi pala ako second choice!
Noon pa mang mga bata pa kami, lagi na siyang nakasunod sakin, and akala ko nga binibilinan lang siya nina papa na bantayan ako kasi kami nga ang laging classmates, pero nagbago lahat ng hinalikan ko siya sa pisngi.
So, I agreed on what he decided, naging girlfriend niya na nga ako. At never ko pinagsisihan na sa murang edad, nagka boyfriend na ako.
Henric is the kindest and sweetest boy that I have ever met.
Hindi man sa words, pero sa acts, my goodness kung pwede lang yumaman sa kakiligan na pinaparamdam niya sakin, nakabili na yata ako ng isang island.
Hindi rin kami secret relationship, infact, pagkauwi na pagkauwi namin galing school 'non, pumunta kami sa villa nila kung saan may function na nagaganap. Andun kasi yung parents namin.
Hindi man lang sila nagtaka when we approached them while we were holding our hands. At nung inanounce niya na girlfriend niya na ako, tuwang tuwa sina tita Claire at tito Jude, while my ever eccentric parents gave him a box of condom.
Let's just say na medyo peculiar ang parents ko, but they are the best, ni minsan kahit meron akong emotional setbacks dahil nga ksp ako (yan ang tawag sakin ni Luther, ang sarap niyang tirisin kahit kailan), I know that they all love us equally, pero syempre hindi maiiwasan ang ma ignore, yun nga lang ako yun palagi.
Anu ba yan, na out of topic tuloy dahil sa kadramahan ko.
Anyways, back to my love and I.
Ayun na nga, di naging kami na--we never broke up ever. Kahit tampuhan, siya lagi ang nakikipagbati.
Kahit din hindi siya masyadong vocal sa nararamdaman niya, ramdam ko na possesive siya sakin at pag nagsusungit siya,, yun ay dahil nakita niya akong may ibang kausap, mapalalake man o babae, kaya ako na mismo ang dumidistansiya.
I don't want my only source of happiness to be mad at me..or worse leave me!
Ayoko ng bumalik sa pagging wallflower pag may family reunion kami, no way. Ayoko na din bumalik sa pageemote pag hindi ako napapansin sa bahay.
I just can't.
Ako na din yung unang nagsabi ng I love you at nag initiate ng first kiss namin, 4th year kami non, JS prom, Valentines day pa.
Nagsasayaw kami at timing time after time yung tugtog. I kissed his lips gently, then told him that I love him.
He blushed, and he's really the cutest. He just hugged me tight, like he poured all his emotions on that physical connection, kaya naman, feeling ko naiinlove na talaga ako nun sakanya.
Henric is the best man I know, at pareho kaming maswerte sa isa't isa.
Sus, ako pa ba, ang sweet ko kaya, ang galing ko pa magluto.
Speaking of, kailangan ko gumawa ng adobo pagkauwi ko para baunin namin bukas.
Yes, we are living together in a very big condo. Graduation gift samin after highschool. But would you believe na hindi pa man lang kami nakapag second base, kahit pa magkatabi kami matulog?
That's how much he respects me.
Kaya mas lalo ko siyang minamahal dahil sa mga ganyang qualities niya.
He makes me feel safe and contented.
Henric is a man of a few words, pero pag sinabi niya, it means totoo yun or gagawin niya yun.
And kahit pa nasa Adamson siya for his Political Science degree, at ako naman nasa Benilde taking up Fashion Design and Merchandising, hindi ako threatened sa ibang babae.
Never ako nag duda or nag selos.
Why?
Because one gloomy Christmas morning last year, Henric Ongpauco brought me a cup of hot milk chocolate with marshmallows on top while I was reading Laura Esquivel's 'Like water for Chocolate' on my parent's living room.
Along with the hot cup is a small pouch tied on the handle.
What's inside?
An engagement ring.
Eto pa yung sinabi niya, memorized ko 'to dahil hindi siya masyadong verbal pagdating sa feelings kaya talagang matatandaan at matatandaan ko lahat ng pagpapakilig niya sakin:
'Leslie, I may not call you love, mahal or sweetie or babe or baby..Ayaw ko. Kasi for me you are Leslie, my first and last. Not even death will part us. Three words eight letters, there's not enough letters in this whole damn world to spell how much you mean to me.Gihigugma ko ikaw.(I love you)"
Syempre, lumuhod siya ako naman teary eyed and feeling ko ang haba haba ng buhok ko.
"Leslie, I love you. Please marry me after graduation."
"YES!!!" I actually screamed!
And that's the story on how I got engaged at the age of 19.
Diba, he's one in a million? Haaayy.
"Para!!!"
"Aray naman kuya" Hindi ko mapigilang kurutin yung katabi ko dahil natamaan nung siko niya yung mata ko nung dumaan siya para makababa ng jeep, medyo nag change power nga yung vision ko.
Nakakabanas!
---
Pag click na pag click na pag click pa lang nung pinto, nakatayo na agad ako para salubungin yung love ko.
Syempre, hindi naman ako binigo dahil pagbukas pa lang ng pinto, yung super gwapo niyang mukha ang bumungad sakin habang naka ngiti. Medyo haggard siya, and alam kong puyat siya nung mga nakaaraang araw kasi pareho na kaming graduating ngayon.
Sa wakas!
Three weeks from now, makukuha ko na yung diploma ko, and a month from now, yung marriage certificate namin.
Oh my, ang bilis ng panahon.
Niyakap ko siya ng mahigpit at pinaulanan ng maliliit na kiss sa mukha.
"Hindi mo naman ako namiss sa lagay na yan?" Sabi niya habang nakatingala ako at nakapulupot ang mga kamay sa leeg niya.
One week kasi siyang hindi umuwi dahil nagsimula ng maaga yung internship niya sa isang kilalang law firm sa bansa.
Balak niya kasi mag law sa UP after naming magpakasal.
"Hindi naman masyado, isa pang kiss pleaseee.." I pouted.
"Ikaw talaga.." Nakangiti siyang yumuko para halikan ako.
As always, napapapikit na lang ako pag naramdaman ko na yung malambot niyang lips.
Pero kakaiba ngayon yung kiss namin, mas matagal, mas malalim and may tongue na involved!
Oh my..
I could feel the hair at the back of my neck raise up, my heartbeat skips erratically and I could feel my toes curl.
He used his tongue in a very sensual way, and this is all new to me--to us. I feel like I was floating and flying.
Eto pala yung ibang version ng 'butterflies in my stomach'--and it is indeed, magical.
Kumapit na ako sakanya ng mahigpit habang mas lalong lumalalim ang halik namin, his hands are becoming restless too--I felt my cheeks turned red when I felt his hand on my butt.
We were both moaning, and I don't want this kiss to end!
"Leslie.." He broke the kiss and leaned his forehead on mine.
He closed his eyes and smiled.
"One month. One month more and we will start building our family." He whispered, which made me love him more.
"Yes love. Thank you for controlling yourself." I tiptoed to kiss him on the lips.
He hugged me tight .
"Nagluto ako ng menudo love ko. Alam kong gutom ka na." Hinila ko yung kamay papunta sa kusina at pinaupo siya.
Ito yung favorite part ko, yung pagsilbihan siya.
Hinanda ko ang mga plato at pagkain sa mesa habang nakangiti lang siyang nagihintay sakin.
"Kumusta yung intership mo?" Tanong ko habang linalagyan ng kanin at ulam yung plato niya. Linagyan ko rin ng extra menudo sauce yung kanin niya kasi pareho kaming mahilig sa masarsang ulam.
"Okay naman, nakakapagod pero worth it. Siya nga pala, makakasama ko dun sina Jake and Marnie, naalala mo sila?"
Kumunot ang noo ko at nag isip.
"Sino nga ba sila? Sorry love ha, ang boring kasi ng napili mong course." I frowned.
Promise banas na banas nga ako minsan pag naririnig ko ang penal code or bill of rights na yan, kasi feeling ko Polsci na din ang course ko kaka tulong ko kay love pag nagrereview siya.
He chuckled and pinched my cheeks.
"Si Jake, dad niya yung may ari ng firm, si Marnie naman, classmate din namin, cousin din ni Jake, they are of the same age, about 4 years older and si Marnie, girlfriend siya nung nag top sa bar last year. Idol ko nga yun eh."
"Ohh, yes, I remembered them, si Marnie yung nagpadala ng napakasarap na beef lasagna nung birthday mo!" Akala mo naman nanalo ako sa lotto sa pagkakasabi ko.
Tumango lang siyang natatawa.
"At si Jake yung may ari nung katulad nung polo mo na amoy babae!" Pumalakpak pa ako.
Medyo nasamid siya sa kinakain niya kaya naman tinakbo ko yung ref para kumuha ng tubig.
"Nako love, dahan dahan kasi ang takaw takaw mo." Hinimas himas ko yung likod niya.
"Ang sarap kasi ng luto mo."
"Bolero ka talaga kahit kailan." Tinampal ko yung braso niya at naupo na ulit para kumain.
"Nagsasabi lang po ng totoo."
∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵