Leila Presley
Kinakabahan akong naglakad ng mabilis papasok sa Makati Med. Sinugod kasi yung dad ni Henric dahil nastroke.
Nadatnan ko siyang nakaupo sa gilid ng pinto ng ICU habang malungkot naman ang mukha ni tita Claire na inaalo ngayon nina mama at papa.
"Love.." Hindi ko pa man siya nalalapitan, nauna ng pumatak yung luha sa mga mata ko. Ayaw ko siya makita ng ganito at nahihirapan.
"Leslie.." Agad siyang tumayo para yakapin ako ng mahigpit.
"Si papa, hindi niya kami iiwan diba?" Para siyang batang nagsumbong at nagtago sa balikat ko.
"Syempre naman love, ang lakas lakas pa kaya ni tito. Naisipan lang ng katawan niya na magpahinga sandali. Gigising din siya." Alo ko sakanya.
"Natatakot ako Leslie, hindi 'to kakayanin ni mama at ng mga kapatid ko pag nagkataon." Bulong niya sakin.
"Shh..Kailangan maging matatag ka love, andito lang ako okay?"
"Ang swerte ko talaga sayo Leslie." Naramdaman ko ang paghalik niya sa sentido ko at pag hinga ng malalim.
Hinawakan niya ako sa bewang at humarap sa bintana ng ICU. Medyo natatabunan yung room, pero halata parin na meron taong sa loob at may mga nakasaksak na kung ano ano rito.
Alam ko, ayaw niyang makita siya nina tita na parang naghihina, at ako lang yung napagsasabihan niya ng mga ganun.
Panganay kasi siya sa limang magkakapatid, at lahat babae ang sumunod.
"Ay, shoot. Nakalimutan ko love, nag take out pala ako ng kape at snacks." Napangiwi ako dahil hindi ko napansin na natapon na yung ¼ ng isang styro cup.
Tinulungan niya akong ilabas yon.
"Tita, Mama, Papa, snack muna kayo.." Aya ko sakanila.
Niyakap ako ni papa at hinalikan sa noo.
"Pumayat ka anak."
"Busy lang pa, alam mo na 2 weeks na lang kasal na namin.." Natutop ko ang bibig ko dahil don.
Lahat kami nagkatinginan.
Well, it was akward, kaya ako na lang nagbawi.
"Uhhmm..sa tingin niyo po, postpone muna namin yung kasal? Habang hindi pa malinaw ang kalagayan ni tito?" Suggest ko.
Tiningan ko si Henric at lumabi siya ng 'salamat'.
Actually, ito yung gusto ko saaming lahat, hindi kami awkward pag naguusap lalo na pag mga seryosong bagay.
"Hija, sigurado ka ba?" Si tita Claire na nagingiyak ngiyak and nagtanong.
Isa kasi siya sa super hands on sa wedding namin, and dahil sa Cebu namin gustong ganapin yun, siya ang nag asikaso ng pag papa schedule sa Cebu Church, yung venue ng reception at pati na rin guest list--actually silang dalawa ni mama, and feeling ko nga, ¼ lang ng imbitado doon ang talagang kilala namin.
"Opo tita, mas importante po ngayon ang kaligtasan ni tito. Saka, hindi po ako papayag na hindi siya kasama sa entourage." Nginitian ko siya at yinakap niya ako.
"Salamat hija, napakaswerte talaga ni Henric sayo." Hinalikan pa niya ako sa pisngi bago pinakawalan.
"Naman si tita, para ano pa't tayo lang rin naman ang dapat magbigayan.Nakasabot ko. (I understand)"
Lumapit ako kay Henric na automatic na niyakap ako at hinalikan sa ulo.
"Salamat. I love you." Bulong niya.
20.
Pang 20 na I love you niya saakin yun.
Mas lalo tuloy akong nainlove nanaman sakanya.
----
Naging stable na din ang kalagayan ni tito after 2 weeks.
Yun nga lang, kinailangan ni Henric mamili kung i-popursue pa ba niya ang law or to take over their business, which is more on importing and exporting of meat.
Meron silang malawak na hacienda sa Cebu, Davao at Surigao kung saan almost a thousand cows, pigs and chicken are being bred.
Nag karoon kasi ng emergency board meeting, dahil kasabay ng pagka stroke ni tito ay ang outbreak ng BVD sa mga alaga nilang baka. Halos lahat ng major cattle breeders ay apekatado nito, kaya kailangan agad maasksyonan.
Yung kapatid ni Henric sana ang mag tetake over, pero kulang na lang siya ng one year bago grumaduate sa college, kaya hindi pumayag yung love ko na tumigil siya.
Napag usapan na din namin na i-postpone muna indefinitely ang kasal dahil hindi namin yon ma eenjoy amidst everything that is happening to us.
-----
It has been a year and a half, and so far medyo nakakabawi na din ang company nila and tito can now walk properly because of his regular therapy sessions, and of course, his faith.
Going strong pa din kami ng love ko, though there are times na hindi kami nagkakasama, dahil busy na din kaming dalawa sa work, and I admit, medyo napapadalas yung pag papadala sakin sa ibang lugar for client and product meetings, kaya hindi rin talaga kami nagkakaroon ng time para sa isa't isa.
Natanggap kasi ako sa Lumineer Seventh--hindi ko talaga dapat sisiputin 'to dahil hindi 'to yung target kong company, dahil nga diba, graduate ako ng fashion and design.
Nag email kasi ako ng pagkadami dami sa kung ano anong kumpanya na nakuha ko sa linked in and hindi ko naman ineexpect na madami dun ang magrereply sakin, isa na kasing factor dun ay fresh grad pa lang ako.
Kaya naman, nagulat ako nung nagreply sakin yung HR nila, asking me for an interview. Sinipot ko na din, kasi well respected ang company and halos lahat ng top brands naging kliyente nito.
And that would be my stepping stone para makuha talaga yung pangarap kong trabaho which is, to design clothes for Enchantement et Allure, one of the most prestigious clothing lines in the world at sa Paris lang siya nakabase.
Bata pa ako, pangarap ko na makatrabaho si Cecile Maxwell, a former Miss Philippines at Ms. Universe crowned winner, and the founder of Enchantement et Allure.
Pero dahil nga siguro mas mahal ko si Henric, I did not even think twice when I turned my acceptance letter to study at ESMOD at Benilde na lang ang pinili ko.
Kaya hitting two birds with one stone ang pagkapasok ko sa Lumineer Seventh dahil napili ng Enchantement et allure ang Pilipinas para maglagay ng pangalawang head office dito mismo sa Makati.
And it would only be a matter of time para mag pa bid ang Enchantement et Allure kung sinong Advertising Company ang mag hahandle ng promotion nila at napakalaki ng probability na makuha ito ng Lumineer Seventh.
At pwede ko yun maging chance para ipakita ang sketches ko sa representative nila..and who knows? They might like it and they might absorb me in their company.
For the mean time, I am actually enjoying my work at Lumineer, and would you believe na nadiscover ko na magaling pala ako sa sales. Kaya ako ang laging sinasabak sa client meetings para mag propose ng strategies.
My work has also helped me build rapport with other people, and luck na lang siguro dahil madali kong nakukuha ang mga ugali ng mga kausap ko.
May mga times din na man na, nag iisip pa din ako ng mga what could have been.
Like, siguro ngayon 1 year old na ang anak namin ni love ko, or siguro hindi ako nagtatrabaho ngayon dahil buntis.
Or baka naglilihi na pa lang ako sa mga ganitong panahon kasi nahirapan ako mag buntis.
Mga ganyang bagay.
I admit, eversince we talked about starting a family, napukaw na yung motherly instincts ko, and it kills me sometimes.
I am longing for someone who does not exist yet, I am longing for a future with my child.
Kaya iniisip ko na lang na mag te 22 pa lang ako, kaya carry lang, super healthy pa naman ang eggcells ko, besides, napag usapan namin ni Henric last week ang tungkol sa kasal, and ngayong gabi nga, nagkasundo kaming wag mag overtime to pick up where we left off a year and a half ago.
---
Nagulat ako--well I was surprised when I opened the door to our condo.
He was standing on our living room, fresh from the shower, wearing his favorite hoodie (na bigay ko syempre), while holding a bouquet of white roses.
The lights were dim, and there are petals of red roses scattered all over the place. May mga candles din, and Jason Mraz's song You and I both is smoothly playing.
"Hi.." Binalutan ako ng isang libong kakiligan dahil sa surpresang ito.
"Hi." Nakangiti niyang bati at linapitan ako para halikan sa lips.
"Do you like it?" Medyo nahihiya pa niyang tanong.
"Ofcourse love! I love it even!" I exclaimed nung nakabawi na ako sa mini heart attack na dulot ng pagpapakilig niya sakin.
I hugged him so tight.
"Nag luto din ako ng spaghetti, with meatballs." He wiggled his brows at me and kissed my lips.
"With lots of sauce?" Para akong batang nagsalita dahil paborito ko yun.
"Ofcourse." Hinalikan niya ulit ako sa labi bago binuhat paupo sa sahig ng couch.
"Para maiba naman." Sabi niya nung tiningnan ko siyang nagtataka.
Dun ko na din napansin na nakalatag na sa sahig yung spaghetti at may kasamang garlic bread.
"Sad to say, hindi ako gumawa niyang garlic bread. I asked Marnie to make it." Nakangiti niyang sabi.
"Nako naman love, baka nakaabala naman sakanya. Nakakahiya."
He chuckled.
"Don't worry, malakas ako doon." He pinched my cheeks.
Kahit kasi hindi na siya natuloy sa pag pasok sa law school, super close pa din sila nina Jake at Marnie.
Which is actually weird kasi never ko pa sila na mi meet, hindi naman 'to sadya kasi everytime we schedule a meet up, it's either I am not available or sila. Nakakatawa nga, lagi kaming nagkakasalisihan sa mga functions na inaatendan naming sabay.
"Okay, so.." Sumiksik ako sa gilid niya at ini akbay niya naman ang braso saakin.
"So.." Marahan niyang sabi.
I looked up to him smiling.
God, and gwapo niya talaga.
Hindi ko maiwasang haplusin ang pisngi niya.
"About our wedding.." Dugtong niya na nakapag pangiti sakin.
"Yes?"
"Possible bang sa December yun natin i-schedule? Hindi ko kasi sure kung gaano katagal mag asikaso niyan." Natatawa niyang tanong.
Dati kasi, the moment he proposed, naka bantay pala ang mga parents namin at nakikinig dun sa proposal niya, kaya non pa lang nagsimula na silang magplano.
"Hmmnn..so, eight months to go?" I sat on his lap and nuzzeled my head on the crook of his neck.
"Kaya ba?" Ramdam ko yung paghalik niya sa ulo ko, and kilig na kilig pa din ako kahit pang ilang milyong beses na niyang ginagawa yung sakin.
"Kaya naman siguro? I mean, one word to your mom and mine, for sure, kahit hindi tayo gumalaw may nakahanda na silang plano." I giggled.
"Sabagay. Thank you for being patient with everything Leslie." He held my chin and looked at me intently.
"I love you." I whispered.
"I love you too."
---
I really really really..badly..need to sleep right now.
Wala pa akong tulog, at para akong zombie na naglalakad papunta sa pinto ng condo namin.
It's already past 10 in the morning and ngayon pa lang ako makakauwi dahil, I had dinner with the owner of Parallax, a luxury car company to talk about the final revisions of our campaign project, yun lang kasi yung available time ni Mr. Larson, anak ng may ari at ang pinakagwapong bading na nakilala ko.
Pet project niya kasi yun, at the same time challenge ng dad niya--kaka graduate lang kasi ni Mr. Larson--I mean ni Dylan, close na kasi kami dahil ilang meet ups na ang nagawa namin para lang maayos yung campaign at promotion ng Parallax. Sa lahat ng anak ng bilyonaryo, isa na yata siya sa pinaka humble at mahinhin, at lagi pa akong libre ng pagkain.
Halatang haggard sila nung PA niya na si Tyler, isa ring bading fyi dahil hindi na sila nakasuot ng tie at pareho kaming may mga eyebags.
May fininalize din akong promotional ad after the dinner--hindi naman dapat ako yung gagawa, pero absent yung head ng isang team, so I hurried back to Lumineer and I took over.
Ang gusto ko na lang ngayon gawin ay mag half bath dahil ang lagkit ng katawan ko, then magbihis ng paborito kong pajamas at matulog ng matiwasay.
Mabuti na lang wala ngayon sa condo yung love ko, kung hindi maririnig niya nanaman yung mga hilik ko--for sure naka max ang volume nito dahil I am so exhausted.
I lazily hummed a random song habang tinatanggal yung tali ng buhok ko at naglakad papunta sa kwarto namin.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig na may kasamang ice cubes ng buksan ko ang pinto.
Honestly, I have never cursed aloud in my entire life, pero.
"What the f**k is the meaning of this??" Hindi ko alam na may ganito pala akong side, it's like all my anger just exploded.
There he was, the love of my life in his birthday suit, his p***s is pounding its way in and out of a woman I don't even know, but her face, I surely wouldn't forget.
Para silang mga aso, and it took about 10 seconds bago nila ma absorb yung pagsigaw ko at mapansing hindi lang sila ang nasa kwarto ngayon.
I wanted to vomit right then and there.
How could he do this to me?
And mas lalo akong nabigla nung parang ako pa yung naka istorbo dahil galit na galit akong tiningnan ni Henric bago bunutin yung kanya.
Yung babae naman, kampanteng humiga sa kama at umismid sakin.
Lord, kunin mo na po ako,please lang.
"At bumalik ka pa talaga dito??" I tried to look anywehere but down there kasi nakahubad talaga siya habang palapit sakin.
Sobrang pinanlalamigan ako sa kaba at galit, feeling ko nga konti na lang mahihimatay na ako sa matinding sorpresa niyang ito.
His eyes, the way he looked at me furiously--I can't even recognize my Henric anymore.
"Wala ko kasabot (I don't understand)..Why?" Yun ang tanging lumabas sa bibig ko, I can't even manage to cry, I can't even feel my heart beat!
"Pssh. Don't try to act so innocent Leila. You have seen this coming. At least I had the decency enough to do it infront of your face." He spat.
"W-what?" Wala, hindi ko alam kung anong sinasabi niya.
Mali ba yung napasukan ko na condo?
Where's the Henric that I love?
This man is an impostor.
"Shut the f**k up. Umalis ka na!" As if it wasn't enough, he added a handful of salt to the wound.
Kinaladkad niya ako palabas ng kwarto.
"I'll text you pag wala ako dito, para makuha mo na ang mga gamit mo. Don't you f*****g dare show your face to me. Ever." Sabay tulak sakin palabas ng pinto ng condo.
Hawak ko parin yung bag ko habang nakatitig sa harap ng pintuan na halos anim na taon ko ding dinadaanan.
"What just happened?" Kinausap ko yung sarili ko.
Ni hindi ko nga magawang kumatok, sumigaw or magmakaawa.
It's like my life just flashed before my eyes, and right now I am in a limbo.
∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵