Leila Presley
I don't know where I got the strength to start walking, namalayan ko na lang nasa loob na ako ng Starbucks along Ayala--sa tapat ng office building ko.
Wow, feeling ko para akong sira ulo dahil nasa gitna ako mismo at naka tingin sa malayo.
I must have looked really ridiculous, wearing my day old office attire, my hair's a mess and my life--ni hindi ko nga alam kung saan na ako pupunta.
"Miss okay ka lang?" Tinapik ako ng isang intern yata sa Makati Med.
"Do I look f*****g okay to you?" I replied irritatedly.
"Taray. Nagtatanong lang." Inirapan niya ako kaya inirapan ko din siya.
Tumingin ako sa paligid para maghanap ng bakanteng mesa, sakto meron doon sa gilid.
Trust me, kahit ako hindi ko alam kung saan pa galing tong lakas na hinuhugot ko para maghanap ng table sa Starbucks, for christ sakes.
Nakalapit na ako sa table ng mapansing may naksabay ako sa pag target nito. Nagkatinginan kami at tinaasan ko siya ng kilay.
Naka leather jacket siya at naka matte black na sunglasses habang nakalugay ang buhok kaya hindi ko masyado nakita ng mukha niya.
Please lang, just give me this.
Utang na loob, mesa na lang 'to.
Pero tinaasan niya din ako ng kilay, mga 5 seconds siguro kaming ganun, pero biglang lumambot yung facial expression niya.
"Share na lang tayo?" Marahan niyang sabi.
Tumango na lang ako at umupo na kami.
Tumingin ako sakanya ng mapansing tinulak niya yung bagong order niyang kape sa harap ko.
"I..I think you need one." Nahihiya pa niyang sabi habang kagat kagat ang labi na tinanggal yung shades, kaya tumambad sakin yung light brown niyang mata, at yung features niyang sigurado ako ay may halong kastila.
Hindi ko magawang magsalita para magpasalamat dahil nag unahan na yung mga luha kong bumuhos.
Could this day get any worse?
Ano pa ba ang hihigit pa dito sa pag iyak ko sa loob ng Starbucks habang tirik na tirik ang araw dahil naabutan ko yung fiancee ko na may kasex, in dogstyle position sa condo namin, dagdagan pa ng wala pa akong katulog tulog at pagod na pagod sa trabaho--to add the cherry on top, he was accusing me of things I can't even understand, at pang finale yung pinalayas niya ako.
Buti na lang, itong nasa harap ko ngayon ay maintindihin, siya na nga yata ang guardian angel ko.
Hinayaan niya lang akong umiyak, tinabihan pa nga niya ako habang hinahagod yung likod ko.
"I'm sorry you had to witness this..thank you sa pagdamay." Sumisinghot pa akong nagsalita.
"No..no. I'm sure you'll do the same if our roles got reversed." Tininingan ko siya, and pilit siyang ngumiti, as if hirap na hirap siyang gawin yun.
"I..I caught my boyfriend of 10 years having s*x in our room just 2 hours ago..at ako pa ang pinalayas niya. Actually kinaladkad niya ako palabas." Tumawa ako ng mapakla.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkukwento nito sakanya, pero kahit papano nabawasan yung nararamdaman ko, kahit .0001%.
I don't even know her name, pero ang gaan ng loob ko sakanya.
Malas niya lang naabutan siya ng delayed reaction ko sa mga pangyayari.
"I have a spare room in my condo." Hindi ko alam kung suggestion yun or decided na siya.
Tiningnan ko siya ng nagtataka, kahit siya nagtataka din yung reaction niya pakasabi nun.
"Why are you so kind to me?"
She just shrugged.
"Ewan? Did I somehow creep you out? Hindi kasi ako mahilig makipag usap sa tao, and kahit ako nabigla nung sinuggest ko yun. And I am not a serial killer or a lesbian fyi."
I don't know pero natawa ako sakanya.
"Okay. Wala talaga akong mapupuntahan, I promise bukas, I'll call my parents and brothers to have them fetch me. Lahat kasi ng credit card at atm na andito sakin ngayon nasa pangalan ng walanghiyang yun at ayokong gamitin." Mahaba kong sabi habang pinupunasan yung mukha ko.
Tumango na lang siya at binigyan niya pa ako ng tissue.
"Mukha na ba akong bruha?" I frowned.
"Sort of. Don't worry about other people. They are not you." She just shrugged.
Salamat naman at nakatagpo ako ng katulad niya.
Here I am a total stranger, and here she is, a somehow socially awkward person, pero napapabilib niya na ako ngayon pa lang sa no nonesense attitude niya.
"I like your honesty. I'm Leslie." Natawa kong linahad yung kamay ko sakanya.
"Julianne.." Napangiwi siya na parang hindi niya tanggap yung pangalan niya, eh maganda naman.
"Thank you pala ng sobra ha? Can I call you Jules?" Tanong ko sakanya.
"Sure. Uhh.. I don't mean to be insensitive or rude pero, medyo okay ka na ba? May pasok kasi ako, medyo malayo ang La Salle." Sabi niya pagkatapos tumingin sa relo niya.
"Oh my god, I'm so so sorry!" Shucks, nakakahiya naman sakanya.
"No, it's okay.." Nag isip siya sandali. "Hindi na tuloy ako papasok. Inom na lang tayo?"
Wow, ang bait niya, and kung ibang tao, mag aalangan talaga ako sumama, pero meron kasi siyang aura na hindi mo pagdududahan.
"Alam mo Jules, kanina pa ako nag iisip kung guardian angel kita. Meron bang malapit na 7/11 sainyo?" Medyo napangiwi siya pero nag relax din after a couple of seconds nung pinulupot ko sa braso niya yung braso ko at tumayo na para lumabas.
"Meron yata? Wala pala akong sasakyan, hindi ako marunong magdrive. Okay lang ba magtaxi tayo?"
"Huh? Hindi naman ako choosy, bakit ka ba nag tanong ng ganyan, ang weird mo ha." Natatawa ko ng sagot.
"Shit." Mura niya. "I am really not good at socializing. Halata ba? Sorry ha, napansin ko kasing mamahalin yang suot mo, I'm guessing Prada? Yung bag mo genuine MK at yang sapatos mo, Ferragamo? I assumed you're rich and you're not the type to ride a taxi."
I stopped both of us from walking and let her face me.
She just frowned at me questionably.
"Manghuhula ka ba?" Tanong ko na nagtataka.
"Huh?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Paano mo nalaman yung mga yun?" Para kaming tanga dito sa labas.
"Ahh.." She let out an akward giggle. "Kasi nga diba, I rarely talk to people, but I am a keen observer. Plus, I have all the time in the world to read." She shrugged.
"Ganon? Tama ka din sa hindi ako nagtataxi, kasi nag jijeep ako."
"Oh.."
Kinawit ko ulit yung kamay ko sakanya at nagsimula na kaming maglakad ulit patungong taxi lane.
"Umiinom ka ba ng gin?" I asked.
Honestly, talking to her diverts me from breaking down again, and I can feel her genuine concern to just listen.
"Oo naman, yun ang iniinom namin ni Mar--I mean iniinom ko minsan."
"Magkakasundo tayo." Nginitian ko siya, kahit papano yun lang ang mabibigay ko sakanya ngayon dahil sa kabaitan niya sakin.
----
"So, anong plano mo bukas?" Namumula na yung pisngi ni Jules habang kumakain ng sisig na pinadeliver namin kanina para pulutanin sa gin bilog-kalamansi.
I am not a heavy drinker, more on wine nga lang minsan dahil kailangan pampakalma sa stress pag may events kami.
This is actually my first time drinking this famous conconction, and amazingly hindi ako nakakaramdam ng kalasingan--maybe because hindi pa ako nakakarecover sa mga pangyayari kanina.
"Nagtext na ako kay papa, actually tumawag siya kanina, kaso hindi pa ako ready makipag usap kung kanino man, aside from you ofcourse. Hindi ko kasi alam kung ano ang pinagsasabi nung walanghiyang yun sakanila, close pa naman yun kina mama." Sumandal ako sa paanan ng couch niya at umirap sa inis.
Sa sahig na kasi kami pumwesto para komportable ang pag inom.
Malaki tong condo niya actually. May tatlong kwarto na may kanya kanyang banyo, floor to ceiling windows, fully furnished na kitchen and living room. May Malaking flatscreen sa sala, at halos lahat ng sulok may bookshelf. Weird lang dahil wala ni isang picture frame, sa condo kasi namin--oh stop it Leslie.
"Uhh..okay. You can stay here as long as you want, I don't mind. Wala din naman kasi akong kasama dito. Sorry ha, I don't know kung anong irerespond ko sa dilemma mo ngayon, kaya all I can offer are my ears to listen, and a roof over your head. And maybe quote some lines from the series I've been watching, if deemed appropriate." She sounded like parang hindi big deal yung mga sinabi niya.
"Are you kidding me? Kung makaoffer ka ng tirahan sakin parang nag alok ka lang ng avon product." I giggled, okay maybe I am tipsy.
She gave me half a smile, medyo pilit pa nga.
"Pero seryoso ka? Papatirahin mo ako dito?"
"Yeah. Ofcourse. I'm sure you'll do the same for me?" Tiningnan niya ako ng marahan.
"Absolutely." I didn't have to think twice.
"I am actually happy about this, that I can help..sorry kung ang awkward ko ha?" Ngumiwi pa siya.
"Baliw, pero magbabayad ako ng rent." Nginitian ko siya with finality.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Okay."
"Hati din tayo sa groceries at kahit anong gastos dito."
"Okay mom." She rolled her eyes.
"Kung kelan pala, pakitaan mo ako ng outputs mo, naghahanap kasi kami sa Lumineer ng new recruits."
Namention niya kasi na graduating siya ngayon sa La Salle at kumukuha siya ng advertising, sakto meron parating na big accounts and naghahanap kami ngayon ng bagong team para maghandle ng mga experimental accounts--ito yung mga either nag re-brand,ilalabas pa lang or nalaos na produkto.
"Sa Lumineer Seventh ka nagtatrabaho??" Nagulat ako dahil medyo malakas yung pagkakatanong niya.
"Yes, VP for sales, at your service." I flashed her my client convincing smile.
"Nice. Okay, I'll show you. Pero baka naman biased ka ha? Ayoko ng ganun." She frowned.
"Hun, walang biased pag dating sa advertising. Only the consumers holds the judgement." I winked at her.
"Fair enough." Tumagay siya at napangiwi pakatungga.
"Bukas, I'll cook." Sabi ko--again, just anything to keep my mind off that bastard.
"Talaga?" She beamed at me and for the first time I saw her smile.
"Damn, Jules, alam mo ngumiti ka lang palagi, ang ganda ganda mo pag nakangiti."
4- That's how many times I have cursed aloud today.
1- That's how rare Jules' smile is.
Tama, I need to make a new mental list, dahil ngayon pa lang kailangan ko ng burahin yung listahan ng I love you sakin ng walanghiyang yon.
Kahit pa siguro may rason siya--isang napakabigat na rason kung bakit niya nagawa yon--hindi ko na yun makakalimutan, and I can't even imagine myself letting him touch me again.
He just flushed our decade long of a relationship like it was nothing down the toilet.
Ugggh, stop, stop it Leslie.
Tiningnan ko na lang si Jules.
I think she was caught offguard kaya sumimangot ulit siya at bumuntong hininga .
"Miss ko na kasi ang luto ni Mom." She pouted.
"Hindi ka ba umuuwi ng bicol?"
"No." Maikling sagot niya, and I sensed it was a sensitive topic kaya stop na ako.
"Sinigang, tama, para pangpawala hang over."
"Gusto ko yan!!" She exclaimed, then fell asleep.
Natawa na lang ako sakanya, ang dami kasing tumagay.
----
"Anak, sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" Tanong sakin ni papa habang kumakain kami ng lomi dito sa paborito nilang kainan sa Ongpin.
"Pa, please? Just give this to me. 5 years..I want to find myself. Masyado mang cliche, but it's the harsh truth. Natali ako sa isang relasyon ng halos isang dekada, and when it was over, all I have left was me to fend for myself, and it was f*****g frustrating." Kinagat ko ang labi ko sa inis ng maalala nanaman ang walang hiyang yun.
"Anak, kailangan mo ba talaga dito sa Manila magwork? Umuwi ka na lang sa Cebu kaya?" Nag aalalang tanong ni Mama.
Although hindi naman sila nag push ng kung ano anong tanong kung bakit naghiwalay kami ni Henric, alam kong madami silang gustong malaman.
Ayaw ko lang talagang balikan pa yun, and I am glad they respect my silence.
Ngayon ko lang na realize na ksp lang talaga ako nung bata pa ako, na mahal na mahal talaga ako ng magulang ko. Na they just really trust me enough to take care of myself kaya eversince, hindi sila nagbawal sakin or nag higpit.
"Mama, papa. 5 years lang hinihingi ko sainyo, tapos uuwi na ako ng Cebu pag wala akong napala. Gusto ko lang mabuhay in a new perspective. 10 years ang nasayang sa buhay ko, and for once in my life I feel like I just got out of my shell. I am craving for my independence. I want to live my life."
"Leila, kahit sa Cebu naman, you can live your life. We miss you a lot, uwi ka na kaya?Pasaylu-i ako (Forgive me) I know, I've been too busy and too distant when we were still young, dahil na nga sa maagang pag ganap ko sa mga responsibilidad sa kumpanya, pero ngayon makakabawi na ako sayo pag umuwi ka. Si Luther, miss na miss ka na non, wala na siyang kinukulit." Atlast, Felix, my older brother finally spoke, na ikinagulat ko ng grabe.
So they do really care about me--ako lang yung ma pride at masyadong emotional.
"Salamat kuya, pero I want to live independently without the comfort of anything and anyone that would revert me to become super dependent again..ang hirap pag iniwan kang mahina ang pundasyon mo..madali kang gumuho.." I gave him a wry smile.
Leche,nasobrahan na nga yata talaga ako sa kakapanood ng pinoy drama at nagagaya na ako sa mga hugot nito.
"Bakit hindi mo kasi i share samin yung side mo?" Nakakunot ang noo niya sakin habang sinasawsaw yung siomai sa toyomansi na may chilli oil.
Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat.
"It's no use. Tapos na." Sabi ko.
"Anak.."
"Leila.."
"Guys..please? Okay na ako oh..promise, hindi ako makakalimot tumawag at magtext, just give me my freedom."
Nakita ko ang paglamlam ng mga mata nilang tatlo.
"Anak, hindi ka naman namin pinipigilan, nakakalungkot lang na mas pipiliin mo ngayong mag isa at lumayo samin." Marahang sambit ni mama.
"Kailangan ko po ito ma..hindi habang buhay andiyan kayo."
"Hija..sigurado ka na ba talaga?" Si papa.
"Opo. Hindi na ako baby ma, pa, kuya."
Natawa sila ng malakas.
∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵