Leila Presley "Ma, asan na yung lechon?" Nalingunan kong tanong ni papa kay mama na abala sa pagbabalot ng mga ipapadala niyang pasalubong kay Third dito sa dining area namin. "Omooooo." Muntik na akong masamid sa pag korean niya, totoo nga, nilamon na siya ng koreanovela. Next month nga ay pupunta sila ni Papa sa Korea para libutin at magpa picture sa mga paborito niyang lugar kung saan nag shoot ang mga pinapanood niya. I sighed and hoped na ganyan din kami sakanila ni Rip pag tanda namin..yung wala nang masyadong iisipin pa. Sobrang maaga pa at madami pa kaming pagdadaanang mga bagay. I just pray na lahat iyon ay malagpasan naming magkasama. Oo, cynical pa din ako. Hindi naman na yata mawawala ang mag isip ng mga bagay bagay na hindi pa nangyayari. It is human nature to self doubt,

