Julio III Pumunta muna kami sa katapat ng pad ni Victoria para maka pag palit si Marj ng ordinaryong damit. Sa sobrang excitement niya yata ay halos 10 minuto lang ang kanyang itinagal --o sadyang sanay na sanay na siyang mag palit ng anyo. Nakatulog na si Jade, na buhat ngayon ni dad. My daughter doesn't know yet that her titas are twins dahil baka may makarinig sakanya magkwento. Kaya naman I am excited to find out her reaction. "I'll go first!" Masiglang sabi ni Marj na ngayon ay papunta na ng pintuan dala ang keycard. Sumunod na kami nina mom and dad at kita kong naalimpungatan si Jade. "Ate!!" Napangiti na lang ako sa sigaw ni Marj ng makapasok na sa living area. I miss this, everything about this kind of scene. Maya maya ay nakita ko ng halos tumakbo palapit si Victoria na k

