Leila Presley "Uwi ba ito ng matinong babae? Aba Leila, hindi ka namin inalagaan na parang mamahaling kristal para umuwi ng ganitong oras ng gabi at amoy alak." Madramang bungad ni mama ng buksan ang pintuan sa bahay. I rolled my eyes at her. "Alas onse pa lang ng gabi ma, 27 na ako kaloka ka." Hinalikan ko siya sa pisngi at binelatan. "Practice lang para sa magiging anak niyo. Aba, iba na ang mga millenials ngayon, noh!" Kinindatan ako nito at iniabot ang kamay kay Rip para magmano. "Ewan ko sayo ma." Umiling na lang ako dito. "Maayong gabii mommy." Nasamid ako kahit wala akong iniinom na tubig sa greeting ni Rip. "Mommy talaga??" Pinamewangan ako ni mama at nagtaas ng kilay. "Oh, bakit mayaman naman tayo saka hindi niyo ako tinatawag ng ganyan, mabuti pa itong manliligaw mo eh t

