Leila Presley Marahan kong hinaplos ang likuran ni Wildflower bago saraduhan ang kwadra niya, at dahan dahang hinila ang tali nito palabas. Medyo nalungkot ako ng malamang namatay na si Sailormoon, yung talagang kabayo ko na regalo sakin ni papa nung highschool, ilang taon na ang nakakalipas. Nagtext daw sakin noon si mama ng magkasakit ito, pero dahil na rin siguro sa sobrang busy ko sa pag mu-move on eh hindi ko man lang nabigyang pansin. Ganun yata talaga, pag oras mo, oras mo na. Balak ko ngayong mangabayo hanggang sa mapagod ako. Akala ko kasi kahapon makakatulog agad ako dahil sa haba ng biyahe at sa haba ng pagkukumustahan namin nina mama at ng nililigawan ni kuya Felix. Admittedly kahit ayaw ko uminom, pinatulan ko na yung inilabas na Sabine Vino Tinto ni ate Elma para lang sig

