Mukhang malayo ang kanilang biyahe dahil nang magising siya kanina ay sa isang gasoline station malapit sa NLEX sila. Nagpaalam siyang makikigamit ng banyo, bumili narin siya ng makakain nila ni Manong habang daan. Nakabuntot naman sa kanila ang kanyang mga bodyguards. Kung noong una ay nagalit pa siya na may nakabuntot sa kanya palagi. Ngayon ay natutuwa na siya, lalo na sa nangyari kay Sabina kanina pakiramdam niya mas safe siya na may nakasunod na mga bodyguard sa kanya. Mas makakahinga siya ng maluwag knowing na may mga magbabantay sa kanyang kaligtasan. "Manong saan daw po ba tayo pupunta?" Tanong niya sa matanda. Di naman siyang kinakabahan na dalawa lang sila ng matanda sa loob ng sasakyan. Dahil sa pamilya nila Rex na halos naninilbihan ang pamilya nito. Bukod sa alam naman niya

