Tinambangan diumano ang sasakyan ni Sabina at nasa kritikal na kondisyon ang babae. Kakauwe lang niya sa bahay nila, sabi kasi ni Rex ay may aasekasohin ito at baka di siya maasekaso sa bahay. Ayos lang naman sa kanya na sa bahay nila siya, lalo at wala din ang mga magulang ni Rex sa bahay. Tanging mga kasambahay lang ang nakakasama at nakakausap niya. Kaya much better pag sa bahay nila siya, komportable at may mga nakakausap pa siyang tao. "Hala bakit nadawit ang pangalan ni Rex?" Takang tanong ni Nanay sa akin. Malay ba niya sa ganun, ang balita ay isa sa mga anggulo na tinitingnan nila ay ang love triangle kuno. E alam na naman ng sambayanang pilipino na may asawa na si Rex, at alam na din na buntis siya. Nitong mga nakalipas na araw ay nakikita at napapanood niya sa mga magazine a

