Chapter Six

2319 Words
DENNIS PARK's POV "Hi, Dennis! Nice to see you." Pagpapa-cute na sabi ni Jennylyn. Nandito ako sa isang beach resort kung saan kami magshoshoot. Partner ko si Jennylyn sa drama na gagawin namin ngayon. Ang character ko sa drama na ito ay isang playboy na bestfriend ng leading man. Susulpot lang ako sa shooting kapag may scene na kailangan ang character ko. Malapit ng matapos ang drama at medyo napaparami na rin ang paglabas ko sa scene. Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ako sanay makipag-flirt sa kanya. Masyado syang obvious na may gusto sa akin. "I guess, you have a kissing scene. Sana ako nalang yon. I wanna kiss that sexy lips of yours." Napakagat labi sya. Tumatayo ang balahibo ko sa batok sa sobrang ka-flirtan nya. Wala akong personal assistant and I dont need it! I have my own hands and feet to do the things na kaya ko namang gawin. Nakakatamad kasi kapag alam mong may pwede kang utusan. Nakakaawa din sa taong uutusan ko. I believe kasi na dapat ang tao, pantay pantay pagdating sa trabaho, yung walang lamangan. Respect kumbaga. "Dennis! What's that?!" Sigaw ni direk, sabay turo sa akin. "What's what direk?" Nagtataka kong tanong. Tinignan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng white shorts na above the knee, pairing with a black plain t-shirt. I guess, wala namang problema sa damit ko. This is the outfit na nakalagay sa script ko. Napahampas sa noo si direk. "God! Hindi mo ba nabasa ang text ko yesterday?!" Umiling ako. Hindi ko naman talaga nabasa ang text nya. Tinawagan kasi ako ni Min Rin. Babalik na daw kasi sya sa Korea at gusto nyang before sya umalis, mag-uusap muna daw kami ng personal. May sasabihin daw syang importante. Nasa bathtub ako that time and at the middle of our conversation, nahulog ang cellphone ko sa bathtub kasi ginulat ako ni Marcus. Sinubukan kong i-revive ang cellphone ko pero hindi talaga kinaya. Nakatikim sa akin ng sapak si Marcus of what he did. Yan ang dahilan why I wasnt able to read direk's message. Bumili ako ng bagong cellphone before coming here. "Hay. Corporate attire ang dapat mong suot sa scene mo today. Binago kasi ng writer ang script. Kailangan mong mag-change ng outfit. Right now!" He said. What?! Corporate attire?! Wala akong dala non! Kainis naman kasi! Kasalanan to ni Marcus eh! Nagmukha tuloy akong tanga sa ginawa nya. Makakatikim ulit sa akin ang batang yon. Pero anong gagawin ko? Ang layo pa ng bahay at condo ko dito sa beach resort. Kung may mauutusan lang sana ako. Wala kasi sa bahay ang mga kapatid ko. At ang mga maids lang namin ang nandoon. Hindi ko din pwedeng utusan ang mga maids sa bahay dahil locked ang room ko at walang duplicate sa bahay. Nasa akin ang original key at nasa condo ang duplicate. Wait! Oo nga pala! Si Gina! Nasa condo ko sya ngayon! Sya nalang uutusan ko, total, day off nya today. Pero... Nakakahiya naman kung uutusan ko sya sa araw ng day off nya. "Dennis! What are you doing?! Kilos na! Change your clothes!" Sigaw ni direk. "Yes, direk!" Sige na nga! Bahala na! Tatawagan ko sya. GINA JANE CHOI's POV Matagal na ako sa poder ni Madam M. When Auntie Estela died from the car accident, tinulungan ako ni Madam M. Nag-iisa nalang kasi ako sa buhay. Ulila na ako pero kinupkop ako ni Auntie Estela dahil spinster na sya. At ngayon, nag-iisa ulit ako. Pinagpatuloy ko ang studies ko sa tulong ni Madam M. Tinuturing nya ako na parang tunay na kapatid. Thirty years old na sya pero baby face pa rin. Lahat ng pinag-uutos nya ay ginagawa ko. Syempre, dahil sa utang na loob sa pagkupkop sa akin. flashback (mission) Nandito kami sa study room ni Madam M. May ipapagawa daw sya sa akin. "Gina, alam kong mabait kang bata at hindi ka rin iba sa akin." Simula ni Madam M. "Masunurin ka sa mga pinag-uutos ko. At dahil doon, may ipapagawa ako sayo." Tinitignan at hinahayaan ko syang magsalita. But, the way she looks at me, kinakabahan ako. "Gusto kong magtrabaho ka sa Hallyu Brothers Empire as a secretary. I heard na hiring sila ngayon for the secretary position. Look at this pictures." May ibinigay sya sa akin na pictures. Pictures iyon ng Hallyu Brothers Empire at ng isang lalaki. Tinitigan ko ng maigi ang picture nito. Parang may kahawig sya. "That's Dennis Park. Sya ang nagma-manage ngayon sa main branch ng Hallyu Brothers Empire. Kasing edad mo lang sya." Nanlaki ang mata ko sa nalaman. Hindi lang pala sya kahawig kundi sya talaga to! Si Dennis Park! Ang ultimate crush ko noong elementary at nahulog ang loob ko sa kanya. Pero nag-fade ang feelings ko for him dahil na-realize ko na masyado pang maaga para sa batang edad ko noon. Na may tamang oras para maramdaman ang isang bagay na dapat hindi minamadali. Feeling ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Ang laki na rin ng pinagbago nya base sa picture nya. Mas lalo syang gumwapo. At ang pinaka nagustuhan ko sa kanya ay ang nag-iisa nyang dimple. "Gina, listen. I know na hindi mo ito gawain but I guess you could help me para makuha ang isang bagay na nawala sa akin." Hinawakan ni Madam M ang kamay ko. "W-what is it Madam?" Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. "I want you to get this bracelet." May iniabot na naman sya sa akin na picture. Silver bracelet iyon na may capital letter M sa center part. Sinabi nya akin kung ano ang mga dapat kong gawin. Kailangan ko din daw tumira sa apartment na malapit sa company para hindi hassle. Habang sinasabi nya ang mga dapat kong gawin, pinagpapawisan naman ako ng mabuti. Makikita ko na sya! Sa tagal naming hindi nagkita, siguro nagbago na talaga sya. Kamusta na kaya sya? May girlfriend na kaya sya? Parang nasaktan ako sa huli kong tanong. Is it possible na bumalik ang feelings ko for him noong bata pa kami? end of flashback Napapitlag ako ng mag-ring ang cellphone ko. Si Dennis, tumatawag! Yung puso ko, sumabay sa gulat ko. Ang bilis na naman ng pintig. "H-hello." Utal kong sabi. "Gina, sorry sa abala. Ah. Ano kasi… May ginagawa ka ba ngayon?" Alangan nyang tanong. "Wala naman. Why?" "Could you do me a favor?" "Okay. Spill it out." Kung makapagsalita ako, parang hindi ko sya boss. "Pwede bang dalhan mo ako ng corporate attire dito sa beach resort? Nagkamali kasi ako ng suot eh." Nagkamali sya ng suot? "Sige." "Thanks! I'll text you the address." Naghanap ako ng corporate attire nya sa kwarto. May two rooms dito sa condo nya. Sa kabilang room ako natutulog. Nang makahanap ako ng corporate attire, pumunta na ako sa location na tinext nya. Nasa beach resort pala sya kung saan ang shooting. "Gina! Here!" Sigaw ni Dennis ng makita ako. Nandito na ako sa beach resort. Tumakbo ako papunta sa kanya. "Thanks! You came. I'm sorry. Nautusan pa kita na pumunta dito. Alam kong day-off mo ngayon. Pasensya na talaga sa abala." Kinuha nya ang corporate attire na hawak ko. "It's okay. Wala naman akong ginagawa sa condo eh." I smiled. "What?! Anong hindi makakapunta?!" Sigaw ng matabang lalaki na may puting panyo sa balikat sa lalaking payat na nakayuko. Nagulat kami sa sigaw nya kaya lahat ng atensyon ay nasa kanya. Highblood kuya? "E-eh kasi po may personal na lakad daw po si Rizza." Nakayukong sabi ng lalaki. Kawawa naman si kuya. "Naku! Ang arte talaga ng babaeng yon! Eh isang scene lang naman ang kailangan nya! Feeling famous! Echoserang extra!" Palatak ng matabang lalaki. "What's the problem direk?" Tanong ni Dennis dahil malapit lang sila sa pwesto namin. Napatingin sya sa direction namin ni Dennis. Di rin nakaligtas sa paningin ng lalaki ang presence ko. Tinignan ako mula ulo hanggang paa. Na-conscious tuloy ako sa tingin nya. "Who is she?" "She's my secretary. Pinapunta ko---" Pinutol ng direktor ang sasabihin ni Dennis. "Okay. Sya nalang ang papalit kay Rizza." "Ha?" Naguguluhang tanong ni Dennis. Nagtataka kaming tumingin sa kanya. Anong pinagsasabi ng director na to? Anong sya nalang ang papalit kay Rizza? Ako ba ang tinutukoy nya? And who's Rizza? DENNIS PARK's POV Lumapit si direk sa amin ni Gina. Anong pinagsasabi ni direk? Tumingin sya sa akin. "Hindi makakapunta si Rizza na dapat sana ay sya ang ka-kissing scene mo ngayon. Since wala tayong extra na pwedeng pumalit sa character nya," Tumingin sya sa gawi ni Gina. "Sya nalang." "What?! Pero hindi sya umaarte." Kissing scene with her?! With my secretary?! Nasisiraan na ba talaga ng ulo si direk? Hindi naman sa ayaw ko pero kakayanin nya kaya? I mean, hindi naman kasi sya umaarte. Baka mahirapan sya. Kailangan ng workshop before ka sumabak sa filming. Of all the scenes, ang kissing scene ang pinakamahirap gawin sa lahat. Imagine, hahalikan mo ang taong hindi mo mahal na parang wala lang. Pero sa case namin ni Gina, there's a part of me na nagwawala dahil mararanasan ko ang halik ng isang Gina Jane Choi. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng t***k nito. Parang may karera ng mga kabayo. "I know, right. Pero we have to do this dahil ngayon lang ang reservation ng group natin to film it here. Time is money, Dennis." I sighed heavily. Tinignan ko si Gina. Gulat pa rin sya sa sinabi ni direk. Nakakagulat naman talaga eh. Imagine, pinapunta ko lang sya dito para dalhan ako ng corporate attire tapos pagdating nya, may kissing scene sya with me. "Gina, is it okay?" Worried kong tanong. Based on her facial expression, hindi sya mapakali. I know the feeling. First time nyang aarte sa harap ng camera tapos kissing scene pa. Hinawakan ko sya sa balikad. "Gina, trust me. 'kay?" Bumuntong hininga sya then tumango. Simple lang ang scene pero mahirap din at the same time. Hihilahin ko sya sa braso and do the kiss. Oh di ba? Ang simple. Pero... Mahirap. Mukha kasing first kiss ito ni Gina. "Okay! Action!" Sigaw ni direk. Nakatalikod sa akin si Gina. Lumapit ako sa kanya at hinila sya paharap sa akin. Hinapit ko sya sa beywang at hawak ng left hand ko ang right cheek nya. When our eyes met, feeling ko malulusaw ako sa titig nya. Yung t***k din ng puso, triple na. Nakikita ko sa mata nya na natatakot sya. Then, she closed her eyes. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinikit ang mga mata ko. I can feel her feminine scent. Nakakabaliw ang amoy. Nanginginig ang labi nya pero ng ilapat ko na ang labi ko sa kanya, nawala iyon. GINA JANE CHOI's POV "Cut!" Direk shouted. Naglayo kami ni Dennis. Napayuko ako. Hindi ako makapaniwala. Am I dreaming? Ginawa ba talaga namin yon? Parang gusto kong sampalin ang pisngi ko kung totoo ba itong nangyayari sa amin. "Ano ba yan?! Ayusin nyo naman! Ulitin natin!" Sigaw ni direk. "Po?!" Shocked kong tanong. "Oo! Hindi mukhang realistic kaya uulitin natin!" Napanganga ako sa sinabi ni direk. Uulitin namin?! Hindi ko na kakayanin kapag umabot kami sa take two. Awkward kasi eh. First kiss ko yon kaya may hesitation pa ako. Hindi naman sa ayaw kong mahalikan si Dennis pero parang lahat ng sistema ko sa katawan ay nag-uumapaw sa galak. Kinikilig ako sa isipin na hinalikan ako ni Dennis pero nalulungkot din because it's just an act. Nagulat ako ng hawakan ni Leeteuk ang balikat ko. Napatingin ako sa kanya. "Gina, just relax. Ganyan talaga sa shooting. Trust me. Magagawa natin to ng maayos." Concern na sabi ni Dennis. I nodded. Mahirap umarte lalo na kung unexpected scene at lalo na't wala akong experience sa pag-arte. Umabot ng five takes ang kissing scene namin ni Dennis. Ngayon, pinapanood namin yung acting namin na sobrang nagustuhan ni direk. Lumampas daw sa expectation nya ang ginawa namin. "Grabe! Of all kissing scenes na napanood ko at dinirek ko, ito na ang best kissing scene ever! Play nyo pa ulit! Dali!" Napapalakpak na sabi ni direk. Namula ako sa sinabi ni direk. Paano kasi yung take na yon, napatagal. Feeling namin, kami lang dalawa ang nasa resort. Walang tao, ganun? Na walang camerang nakatutok sa amin. Na ang kissing scene na yon ay punong puno ng pagmamahal. Inakbayan ako ni Dennis na sobra kung makangiti. Anong problema nito? Baka nababaliw na. Paalis na kami sa beach resort. Tapos na kasi sya mag-shoot. Sabay na daw kaming umuwi kasi sa condo daw sya matutulog. "Good job daw sabi ni direk! Grabe! Ang saya ko! Sa lahat ng scenes ko, yung kissing scene natin ang pinaka nagustuhan ko! Isa pa nga!" Napatingin ako bigla sa kanya. Sinamaan ko sya ng tingin. Baliw na ba to? Anong isa pa?! Hiyang-hiya na nga ako sa ginawa namin, tapos sya, may gana pang humirit. "Just kidding. Ano? Lets go?" Nakangiting aya nya sa akin. I nodded. Sa byahe na kami when I received a message from Madam M. "Meet me at Elfonso tomorrow. 10:00 am sharp." -Madam M Hindi na ako nagulat sa text nya. For sure, yung mission ko naman ang ididiscuss nya sa akin. Napatingin ako kay Dennis while he's driving. Bakit kaya gustong ipanakaw sa akin ni Madam M ang bracelet na hawak ni Dennis? Anong meron sa bracelet na yon to the point na kailangan pang nakawin? At bakit nasa pag-aari ni Dennis ang bracelet na yon? Pinilig ko ang ulo ko. Tatanungin ko nalang si Madam M sa mga questions na gumugulo sa akin. Kung sasagutin man ni Madam M ang tanong ko, sana, hindi maapektuhan ang bumabalik kong damdamin para kay Dennis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD