Chapter Seven

1305 Words
DENNIS PARK's POV I received a text message from Min Rin. "Den, I'm here na sa Manila! I wanna see you at my resto bar. 6:00 pm. I have something to tell you. It's really important to discuss it with you. I miss you." Ito na siguro ang sinasabi nya sa akin na very important na dapat masabi nya before she leave the country. Someone knocked on the door. Oh! Its Gina. Wearing her simple dress that suits her. "Sir. May I talk to you?" Nakadungaw lang sya sa pinto. I nodded. She entered the room and stand infront of me. "What is it?" I smiled. "Ahm... Magpapaalam lang po sana ako if pwede po ba akong lumabas ngayon? May... emergency lang po." Nakayuko na sabi ni Gina. "If thats an emegency, then go. I understand. Just call me if you need some help." I'm not that strict boss when it comes to my employee's personal issues. Lahat naman ng tao may kanya kanyang problema sa buhay. We all know that when it comes to work, separate ang family issues from your work. Pero tao lang tayo. Mas matimbang ang pagiging family oriented natin. Kaya nga nagtatrabaho tayo for the sake of our family. "Dont worry sir. I'll be back right after kong ma-solve ang problema." I nodded. GINA JANE CHOI's POV Nakahinga ako ng maluwag nang payagan ako ni Dennis na umalis ng office. Buti nalang at hindi nya tinanong kung anong klaseng emergency ang pupuntahan ko. Nauubusan na rin kasi ako ng palusot. Habang tumatagal, nakokonsensya na ako sa mga pinaggagawa ko. "Gina, ginagawa mo ba talaga ng maayos ang mission mo?" Seryosong sabi ni Madam M. Nasa bandang dulo ng restaurant kami nakaupo. Medyo malayo sa ibang costumers. Okay na itong pwesto namin, in case na sermonan ako, hindi masyadong makakaagaw ng pansin. "Madam, ginagawa ko naman po ng maayos ang utos nyo. Kaso hi---" Putol nya sa sasabihin ko. "Ganon naman pala eh! Eh bakit wala pa ring nangyayari sa utos ko?! Alam mo naman na ang ayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ako! I'll give you one week para makuha ang bracelet. Once na wala pa rin sa akin ang bracelet, you'll regret the day you met me." Hinampas nya gamit ang dalawang kamay ang table. Napapikit ako sa ginawa nya. Pag mulat ko ng mata, tumayo sya at umalis. I'm speechless, clueless and hopeless. Hindi ko akalain na magiging ganoon ang reaction nya. Nagalit ko sya. Ano bang problema ko? Bracelet lang, hindi ko pa mahanap! Ngayon, napagalitan ako. Ah! Naiinis na ako sa sarili ko! Nasira ko na ang tiwala sa akin ni Madam M. AIDEN LEE's POV "Wahahaha!" Wagas na tawa namin nila Kuya Matthew, Spencer at Marcus. Bakit kami tumatawa? Baliw kasi kami. Baliw na gwapo. Pero syempre, joke lang yon. Bakit nga ba? Si Marcus kasi, ang lakas ng trip! Share ko sa inyo? Sige. Gwapo naman kami eh. May girl sa restaurant kanina na pinuntahan namin na napasulyap sa aming apat at ang natipuhan ay si Marcus. Nag-iisa lang sya sa table nya. Nilapitan sya ni Marcus. Konting flirt flirt pero ang hindi alam ng girl, may evil plan si Marcus. Pasimple nyang nilagyan ng artificial cockcroach ang bag ng girl then bumalik sya sa pwesto namin. I dont know kung saan galing ang artificial cockcroach na yon. Always ready lang siguro si Marcus para sa mga evil ideas nya. When the girl opened her bag, she shouted and threw her bag to the other table. Tumama yon sa ulo ng isang medyo matandang lalaki. Ang malala, natanggal ang wig non, panot pala. Oh di ba? Sinong hindi matatawa don? "San ba galing ang ipis na yon?" Spencer asked. "Syempre, eh di sa akin." Marcus answered. Basag! I laughed. Nahinto ako sa pagtawa ng may mapansin akong dalawang babae na papasok ng restaurant. Kinalabit ako ni Marcus. "Si Gina ba yon?" Napansin nya din pala. "Oo nga no. Anong ginagawa nya doon? At saka sino yong kasama nya? Familiar sa akin eh." Spencer said. "Wait! Kilala ko yong kasama nya! Si Marian yon!" Kuya Matthew said. Oo nga! Pero bakit magkasama sila? Bakit kasama ni Gina si Marian? Office hours pa ni Gina ngayon ah. Alam ba to ni kuya? DENNIS PARK's POV On time akong dumating sa resto bar na pag-aari ni Min Rin. Naghanap ako ng table na medyo malapit lang sa entrance para madali akong makita ni Min Rin. Maya maya, nakita ko syang palinga linga sa paligid. I raised my left hand para makita nya ako. She smiled. "Hi!" Jolly na sabi nya. "Hi! How's your day?" "Great! How 'bout you?" Sabi nya habang umuupo sa vacant seat na katabi ko. "Same here. Anyway, anong pag-uusapan pala natin?" Yung ngiti nya kanina biglang napalitan ng confused look. Then she smiled. "You know, we've been friends for a long time. I'm glad that I met you as my bestfriend. Kasama kita sa lahat ng masasaya at malulungkot na moment. Naging mabuti kang kaibigan sa akin. Ikaw lang naging kaibigan kong lalaki sa buong buhay ko. Sa lahat ng pinagsamahan nat---" Pinutol ko ang sasabihin nya. "W-wait! Namamaalam ka na ba sa akin? Are you dying? May sakit ka bang malala? Baki---" Sya naman ang pumutol sa mga sinasabi ko. Tumawa sya. Naguguluhan na kasi ako sa mga sinasabi nya. Parang namamaalam kasi yung tono ng boses nya. "Yeah. Namamaalam na ako as your bestfriend." Nakangiti nyang sabi. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "What?" Confused kong tanong. "Hay. Kahit kailan talaga ang manhid mo. I just want you to know na namamaalam na ako as your bestfriend because I want to be your girl." "W-what do you m-mean?" Habang tumatagal, naguguluhan na ako sa mga sinasabi nya. "I'm confessing my feelings for you, Dennis. It's unusual na ako ang nagcoconfess sayo ngayon kasi babae ako pero hindi mo din ako masisisi na gawin to dahil simula na ituring mo akong bestfriend, I already loved you at higit pa sa pagiging bestfriend. I love you, Den." Nagulat ako sa sinabi nya. M-may gusto sya sa akin? How come na hindi ko yon napansin? I thought we're having a good time pero may iba na pala sa samahan namin sa simula palang. "I know, nagulat kita sa sinabi ko. Hindi ko naman kailangan ng sagot from you eh. I'm just confessing my feelings before I go back to Korea. I understand." Hinawakan nya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay nya. Naging mabuti syang kaibigan sa akin. Lahat na siguro ng lalaki sa mundo ay magugustuhan sya. Mabait, understanding, maganda, madaling pakisamahan at honest. Pero nalulungkot ako na hindi ko masusuklian ang pagmamahal nya sa akin dahil occupied na ang puso ko ng isang babae. Simula ng makita ko sya ulit, bumalik ang sigla ng puso ko. Muling nabuhay dahil sa simula't sapul, sya lang ang aparato na babalik sa pagtibok nito. I looked at her. "Rin, I'm sorry." Yan nalang ang nasabi ko. She smiled bitterly. "It's alright. Alam ko naman na sya pa rin ang laman ng puso mo." She knew. "I'm really sorry, Rin. You deserve a right man pero alam kong hindi ako yong right man for you. You have all those beautiful characteristics. Its just that... I'm already inlove with someone." "Yeah. Hay. Ganyan talaga ang buhay. Did she know your feelings for her?" "Not yet." "Then, I'll help you. Dont worry. After this night, I'll forget what just happened. I'm your bestfriend right? Tutulungan kita sa kanya." I know masasaktan sya sa pagtulong sa akin. Alam ko din na tinatago lang nya ang lungkot dahil gusto nyang makita ko na okay sya. Lahat ng pinagsamahan namin noon hanggang ngayon ay hindi mababalewala because she's my bestfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD