GINA JANE CHOI's POV
I was reading a document when someone knocked on the door.
"Hi! Nasa office ba si Dennis?" The girl said.
Namumukhaan ko sya pero di ko lang matandaan kung saan ko sya nakita. I nodded.
"Thanks! Oh! By the way. I'm Min Rin." Nilahad nya ang right hand nya para makipagshake hands. Nakipagshake hands din ako. Hindi naman ako bastos para hindi ko tanggapin yon.
"I'm Gina Jane Choi." I smiled.
"Lucky girl." She said.
Umalis sya sa office ko na hanggang ngayon ay confused pa rin ako sa sinabi nya. Lucky girl? Nanalo ba ako sa lotto? Hindi naman ako tumataya doon ah.
"Gina, tara! Lunch na tayo." Aya sa akin ni Nicole.
"Mauna na kayo. Tatapusin ko lang to. Susunod nalang ako." Lunch time na pero hindi pa rin ako tapos sa mga ginagawa ko. Sa sobrang dami ng naka-line up na paperworks sa table ko, malabo na sigurong makakapag-lunch ako.
"Gina, pakidalhan ako ng new stock ng ballpen." Utos sa akin ni Dennis over the telephone.
May stock room dito sa loob ng office ko. Lahat ng mga materials para sa office ay narito na. Kailangan lang magpaalam sa akin kapag hihingi ng bagong stock si Dennis.
Pagpasok ko sa loob ng office ni Dennis, nakita kong sinusubuan sya ni Min Rin. Mukha nga silang sweet eh. Sa sobrang kasweetan nila, gusto kong itapon palabas yung babaeng yon. Aba! Hindi man lang naramdaman ang presence ko. Leche!
Tumikhim ako, nakakahiya naman sa mga PDA. Sa wakas! Napansin din ako.
"Sir, ito na po yong bagong stock ng ballpen." Sabay lapag ng ballpen sa table nya.
"Thanks."
Sinulyapan nya lang ako saglit tapos nakikipaglandian na naman sya sa babaeng yon. Tumalikod na ako. Iinit lang ang aircon kapag nagtagal pa ako dito dahil sa irita ko.
"Miss Choi, wait!" Tawag ni Dennis. Bubuksan ko na sana yong pinto para lumabas.
Wait. Hindi nya ako tinawag sa name ko? Nakakapanibago ah. Lumingon ako.
"I would like you to meet Min Rin. My special girl."
Yung tingin ni Dennis kay Min Rin parang... there is something special between them. Sa tingin nyang yon kay Min Rin, feeling ko I need some fresh air dahil nahihirapan akong huminga sa sobrang... Selos?
Yes. I'm jealous. Simula ng magtrabaho ako sa Hallyu Brothers Empire at makita ko ulit sya, di ko maiwasang ma-fall ulit sa kanya. First love never dies maybe.
Hindi natapos ang buong araw na yon na hindi ako inuutusan ni Dennis. Pero sadyang nakakabwisit ang tadhana. Everytime na papasok ako sa office ni nya, sobrang lapit nila sa isa't isa. Sobrang sweet. Maya maya, napalitan ang selos ko ng pangamba. Nagtext kasi sa akin si Madam M. Everyday nya akong nireremind sa mission ko. I only have five days para mahanap ang bracelet na yon. Hinanap ko na yon sa buong lugar ng condo pero wala eh. Ang galing lang magtago ni Dennis.
"Hi!" Nagulat ako ng may mga lalaking nakatayo sa harapan ko. Masyado kasing na-occupied ang isip ko. Nandito pala ang mga kapatid ni Dennis.
"Nasa office ba sa kuya?" Vincent asked.
"Yes. Pasok nalang kayo." I smiled.
Then umalis na sila sa office ko. I noticed, ang sama ng tingin sa akin ng apat na kasama ni Vincent na sina Aiden, Spencer, Matthew at Marcus. Oh yes! Namemorize ko na ang mga names nila. Good news di ba? Pinagtataka ko lang, bakit ganoon ang tingin nila sa akin? May kasalanan ba ako sa kanila?
DENNIS PARK's POV
"Nice acting, Den. I can feel it! She's irritated the way we acted kanina. Confirmed! May special feelings sya para sayo. No doubt." Amazed na sabi ni Min Rin.
Napapangiti nalang ako sa mga sinasabi ni Min Rin. Oo nga. Nagseselos si Gina pero ayaw kong maging kampante sa mga reaction nya, baka kami lang ni Min Rin ang matalo sa pag-arte namin.
flashback (Min Rin's resto bar)
"Lemme just do this one, Den. Malapit na akong umuwi sa Korea at hindi ko alam kung kailan pa ako makakabalik. Hindi ako aalis ng bansa na hindi kita natutulungan sa lovelife mo. Whether you like it or not, ako ang magpaplano ng drama natin. That's an order!"
Ibang klase din tong babaeng to. Matapos mag-confess ng feelings sa akin kanina, ngayon naman pinipilit pagselosin si Gina. Oo. Sinabi ko na sa kanya na may gusto ako kay Gina. Alam kong masakit sa part nya na inamin kong gusto ko ang secretary ko pero I have to be honest.
"Hay. Sige na nga." Napipilitang pagpayag ko.
"Ayaw mo yata eh. Napipilitan ka lang. Sige ka, sasabihin ko kay Jenny na multohin ka kasi may mahal ka ng iba." Panakot ni Min Rin
Bwisit! M-multo?! Sa lahat ng pwede kong makita, wag lang multo! Ano ba tong babaeng to? Hindi nya ba naisip na gabi ngayon?!
"Wahahaha! Ang epic talaga ng mukha mo! Takot ka talaga sa multo ano? Hello! Ang daming tao dito sa resto bar ko. For sure, mahihiyang magdine-in ang mga multo." She laughed.
"T-tumigil ka nga. Nakakahiya na sa mga customers mo. Kumakain sila dito, hindi para makakita ng baliw or multo! Ano ba kasi yong plano mo?"
Nagseryoso na sya. Buti naman.
"Simple lang. Artista ka naman, marunong umarte. So, pagseselosin natin sya. Weakness naming mga babae ang selos. Yun din ang sign na we have special feelings para sa isang lalaki."
end of flashback
Kahit papaano ay okay na itong drama namin. Atleast may hint na ako na may gusto sa akin si Gina. Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-alala sa nararamdaman ni Min Rin. Hindi ko alam kung saan sya nakakakuha ng lakas ng loob para gawin ito kahit na alam nyang masasaktan sya sa mga ginagawa nya.
Nagtatawanan kami ni Min Rin ng pumasok ang mga kapatid ko na hindi marunong kumatok.
"Kuya! Oh! Nandito ka pala Ate Min Rin." Matthew said.
Sabay sabay silang prenteng umupo sa couch. Bakit kaya nandito ang mga makukulit kong kapatid?
"Oh! Before I forgot, I have to go. May meeting pa pala ako with board of members ng company ni mama. Gotta go! Nice to see you again boys! Wag pasaway!" Nakatalikod syang kumakaway sa amin.
"Rin! Hatid na kita sa labas." Habol kong sabi sa kanya. Hindi naman sya tumanggi.
GINA JANE CHOI's POV
Sinasara ko ang pinto ng office ko dahil gutom na ako ng biglang bumukas ang pinto sa office ni Dennis. Lumabas mula roon sina Dennis at Min Rin na mukhang masaya. At ang malala pa, huminto sila sa tapat ko. Instant selos to!
"Paano ba yan, Den. Hanggang dito nalang." Min rin said.
"Hatid nalang kasi kita sa labas. " Pagpipilit ni Dennis.
Naku! Dito pa talaga sa tapat ko lalandian. Pilipitin ko kayo dyan eh! Nakatingin lang ako sa kanila.
"Wag na. Kaya ko naman eh. Bumalik ka nalang sa loob baka may kailangan sayo ang mga kapatid mo. I really have to go, sweetie." Then humalik sya sa pisngi ni Dennis at tumingin sa akin ng makahulugan.
Problema mo te? Hindi ako naiinggit. Kasi nahalikan ko na din yan. Sa lips pa! Ang cheap mo! Cheeks lang kaya mo! Oh! Thats enough! Masyado na yata akong nagpapadala sa emosyon ko. Nakakainis naman kasi talaga eh! Tss!
DENNIS PARK's POV
Napapangiti akong pumasok sa office ko. Nakakatuwa talaga yung reaction ni Gina noong halikan ako ni Min Rin sa pisngi. Sana totoo ngang pareho kami ng nararamdaman ni Gina.
"Kuya. Baliw ka na?" Tanong ni Marcus na nagpakunot ng noo ko.
"Ha?"
"Ayy! Di ka lang baliw, bingi ka na rin." Sabi nya ulit.
"Ano palang ginagawa nyo dito?" Umupo ako sa swivel chair. Walang sumasagot sa kanila. Anong problema nila?
"Walang sasagot sa tanong ko kung anong pinunta nyo dito sa office ko?" Medyo naiinis kong tanong.
Nagsisikuhan na sila kung sino ang magsasalita. Mukhang kailangan ko na magtawag kung sino ang magsasalita sa kanila.
"Aiden! Anong pinunta nyo dito?" Sa kanilang lima, si Aiden lang ang maaasahan kong magsasabi ng totoo.
"Ano kuya. Kasi.... Ano.....Aaaaaa" Pinahaba ni Aiden ang pagsasabi ng A.
"Eeeeee." Sumunod na sabi ni Spencer.
"Iiiiii." Segunda ni Matthew.
"Oooooo." Sumunod si Vincent.
"Uuuuuu." Todong nguso ni Marcus.
"Ano ba?! Umayos nga kayo! Wala ba talagang sasagot ng matino sa tanong ko?!" Tumaas na ang tono ng boses ko. Naiinis na talaga ako sa kalokohan ng mga to!
"Kuya Matthew, ikaw na kasi magsabi. Ikaw ang nakakaalam ng lahat eh." Pabulong na sabi ni Marcus kay Matthew. Di ko alam kung bulong ba yon o hindi, kasi rinig ko naman.
"Hay. Sige na nga! Kainis kayo! Ganito kasi yon kuya, we saw Gina last day with... Marian." Simula ni Matthew.
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. W-what? Marian with Gina? Bakit kasama nya si Marian?
"S-san nyo nakita?" I stammered.
"Sa Elfonso. Nagpaalam ba sayo si Gina that day na lalabas ng office? Office hours yon nang makita namin sya with Marian." Matthew asked
Confused akong tumango.
"Kuya, maybe you should investigate her. I smell something fishy." Pagkasabi ni Matthew ng salitang 'fishy', tumingin sya sa direction ni Aiden. Tumingin din ito sa kanya ng masama.
Wala akong pakialam sa mga kalokohan nila. Pero... bakit nga ba kasama ni Gina si Marian? Magkaibigan ba sila? Anong relasyon meron sila? I thought, emergency ang pupuntahan ni Gina kaya pinayagan ko syang umalis. Ang daming gumugulo sa isip ko, hanggang sa abutin ako ng gabi kakaisip kung anong ugnayan ang meron sila. Siguro nga, kailangan kong mag-investigate.
GINA JANE CHOI's POV
"Gina, sabay na tayo umuwi." Katok ni Nicole sa pinto ng office ko.
"Sige. Aayusin ko lang to saglit then pwede na tayo umalis."
"Okay. Take your time."
After kong maayos ang table ko, lumabas na ako ng office ko. Naglalakad kami ni Nicole sa hallway ng may tumawag sa akin. Paglingon ko, nakita kong papalapit sa amin si Dennis.
Feeling ko, may supermodel na angel ang nasa harapan ko. He smiled at me at lumapit sa amin. Oh! Dear! That cute dimple! Heaven!
"Sabay na tayo umuwi." He said.
I saw in my peripheral vision Nicole's shocked face. "M-mukhang may kasabay ka ng umuwi, Gina. Sige, mauna na ako. Bye Gina. Bye Sir."
Dennis and I both nodded to Nicole.
While we are walking, I felt so awkward or maybe... WE felt awkward. Walang nagsasalita sa amin. Naglalakad lang kami papunta sa parking lot ng company. When we reached the parking lot, I saw my co-worker, Jestoni Cruz. Financial Manager sya ng Hallyu Brothers Empire. Bukod kay Dennis, Jestoni is also a heartthrob. Kind, handsome, gentleman and he's easy to approach.
Naglalakad sya papunta sa direction namin.
DENNIS PARK's POV
"Hi, Gina!" Jestoni smiled at Gina.
Hello! I'm here! Why dont you try to smile at me?! I'm your boss! Baka gusto mong masisante kita? Aba! Ang magaling kong employee na si Jestoni, hindi man lang ako pinansin.
"Hi. Pauwi ka na rin ba? Oh! By the way. Thanks for the treat kanina." Gina smiled at him..
Sige. Kayo nalang mag-usap dyan. Wag nyo akong pansinin. Kainis!
"Your welcome, My lady. Before I forgot. Are you free tomorrow?"
Palihim na tumingin sa akin si Gina. What?! What are you looking at?
"Ahm. Yes. Why'd you asked?"
Sige. Usap lang kayo dyan. Dito lang ako. Wag nyong alalahanin na nag-eexist ako. At ako ang boss nyo.
"Valentines day na sa saturday. So... Can you be my date for that special day?" Napapakamot sa batok na sabi ni Jestoni.
Suntukan nalang pare oh! Kainis na ah! Hoy Gina! Wag kang pumayag! Hindi pa kita naaaya!
"Ahm. Sure!" Pagpayag ni Gina.
WHAT! Pumayag sya! Gulat akong tumingin sa kanya. Nakita kong sobra ang ngiti ni Jestoni.
"Great! So... See you tomorrow, My lady? Good evening Sir Dennis. Ingat po sa pagdadrive." Paalam sa amin ni Jestoni.
Aba at ngayon lang ako napansin ng hayop!
Habang sa kotse kami, wala kaming kibuan. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mabwisit. Akala ko ba si Gina ang pagseselosin ko ngayong araw? Pero bakit pati ako nagseselos din? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na wag syang makipag-date kay Jestoni. Paano kapag tinanong nya ako kung bakit hindi pwede? Kasi I'm jealous? What an answer!
Pagdating namin sa condo, I received a phone call from Matthew.
"Kuya, I found a private investigator for you. He'll go to your office on monday."
"Okay, thanks a lot bro." I replied.
Then I hunged up.
Oo nga pala. Muntikan ko ng makalimutan ang binalita sa akin nila Matthew dahil sa selos ko kanina. Is there something between Gina and Marian?
Min Rin's POV
"Oh Hija, nandito ka na pala. Kumain ka na ba?" Bungad na tanong sa akin ni Yaya Viea pagdating ko sa bahay.
Gabi na. Galing ako sa meeting with board members.
I smiled bitterly. "Opo, Yaya Viea."
Then naglakad na ako papunta sa room ko.
"Hija, may problema ba?" Worried na tanong ni Yaya Viea.
Napahinto ako. May problema nga ba ako? I guess.
Nilingon ko sya at tumakbo papunta sa kanya. Niyakap ko sya habang umiiyak ako.
"Ssh.. Ano yon, hija? Sabihin mo sa akin." Sinuklay nya ang buhok ko.
"Ya, bakit ganon? Alam ko na walang pag-asa na maging kami ni Dennis pero ang tanga ko, kasi tinuloy ko pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Nagconfess ako sa kanya kagabi. Ayaw ko na sanang marinig ang sagot nya pero sinuntok ako ng katotohanan. Hindi nya ako gusto, hanggang bestfriend lang kami. Another thing is may gusto na syang iba. Pero ang martir ko, tinulungan ko pa syang umarte sa harap ng babaeng gusto nya. Ang sakit, Ya. Ang sakit. Umaarte ako na okay lang sa akin pero deep inside, sobrang nasasaktan ko. Mahal ko sya, Ya. Sobra." Umiiyak kong sabi sa Yaya ko.
Sa sobrang pagkikimkim ko sa feelings ko, nasabi ko na lahat sa nanny ko.
"Kabataan nga naman. Ssh. Hija, alam kong masakit at masaya ang magmahal. Lahat gagawin mo para sa kanya kahit nasasaktan ka na. Pero minsan, ang katotohanan na ang nagsasabi sayo kung hanggang saan mo lang sya pwedeng mahalin. Dalawa ang klase kasi ng sakit, yong isa masasaktan ka ng husto at yong isa ay bubuuin ang pagkatao mo." Hinawakan nya ang mukha ko at tinignan ako.
Bahagya syang ngumiti but I could see it in her eyes na nalulungkot sya sa situation ko.
Siguro nga, hanggang doon lang ako, as his bestfriend. Hindi ko nalang pipilitin ang sarili ko sa kanya. Mahalaga pa rin sa akin ang pinagsamahan namin, kahit yon man lang, magawa kong pag-ingatan.
I love him so much. Happy sya dahil alam na nyang may nararamdaman din sa kanya si Gina kaya as his bestfriend, happy na rin ako para sa kanila kahit masakit. We're not meant to be I guess. Masakit, sobra.