Chapter Nine

1643 Words
MADAM M's POV flashback "Chloe! Open this damn door!" Sigaw ko. Kanina pa ako kumakatok pero hindi pa rin ako pinagbubuksan ni Chloe. "Luz, kunin mo ang duplicate key ng door ni Chloe." Utos ko sa loyal naming katulong. Tumalima naman sya. Pagbalik nya, hingal na binigay nya sa akin ang duplicate key. Pinasok ko na ang susi sa doorknob pero hindi ko pa pinipihit ito ng pabukas. Why I'm so afraid to open this door? I opened the door. Nanlaki ang mata ko sa nakita. I run towards her. I held her. "Chloe! What the hell is this?! Chloe! Wake up! Chloe!" I shouted and cried. What happened to her?! Ano bang pumasok sa utak nya para magbigti? Tinanggal ko ang tali sa leeg nya. "Damn! Chloe! Wake up! Dont do this to me!" Histerikal kong sabi. I cant accept the fact na nagawang mag-suicide ni Chloe. Hindi ko alam kung bakit nya yon nagawa. She is my younger sister. We're very close to each other. Lahat ng problem namin, shinishare namin sa isat-isa kaya hindi ko talaga alam kung bakit nya yon nagawa. Two months ago nang mailibing si Chloe. Nasa room nya ako, inaalala ang aming happy moments. When I saw a letter sa table. I opened it. Medyo gusot ito. Bakit ang unfair ng mundo? Gusto ko sya pero hindi nya ako gusto. Maganda naman ako, sexy at mayaman. Pero bakit nya pinili ang hampaslupang yon over me? Mas angat pa nga ako compared sa Jenny na yon eh! Ano bang nagustuhan mo sa babaeng yon?! Ha?! Dennis Park! I really hate you for breaking my heart! I thought ako ang gusto mo yon pala pakitang tao lang para mapalapit kita sa bestfriend kong si Jenny! Manggagamit ka! Mahal kita! Alam mo ba yon! Pero kung hindi ako para sayo, I'll just kill myself. You dont value me, pwes! I dont value my self too! Useless lang din kung mabubuhay ako sa mundo kung hindi ka mapupunta sa akin. Ayokong makita kang kasama ang babaeng yon kaya't mas mabuti pang patayin ko nalang ang sarili ko. Kinamumuhian ko kayong dalawa! I was dumbfounded ng mabasa ko ang sulat. Totoo ba to? Nagsuicide sya because a man? I'm so sure na handwritten ito ni Chloe. A week has passed since mabasa ko ang suicide note ni Chloe. I cant believe na nagawa nya yon dahil sa isang idiot na lalaki. She dont deserve to be treated like that. She's sweet, kind, and understanding little sister. I cant believe na ganoon ang ginawa sa kanya. You! Dennis Park! Gagawin kong impyerno ang buhay mo! Treasure the moment with your woman because it'll be last day na kasama mo sya. Hindi kita hahayaang maging masaya dahil hindi mo yon kailangan! Magdusa ka! Ang dami kong plano para paghiwalayin sya at si Jenny. First, hinostage ko si Jenny at pinahirapan. Syempre, nalaman yon ni Dennis Park pero hindi nya alam na ako ang may gawa. Nakamask kasi ako that time. Second, I disguised as a waitress sa favorite nilang dating place. Nilagyan ko ng lason ang pagkain ni Jenny. Sinugod sya sa hospital at ang masaklap, buhay pa sya. Akalain mo nga naman, matagal mamatay ang masamang d**o. Nagtago ako ng matagal dahil alam kong namukhaan nila ako. Nang medyo hindi na maingay ang issue, nagparetoke ako ng mukha. Pinaayos ko lang ang nose and lips ko. Third, naglalakad sila sa subdivision na kung saan nakatira si Dennis. Holding hands pa sila at sweet. Ha! Lubos lubusin nyo yan! Mapuputol din ang relasyon na meron kayo. Tinanggal ko ang plate number ng kotse ko at bumalik sa loob ng kotse. Paharurot kong minaneho ang kotse para masagasaan sila. Pero sa kasamaang palad, nakaligtas sila. Last but not the least, ang nagtagumpay kong plano sa lahat. First anniversary ng relationship ni Dennis at Jenny. Tumambay ako malapit sa condo unit ni Dennis. Nakita kong pinapanuod nila ang fireworks display malapit sa condo unit. Mukha din silang masaya. "Ha! Sinisigurado kong ito na ang katapusan ng relasyon nyo. Nagawa nyong magpakasaya pero ang kapatid ko, binalewala nyo. Lalo ka na Dennis Park! Wala kang puso! Minahal ka ng kapatid ko pero anong ginawa mo?! Nagpakamatay sya dahil sa inyo! Ngayon, pagbabayaran nyo ang ginawa nyo." Sabi ko na punong puno ng galit. Tapos na ang fireworks display. Tinutok ko ang baril kay Jenny. Nakatalikod sya sa direksyon ko. Nakita kong lumuhod si Dennis. Kinalabit ko ang gatilyo saka ito pinaputok. Bull's eye! Natumba si Jenny. Nilagay ko sa bag ang baril at umalis sa lugar. Success! Magluksa ka ngayon Dennis Park katulad ng pagluksa ko sa kapatid ko. Tama lang yan sayo! Pagkagising ko kinabukasan, feeling ko umaapaw ang kaligayahan ko dahil nagluluksa na Dennis Park. Binalita sa tv ang nangyari. I was eating my breakfast ng mapansin ko ang braso ko. Nawawala ang bracelet ko! Gosh! Saan napunta yon? Ang alam ko suot ko yon kahapon. Napahinto ako sa pagnguya ng maalala ko ang nangyari kagabi. "Damn! Baka nahulog ko yon malapit sa condo unit ni Dennis Park! Bat di ko napansin?!" Inis kong sabi. Dali dali akong kumain at bumalik sa lugar kung saan ko binaril si Jenny. Pababa na sana ako ng kotse ng mapansin ko si Dennis. May pinulot syang bagay at hindi ako nagkakamali. Bracelet ko yon! Damn! Nakuha nya! Paano yan?! What to do?! Baka gawin nyang ebidensya ang bracelet ko sa pagkamatay ni Jenny! Nakatulala ako sa tv. Iniisip ko pa rin ang gagawin ko kung paano mababawi ang bracelet from Dennis Park. Hindi ko pwedeng nakawin yon by myself. Kilala kasi ako sa condo unit kung saan nakatira si Dennis. At hindi ako pwedeng makita ng kahit sino na malapit kay Dennis Park dahil ex boyfriend ko sya ten years ago. Nilihim ko yon kay Chloe. Dahil ayokong malaman nyang may boyfriend akong mas bata sa akin ng four years. Hindi din nagtagal ang relationship namin dahil palagi nyang inaatungal sa akin ang kakulangan ko ng time sa kanya. That time kasi palaging nagkakasakit si Chloe. Alangan namang pabayaan ko ang kapatid ko. Kaming dalawa nalang ng kapatid ko ang magkasama sa buhay. Namatay kasi sa car accident ang parents ko with Tita Olivia, Gina's Mother. Magkumare kasi ang mama ko at si Tita Olivia. Napansin kong naglilinis si Gina sa living room. Ilang taon na rin syang nasa poder ko. Magkasing edad lang sila ni Chloe. Nanlaki ang mata ko ng may naisip akong bright idea. Why not, di ba? May silbi din pala ang pagkupkop ko kay Gina. "Gina, come with me. May iuutos ako sayo." Tawag pansin ko sa kanya. end of flashback "Hey babe! Tulala ka naman. Kanina pa ako nagsasalita dito. You're not listening. Problem? Wanna share it?" Untag sa akin ni Kirby. "N-nothing." He held my hand. "Nakuha na ba ni Gina ang bracelet mo?" "Hindi pa nga eh. Ewan ko ba sa kanya kung bakit ang tagal nyang makuha yon. Naiinip na nga ako eh. Baka anytime, ibigay yon ni Dennis sa mga pulis at gawing ebidensya sa pagkamatay ni Jenny." Alam ni Kirby na ako ang pumatay kay Jenny. I know na hindi nya ako ilalaglag dahil ilalaglag ko din sya sa mga pulis. Drug lord kaya to! I have the evidences to prove na sya ang natutulak ng shabu dito sa Pilipinas. Pareho lang kaming may alas kaya kung gusto pa namin na magliwaliw sa Pilipinas, better keep the secret nalang. GINA JANE CHOI's POV Ako lang mag-isa sa condo and this is right time to search it again. Every night kong hinahanap ang bracelet sa condo. Sa kitchen, living room, comfort room, anywhere! Pati nga sarili kong kwarto di ko rin pinalampas. Naghanap din ako sa kwarto ni Leeteuk pero wala din eh. Umupo ako sa couch sa sala. "Saan mo ba yon tinago? Ang hirap naman kasi hanapin. Ano ba kasing meron doon sa bracelet?" Tanong ko sa picture na nakangiting si Dennis. Baliw na yata ako. Pati picture ni Dennis, kinakausap ko na. Nakakapagod na rin maghanap sa totoo lang. Naghahanap ako ng isang bagay na hindi ko alam kung bakit tarantang taranta si Madam M na makuha ko yon. Sana makita ko na yon. DENNIS PARK's POV Naalimpungatan ako dahil sa pagkauhaw. Its 2:00 o'clock in the morning. Bumaba ako para uminom. Hindi ko na inabalang buksan ang ilaw dahil medyo maliwanag naman from the outside. Paalis na ako sa kitchen nang may makita akong naglalakad na parang zombie. Nakayuko sya. Kinilabutan ako sa nakikita ko. Or maybe hallucination ko lang. Papalapit sya sa direction ko. Nagsisimula na rin magsitayuan ang mga balahibo ko. God! Ano ba to?! Nang iangat nya ang ulo nya, s**t! M-multo! "Waaaaaaaaaaah!!!!!!!" I screamed. I dont care kung gabi na at sumisigaw ako. Basta takot ako! M-m-may m-m-multo sa bahay ko! Tatakbo na sana ako ng may papalapit na mas maraming multo! "Waaaaaahhhh! H-help!" Di ko na alam ang gagawin ko! Pinalilibutan ako ng mga multo! Ang dami nila! Nang may nagbukas ng ilaw. "Ano bang nangyayari sa iyo kuya?" Papungay pungay na tanong ni Vincent. Ang cute nya. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Ang walanghiya! Hindi pala multo ang nakita ko kundi ang mga kapatid kong nakafacial mask! "Kuya! Para ka naman nakakita ng multo dyan. What happened? Bakit ka sumigaw?" Sabi ni Andrew. "Oo! Para talaga akong nakakita ng multo dahil dyan sa bwisit na facial mask na nasa mukha nyo! Bakit ba kayo nakaganyan?" Iritable kong sabi. "Para mas lalo kaming gumwapo. Nakakastress na kasi this past few days. Gusto mo i-try kuya? I have some here." Sabay kuha ng isang facial mask sa bulsa na hindi gamit. Bwisit! Akala ko talaga multo na yung mga nakita ko! Todo sigaw pa naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD