GINA JANE CHOI's POV
"You look wonderful tonight, hija." Comment ni daddy sa akin.
Pupunta na kami sa business dinner with his bestfriend.
"Thanks, dad." I smiled.
"Shall we?" Nilahad nya ang kanang kamay upang alalayan ako sa pagbaba sa hagdan. Inabot ko ang kamay nya at bumaba sa hagdan.
DENNIS PARK's POV
After ng performance namin, nag-pack up kaagad ako.
"Aish!" Inis kong sabi.
"Kuya, bakit ka nagmamadali? May taxi?" Tanong ni Jordan.
"May business dinner ako ngayon with Dad kaya nagmamadali ako." Bakit nakalimutan ko? Conflict tuloy sa schedule ko.
Nagbihis muna ako ng business attire bago pumunta sa hotel. Sabi ni Daddy, ime-meet daw namin ang bestfriend nya at ang anak nito. May business deal din daw silang ico-close at kailangan ni Daddy ang presence ko for some opinions.
GINA JANE CHOI's POV
So weird. I don't know why pero kinakabahan akong pumasok sa hotel at mas gusto ko nalang umuwi. Kinakabahan ako dahil first time kong ma-meet ang bestfriend ni Dad.
"Are you okay, Gina?" Worried na tanong ni papa.
"H-ho? Y-yes, Dad." Pilit akong ngumiti to hide my emotion right now.
Pagpasok namin sa loob ng hotel, dumiretso kami sa isang private room. Pinagbuksan kami ng pinto ng isang staff ng hotel at nanlaki ang mata ko sa taong nasa loob ng private room na nakaupo na sa harap ng mesa. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit ngayon ko lang sya nameet, sya iyon!
"Pare!" Masigla nilang bati sa isat-isa.
"Is she your daughter?" Baling na tanong nya ng mapansin ako.
"Yes, she is." Nakangiting sabi ni Dad.
"Oh! You're beautiful, Hija. You look like your Dad." Nakangiting sabi ni Mr. Tristan Park.
I smiled. Si Mr. Tristan Park pala ang bestfriend ni Dad at ka-meet up namin ngayon. Ang ama ng taong mahal ko.
"Have a sit. My son texted me that he'll be late. Comeback kasi nila this year kaya super busy sila. Nakalimutan nya pa daw na ngayon tayo magkikita." Sabi ni Mr. Tristan Park at tumawa.
Nanlaki ang mata ko. Alam kong si Dennis ang tinutukoy nya dahil nag-iisa nyang anak. What should I do? Paniguradong galit sa akin si Dennis sa pagnakaw ko ng bracelet ni Madam M.
"Oh, wow! Your sons are totally amazing pare. Kahit na may kanya kanya na silang company na hinahandle, nakakapagperform pa sila. I salute them for being a hardworking men." Sabi ni Dad sa tabi ko.
Hindi ko na masyadong pinapakingggan ang pag-uusap nilang dalawa dahil aligaga ako kung anong dapat kong gawin kapag nakita ko ulit sya. What should I do? Ignore him? Hide? Or act like normal? Argh! I know I deserved this damn consequence and I'm afraid to see him now.
Thirty minutes later...
Natuon ang aming pansin sa bagong dating na si Dennis. It's been a long time na nagkita ulit kami. Walang pinagbago ang mukha at style nya sa pananamit except sa pagtitig nya sa akin.
It's cold and it hurts.
"Sorry, I'm late." Sabi ni Dennis at umupo katapat ko.
"It's okay, hijo. We understand." Sabi ni Dad.
"Let's eat?" Suhestyon ni Mr. Tristan Park
Habang kumakain kami, di ko maiwasang tumingin kay Dennis. Nahuhuli ko syang tumitingin sa akin at hindi ako natutuwa dahil walang expression na mababasa mula rito. Ang sakit. Sobra. Hindi ko alam kung gusto nya ba ako makita o hindi. Siguro nga hindi. Kasi ninakaw ko yung bracelet.
"Gina, hija. Is there a problem? Ayaw mo ba ng food mo? Papalitan natin." Nag-aalalang tanong ni Dad.
Napansin nya siguro na medyo mabagal ang pagsubo ko kapag kumain.
"O-okay lang po. M-masarap naman po yong pagkain." I smiled bitterly.
After naming kumain, nag-usap na sila about business kaya nanahimik nalang ako.
Kasalanan ko kung bakit ganito ang pagtitig sa akin ni Dennis. Gustuhin ko man na ibalik ang oras para hindi ko maramdaman ang pakiramdam na ito, hindi na pwede. Galit na sya sa akin.
"E-excuse me lang po. P-pupunta lang po ako sa powder room." I excused.
Pagdating ko sa powder room, nilabas ko na ang luhang nagbabadya pa kanina. Walang ibang tao sa powder room kaya pwede akong umiyak.
The way he looked at me, sobrang pinipiga ang puso ko. Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana, umalis nalang ako at nagmukmok sa kwarto to. Eh di sana hindi ako nasasaktan ng sobra ngayon. I missed him so bad pero sya, mukhang di ako na-miss. Galit pa. Wala nga siguro syang gusto sa akin. Lasing sya noon kaya nasabi nyang mahal nya ako. Kaya heto, nag-aasume ako. Assumera talaga ko. Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako dahil hindi ako nag-iisip ng maayos. Naiinis ako dahil sa ginawa ko at ngayon, malamig ang tingin sa akin ni Dennis.
Nang mailabas ko na lahat ng sakit at iyak ko, inayos ko na ang sarili para bumalik sa private room. Paglabas ko ng powder room, nanlaki ang mata ko sa taong nasa likod ng pinto.
"Sumunod ka sa akin." Dennis said at naunang naglakad.
DENNIS PARK's POV
"Excuse lang po. Kukunin ko lang ang cellphone ko sa kotse." Paalam ko.
"Sige, anak."
Pumunta ako sa kotse ko at kinuha ang cellphone ko. Pagkakuha ko sa cellphone ko, dumiretso ako sa front office para magcheck-in. Nang makuha ko na ang keycard, pumunta kaagad ako sa powder room. Sa powder room daw sya, di ba? Hindi nagtagal ay nakita ko na syang lumabas.
"Sumunod ka sa akin." I said.
Nagpatiuna ako sa paglakad papunta sa elevator. Tahimik lang kami hanggang makarating kami sa room na binook ko. Hindi naman ako nahirapan hanapin ang kwarto at binuksan ito gamit ang keycard na bigay sa akin.
GINA JANE CHOI's POV
Pagpasok ko sa kwarto, feeling ko nakakulong ako sa kulungan at paaaminin ako sa kasalanan ko. Natatakot ako, baka saktan nya ako. Pero alam kong hindi nya iyon magagawa. Noong iligtas nya ako mula kay Jestoni, mula noon, alam kong secured akong kasama sya. Walang makakapanakit sa akin dahil ipagtatanggol nya ako.
"Dennis, bakit ta---" Naputol ang sasabihin ko ng yakapin nya ako from my back.
"Sshh... Pwede bang mag-stay muna tayo sa ganitong posisyon?" Bulong ni Dennis sa tenga ko.
Dinuyan anv puso ko sa sinabi nya. I don't know pero masarap sa feeling na niyayakap nya ako. Habang yakap nya ako mula sa likod, di ko maiwasang umiyak. Umiiyak ako dahil ang tanga ko, hindi ako nag-iisip, nagsisisi ako at higit sa lahat ay masaya ako. Hinayaan ko na maging complicated ang lahat. Pwede ko namang gawin ang gusto ko na mag-stay sa tabi nya imbis na kunin pa ang bracelet.
Pero nalilito pa rin ako sa ikinikilos ni Dennis. Bakit nya ako niyayakap ngayon? Tapos ang cold ng tingin nya sa akin kanina? At bakit nya ako dinala dito sa kwarto?
DENNIS PARK's POV
I missed her so bad. Pinipigilan ko ang nararamdaman ko kanina kung gaano ako kasaya na makita ulit sya. Kahit kailan, hindi ko naiisip na mangyayari ito.
Nanatili kami sa ganoong posisyon. Magkayakap.
Hindi ako galit sa ginawa nya. Alam kong nagamit lang sya para makuha ang bracelet ni Marian from me. At first, oo, nagalit ako pero nang mabasa ko ang diary ni Marian, I understand why she did it.
Yung suicide note ni Chloe. Ang galit na naramdaman nya bago sya magsuicide. Feeling ko, kasalanan ko din. Totoo nga ang sabi ni Marian. Naging manhid ako. After kong mabasa ang suicide note ni Chloe, pumunta ako sa sementeryo kung saan sya inilibing. I felt sorry for what happened. Hindi ko alam na may special syang nararamdaman sa akin. She helped me to court her bestfriend. Naka-focus lang ako noon kay Jenny pero yon pala, may nasasaktan na ako.
"Dennis."
I hugged her tightly.
"I'm sorry." Nakayuko nyang sabi.
Iniharap ko sya at hinawakan ang baba nya upang magtagpo ang aming tingin. Nagbabadya ng tumulo ang luha nya.
I smiled. "I'm sorry too. I was so cold kanina and I---" Naputol ang sasabihin ko nang ilapat ang hintuturo nya sa labi ko at umiling.
"Don't be. I deserved that cold treatment naman eh. I'm really sorry kung ginamit kita para makuha ang bracelet. Napag-utusan lang talaga ako ni Madam M na nakawin ang bracelet sayo. Hanggang ngayon, I don't have any idea kung bakit kailangan kong kunin ang bracelet."
"I know. All of it." I smiled.
"H-ha? A-alam mo?" Gulat na tanong ni Gina. I nodded.
"H-how? W-wala pa akong nakukwento sayo simula ng kunin ko ang bracelet sa condo unit mo."
I smiled. "Nevermind. Ituloy mo muna ang kwento mo bago ko sabihin ang akin." Natutuwa ako sa facial expression nya.
She pouted her lips. "Ang daya! Sige na nga! Ayun nga. Kinuha ko ang bracelet sa hindi ko malamang dahilan ni Madam M. Dahil utang na loob ko ang pagkupkop sa akin ni Madam M, hindi ko na sya tinanong about sa bracelet. She told me na after daw ng mission ko, saka lang nya sasabihin. After kong makuha ang bracelet at umalis sa unit mo, umuwi kaagad ako sa bahay para ibigay sana ang bracelet kay Madam M pero hindi ko nagawang ibigay ito sa kanya dahil inaresto sya ng mga pulis kasama si Kirby. Naging mabait sa akin si Madam M and I can't believe na kaya nyang pumatay ng tao. May alam ka ba kung anong connection ni Madam M sa pagkamatay ni Jenny?" Nagsusumamo nyang sabi.
"Si Marian... Ex-girlfriend ko sya at kapatid nya si Chloe. Naging kaibigan ko si Chloe dahil bestfriend nya si Jenny. Sa kanya ako humihingi ng advice para ligawan noon si Jenny but behind that, may gusto pala sya sa akin. She wrote a suicide note telling that she hated me dahil manhid ako at pinapaasa ko sya sa mga sweet moments namin. Sweet ako sa mga nagiging friends ko pero sa kanya, nilagyan nya iyon ng malisya. Because of that, she committed suicide at sobrang nagalit sa akin si Marian dahil pinatay ko ang kapatid nya. Then she planned to kill Jenny and she did." Kwento ko.
Halatang nagulat sya sa sinabi ko. "So... Totoo nga na sya ang pumatay kay Jenny. But how come na pumasok sa story ang bracelet?" Takang tanong nya.
I took a deep breath. "Based on Marian's diary, nahulog ito sa lugar kung saan sya pumwesto para mapuntirya si Jenny."
Umupo sya sa kama at halata sa itsura nya na hindi sya makapaniwala sa mga nalaman nya.
I hugged her.
"Gina, sorry kung naging malamig ang treatment ko sayo kanina. It was just, I want to hide this overflowing happiness na nararamdaman ko na makita ka ulit. I'm really sorry."
"I understand. I'm sorry too."
"Maybe we should start a new chapter of our life. Let's treasure the happy moments together and forget the past. I love you, Gina." Sincere kong sabi.
"A-anong sinabi mo?" Hindi makapaniwala na nilayo nya ang katawan sa akin.
"What? Alin doon sa sinabi ko?" Nagtataka kong tanong. I was just teasing her.
"The last four words na sinabi mo."
"Ah..." I smiled at napatango-tango. Hinawakan ko ang baba nya. "I said, I love you, Gina."
She smiled then tumawa saglit. "I thought bingi lang ako or nakainom ka lang kaya mo nasabi yon."
"Hindi ka bingi kasi puso ko lang ang naririnig mo. At hindi din ako lasing dahil may hangover pa ako sayo."
She smiled. "I love you too, Leeteuk. Always and forever."
And I kissed her passionately.