Chapter Thirteen

2457 Words
Gabriel's POV "Maligayang pagdating po, Sir Gabriel." Bati sa akin ng butler ko. I smiled at him. His very loyal to me kaya alam kong mahahanap nya ang nawawala kong anak. "Salamat, Simon. About my daughter, nakita mo na ba sya?" I'm hoping that my daughter is in a good hand. "Yes, sir Gabriel. Gusto nyo po bang puntahan na natin sya?" Masigla nyang tanong. Napangiti ako sa sinabi nya. Finally, makikita ko na din sya! I'm very excited to meet her. "Mamaya nalang. May pupuntahan tayo." I have to meet my kumpare first before ko puntahan ang anak ko. GINA JANE CHOI's POV *flashback Pumasok ako ng maaga para magligpit ng gamit ko sa office. "Oy Gina! Aga mong pumasok ah." Bungad sa akin ni Nicole. "Yeah. Nililigpit ko na ang mga gamit ko dahil magreresign na ako." "What?! Are you serious?! Why naman?! Di ba masaya ka naman dito sa company? Bakit kailangan mo pang mag-resign?" Sunod-sunod na tanong nya. I smiled bitterly. "Yeah. I'm very happy naman na naging part ako ng company na ito pero may mga bagay lang na nagpapakomplikado sa akin sa ngayon." "What is it? Tell me. You can trust me." Nag-aalalang tanong sa akin ni Nicole. "Sorry, Nicole. I want to tell you but I can't." Pumasok ako sa company na ito na walang nakakaalam ng mission kaya aalis akong dala ang sekreto. "Hay. Kung ano man yan, sana hindi mo pagsisihan ang magiging desisyon mo." Sana nga. "Thanks Nicole. Oh! Before I leave, favor naman oh." "Tss! Aalis na nga lang may pahabol pa. Ano ba yon?" Pabirong nyang sabi. "Please give this letter to Mr. Dennis Park." Iniabot ko sa kanya ang sulat na ginawa ko kagabi. The bracelet. Finally, I found it. Noong umuwi kami galing sa private beach resort nila Dennis. Naisipan ko na libutin ang buong kwarto ni Dennis bago umalis. Ninanamnam ko ang bawat sulok ng kwarto nya. Pansamantalang nawala sa isip ko ang bracelet. Bahala ng mapagalitan ni Madam M. When I touched the cabinet, may napansin ako sa gilid nito. I curiously pushed it, nagulat ako na biglang bumukas ang pinto ng angels clock. Pagsilip ko, nanlaki ang mata ko sa nakita. Ang bracelet! Tuwang tuwa na kinuha ko ito. God! I found it! Sumuko na ako sa paghahanap pero heto sya! Nandito! Pero hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil iniisip ko pa rin kung itutuloy ko ba ito o hindi. Pagmamay-ari ito ni Madam M at magagalit sya sa akin kapag hindi ko ito ibinigay sa kanya pero kailangan ito ni Dennis para maging ebidensya sa pagkamatay ni Jenny. Hindi kaya may kinalaman si Madam M sa pagkamatay ni Jenny? Pero imposible yon! Hindi magagawang pumatay ng tao ni Madam M. Sa anong dahilan? I received a message. 'Last day' Iyan ang maikling text sa akin ni Madam M. It's the sign na kailangan ko na talagang ibigay ito kay Madam M. After kong makuha ang lahat ng gamit ko sa office at sa condo unit, dumiretso na ako sa bahay ni Madam M. Pero nagulat ako sa nadatnan ko. Inaaresto si Madam M sa salang pagpatay kay Jenny at si Kirby dahil naman sa pagiging drug lord nito. *end of flashback Pauwi na ako dala ang mga pinamili ko. Ubos na kasi ang stock sa bahay ng arestuhin si Madam M. Until now, I'm clueless pa rin kung bakit nagawang patayin ni Madam M si Jenny at ang bracelet na hanggang ngayon ay nasa akin pa rin, nakatago. Hindi ko nagawang ibigay kay Madam M ang bracelet dahil noong araw na hulihin sya, nawala sa isip ko ang bracelet. Hindi ko pa sya nabibisita sa kulungan dahil hindi pa ako nakakaget-over sa nangyari. Hangga't maaari, ayoko munang makita iyon. Dahil doon, nagsisisi akong iniwan ko sya. 'Ano ba yan?! Nagagawa ko pang magdrama! Ang bigat bigat na nga ng dala ko!' Inis kong sabi sa sarili ko. Baliw na yata ako. Sarili ko kinakausap ko na. "Gusto mo tulungan kita?" Napalingon ako sa nagsalita. TRISTAN PARK's POV Nagbabasa ako ng balita sa dyaryo ng may tumapik sa balikat ko. Gulat na tinignan ko ito. "Pare!" At nagyakapan kami. Kahit na matanda na kami, malakas pa rin kami. Feeling bagets nga kami minsan eh. "How are you, kumpare?" Bati nya sa akin at umupo sa katapat na upuan. Nasa garden kami. Masarap magbasa dito ng newspaper. Samahan mo pa ng tea. "Ito, matandang kalabaw na." Nasabi ko at nilapag ang hawak na newspaper. He laughed. "Ikaw talaga pare. Nga pala, Nasaan ang mga anak mo?" "Nasa kanya-kanyang office sina Dennis, Casey, Joshua, Jerome, Jordan, Matthew, Vincent, Spencer at Aiden. Si Andrew naman ay may photoshoot. Si Nathan, Bryan Trevor at Marcus ay nasa school. Graduating na sila." Sabi ko. Tumawa sya. "Bilib din ako sayo pare! Ang hayok mo sa anak! Akalain mo yon, nakabisado mo lahat ng pangalan nila!" "Sira ka talaga. Si misis ko ang magaling. Mahal ko iyon eh. Alam mo naman na isa lang ang anak ko, pare. Pero lahat sila, kung ituring ko ay parang tunay kong anak." "Yeah, I know. Nga pala, I have a good new." He said and come closer. "What?" Pabitin eh. "I found her! I mean, nakita na sya ng butler ko at makikita ko na sya!" Masigla nyang balita. Gabriel is my bestfriend since college. We always share our problems to each other. Kaya I'm glad na makikita na nya ang anak nya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Really?! That's a good news!" "Yeah. I'm happy na makikita ko na sya but I'm afraid that she'll be mad at me because of what I did years ago." Bakas ang lungkot sa kanyang mukha. I sighed. "We can't say kung anong magiging reaction ng anak mo kapag nalaman nya ang totoo pero once she heard it, she'll understand everything." He nodded. "Hope so." GABRIEL's POV "Sino po kayo?" Nagtatakang tanong sa akin ng kaharap ko. Inaya ko syang sumama sa akin sa coffeeshop na malapit. Buti hindi sya tumanggi sa alok ko. No doubt na anak ko sya. Malaki ang pagkakahawig ko sa kanya pero nakuha nya ang ngiti ng kanyang ina. I smiled. "Ilang taon din kitang hinanap. Mawawalan na sana ako ng pag-asang mahanap ka, anak." Gulat na tumingin sya sa akin. "Anak?" Naguguluhan nyang tanong. Tumango ako. "How come po na anak nyo ako? Patay na po ang pa-----" "Hindi sya ang tunay mong ama." Putol ko sa sinabi nya. "Pero paano po nangyari iyon? Sabi ni Auntie Estela, patay na daw po ang papa ko noong ipinagbubuntis pa ako ni mama." "Alam kong naguguluhan ka sa mga sinasabi ko but this is the whole truth. I'm your real father. I don't know kung anong sinabi sayo ng mama mo o ng Auntie Estela mo." Nakayuko kong sabi. Hiyang hiya ako sa anak ko dahil naduwag ako noon pero ngayon ay sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat para bumawi sa mga araw na wala ako sa piling nya. "Bakit po? Ano po bang nangyari? Please po. Tell me. Gulong gulo na ako. I need an explanation." Nagsusumamo nyang sabi. I look straight into her eyes. *flashback "Leave this house or else I will kill you! Hindi ka bagay sa anak ko! Katulong ka lang! Hindi ko pinangarap na ikaw ang makakatuluyan ng anak ko!" Sigaw ni Mommy kay Olivia. "Mom! Stop it! Tanggapin mo na ang katotohanan! Buntis si Olivia at ako ang ama! Whether you like it or not, apo nyo pa rin ang nasa sinapupunan nya! I love her Mom. Please. I'm begging you. Hayaan mo nalang kami." I said. Nakatingin na lahat ng katulong sa amin. Umiiyak na nakaluhod si Olivia sa harap ni Mom. Nilapitan ko sya at niyakap. "Oh, really? Are you sure na ikaw ang ama ng bata sa sinapupunan nya?! Huh!" "I don't care If I'm the real father or not of this child! I love Olivia very much at hindi ko sila iiwan." "If that so, you leave me with no choice. Papatayin ko ang babaeng iyan kapag ipagpipilitan mo iyang gusto mo. You know me, Gabriel. Ginagawa ko ang lahat ng maisipan ko. Nasa iyo kung ang desisyon kung papatayin ko ang babaeng yan o kalimutan mo nalang sya." Nakangising sabi ni Mommy. Natulala ako sa sinabi nya. Yeah. I really know Mom na lahat ng maisipan nyang gawin ay talagang gagawin nya pero hindi ko hahayaan ang mag-ina ko na magdusa sa piling ko. *end of flashback "I really love your mother. To proctect her and you from my mother's hand, pinili kong mag-stay kasama si Mommy. Alam kong naging mahina ako pero gusto ko lang kayong iligtas sa banta ni Mommy. Kahit kailan, hindi kayo nawala sa isip ko. Nang mamatay ang mama mo, pumunta ako sa libing nya pero pinaalis ako ng Auntie Estela mo. Masama daw ang loob nya dahil naging miserable ang buhay ng kapatid nya dahil sa akin. I admit it! Kasalanan ko." Umiiyak kong turan. GINA JANE CHOI's POV I can't believe na nagawang magsinungaling ni Auntie Estela sa akin. Pero heto, nasa harap ko ang tunay kong ama. My real father. Ayoko sanang maniwala sa mga sinasabi nya pero nahahabag ang kalooban ko sa emosyon na pinapakita nya. Sa kwento nya, talagang naramdaman ko ang pagsisisi nya na naging mahina sya and willing syang makasama kami ng mama ko pero imposible na iyon dahil patay na si mama. "Nang mabalitaan ko ang nangyari sa Auntie mo, nagpapunta ako ng ilang tauhan ko sa bahay ninyo pero wala ka na daw doon. Pinahanap kita. And I'm glad na nang pagbalik ko sa Pilipinas from Korea, nahanap ka ng butler ko." Hanggang ngayon ay confused pa rin ako sa nangyayari pero ang puso ko, nag-uumapaw sa saya. Ni minsan hindi ko na-experience ang magkaroon ng ama. Naiinggit ako sa mga classmates ko dati kapag Father's day. Pero heto, nandito na sya. Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong maniwala na ama ko sya. Magaan din ang loob ko sa kanya. Lukso ng dugo, siguro. "Anak, sumama ka na sa akin. Please. Kung alam mo lang kung gaano ako kasabik na makasama ka. Gusto kong bawiin ang mga araw na hindi ko naiparamdam sayo ang pagmamahal ng isang ama. Gusto ko ring maramdaman ang maging isang ama sayo." Nagsusumamo nyang sabi. Wala naman sigurong masama kung sumama ako sa kanya, di ba? He's my father after all. Gusto ko din ma-experience ang pakiramdam ng mga classmates ko. Ang magkaroon ng ama sa tabi. I smiled. "Sige po." DENNIS PARK's POV *flashback Pagdating ko sa presinto, sinamahan ako ng mga pulis sa interrogation room. Inutusan ko kasi sila na bigyan kami ng privacy para makausap ko si Marian kung bakit nya iyon nagawa. Pagdating ko sa kwarto, nakita ko syang pinaglalaruan ang posas nya. Umupo ako sa kaharap nitong upuan. Tinignan ko sya nga masama. Tumawa lang sya ng pagak. "Wag mo akong tignan ng ganyan, Park. Alam kong masaya kang makita ako, di ba?" "Bakit mo pinatay si Jenny?" Diretsahan kong sabi. "Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit di mo sagutan iyang tanong mo?" "Wala akong time makipaglokohan sayo Marian! Sagutin mo ang tanong ko!" Galit kong sabi. "Galit ka na nyan?" Nang-uuyam nyang sabi. Kunot noo na tinignan ko sya. Nang-aasar ba to? Pwes! Asar na asar na ako! "Wala kang karapatang magalit sa akin! Dahil sayo at sa traydor na si Jenny, nagpakamatay ang kapatid ko!" Maluha luhang sabi ni Marian. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "A-anong sabi mo? N-nagpakamatay sya dahil sa amin?" "Don't act like you're innocent coz you're not! Alam mo bang napaka-selfish mo?! Iniisip mo lang ang sarili mong kaligayahan!" Halos mabingi na ako sa sigaw nya. "Marian! Just answer my damn ques---" Sigaw ko pero pinutol nya ang sasabihin ko. "Shut up! Patapusin mo ako!" Natahimik ako sa sigaw nya. "Alam kong galit ka sa akin noong nakipagbreak ako sayo dati pero hindi ko na matiis ang pagiging isip bata mo! Hindi lahat ng oras ko ay dapat nakalaan lang sayo! May pamilya ako, ang kapatid ko. Pero mas selfish ka pa sa inaasahan ko. You killed my sister!" Umiiyak nyang sabi. Oo. I'm very selfish sa relationship namin noon pero hindi tama na i-blame nya sa akin ang pagkamatay ni Chloe! Paano ko papatayin si Chloe? Nagpapasalamat pa nga ako sa kanya eh. Sya ang naging tulay kung bakit ako sinagot ni Jenny. "Pinaasa mo sya! Manhid ka na nga, selfish ka pa!" Nag-aapoy na naman ang mga mata nya sa galit. "Oo! Selfish ako dati pero hindi ako manhid!" I shouted back. "Ayoko ng mag-explain pa sayo, Park. Here. Read this." May iniabot sya sa aking isa sulat at isang diary. Kinuha ko ito at tinignan sya. "Suicide note yan ni Chloe. Yung diary, akin yan. Hindi ko naman itatanggi ang pagpatay ko kay Jenny eh. Atleast nakapaghiganti na ako sa pagkamatay ni Chloe." Pagpapaubaya nya. Pag-uwi ko sa condo, binasa ko kaagad ang suicide note ni Chloe at diary ni Marian. *end of flashback I sighed. "Sir, nandito po ang father nyo." Deasyrey said over the telephone. She's my new secretary, two days ago since I hired her. "Okay. Please let him in." Tumayo ako para magbigay galang ng pumasok sya sa office ko. I bowed. "Wala pa ring pinagbago ang office mo aside from your secretary." Sabi ni Daddy napalinga linga sa loob ng office ko. "Okay na po sa akin ang ganitong set-up. Mas nakakapag-isip po ako ng maayos." "Nga pala, pumunta ako dito dahil may sasabihin akong importante." Umupo sya sa sofa. "What is it, Dad?" GINA JANE CHOI's POV Sumama ako sa papa ko after ng pag-uusap namin sa coffeeshop. Hindi na kami dumaan sa bahay dahil noong dumating kami sa bahay ni papa, nagulat nalang ako dahil lahat ng gamit ko ay nasa magiging kwarto ko na. Hindi ako makapaniwala na ganito kayaman ang papa ko. Sa isang mansyon pala sya nakatira at ito na ang magiging tahanan ko. Nandito ako sa kwarto ko at nakaupo sa kama ko. "Hija, okay ba sayo ang kwartong ito?" Tanong nya. "Sobrang okay na po ito sa akin." Umupo sya sa couch na malapit sa kama ko. "Mabuti naman. Nga pala anak, maitanong ko lang. May boyfriend ka na ba?" Nagulat ako sa tanong nya. "W-wala po." "Oh? Sa ganda ng anak ko, wala pang boyfriend. Oh! Naalala ko! May business dinner ako with my bestfriend. Isasama kita bukas para makilala ka nya. Okay lang ba?" "Sure po." I smiled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD