DENNIS PARK's POV
"Let us all welcome the most awaited comeback of this year! The Hallyu Brothers!" Intro ng MC para sa performance namin.
"Hallyu Brothers!" Sigaw ng mga fans namin.
Mainit ang pag-welcome nila sa amin nang umapak kami isa-isa sa stage.
Their love for us are overwhelming. Kaya ginagawa namin ang lahat to give them an amazing performance na hindi nila makakalimutan.
Nakapwesto na kami sa stage. Magsisimula na kaming magperform.
We sing and dance our heart out. Giving our best to make our fans happy.
Pagkatapos namin magperform, we lined up. "We are The Hallyu!" Unang sigaw ko. Then we posed na parang maghhigh five.
"Brothers!" Sabay sabay naming bigkas.
Pagkatapos ng aming mag-promote ng aming new album ay nagpaalam na kami at pumunta backstage.
"What a great performance guys! Good job!" Manager Prince tapped my shoulder.
I smiled. "Thank you, Manager Prince. We owe you a lot."
He smiled at inabot ang cellphone ko. "Kanina pa may tumatawag sayo. You better answer it. Baka importante."
I got the phone and answered it. "Hello, who's this?"
Unregistered number kasi.
"Hello, Mr. Dennis Park. I'm Private investigator James Legaspi. About Ms. Gina Jane Choi, mayroon na po akong information sa kanya. I'm here at your office. Would you mind to come here and meet me?" The private investigator said.
About Gina? May information na sya about Gina?! Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Pinaimbestigahan ko sya dahil sa sinabi sa akin ni Matthew sa office. Curious lang ako kung bakit kasama nya ang ex ko.
Paano kapag hindi ko magustuhan ang maririnig ko? Paano kapag may secret agenda pala sya? Pero syempre, imposible yon, puro good facts lang siguro ang malalaman ko.
"Okay. Papunta na ako dyan." Then I ended the call.
"Kuya, who was that?" Concerned na tanong ni Andrew.
"The private investigator I hired. May information na sya about Gina."
Nanlaki ang mata nila sa sinabi ko. Hindi siguro nila ineexpect na papaimbestigahan ko ang secretary ko.
Lumapit sa akin si Matthew at tinapik ang balikat ko. "I hope it's nothing but a good new, kuya."
I sighed and nodded before I left the backstage.
On my way to H.B.E, ang daming gumugulo sa utak ko. Bakit kinakabahan ako sa malalaman ko? Bakit feeling ko, dapat hindi ko nalang ituloy ito? Ano bang information yon na sobrang binabayo ng kaba ang dibdib ko?
Pinilig ko ang ulo ko at nagconcentrate magmaneho. Hindi naman siguro ganoon kasama ang malalaman ko di ba? Masyado lang siguro akong nag-aalala sa maririnig ko.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa office ko ng makasalubong ko si Nicole.
"Sir." May iniabot sya sa aking sulat. Nagtatakang kinuha ko ito.
"Pinabibigay po ni Gina." Nakayukong sabi ni Nicole.
Nagtataka ako sa ikinikilos nya.
"Thanks." Nasabi ko nalang at nilagay sa bulsa ang sulat at dumiretso sa office ko.
Nadatnan kong nakaupo sa couch ang private investigator. Then tumayo sya ng makita ako.
"Good evening, Mr. Park."
"Good evening." at naupo sa katapat nitong couch.
"What information do you have about Gina?" I asked.
I felt so nervous. Dinaig ko pa ang sobrang kape sa sobrang pagkakaba ko.
"Napag-alaman ko po na kinupkop sya ni Ms. Marian Han nang mamatay ang kanilang magulang sa isang car accident. Magkumare ang mama nila Ms. Marian at Ms. Gina. Namatay din ang kapatid ni Ms. Marian four years ago because of suicide. Parang magkapatid na ang turingan nila sa isat-isa. Napag-alam ko din po na may isang bagay na hinahanap si Ms. Gina. Isang bracelet na pagmamay-ari ni Ms. Marian." Imporma nya.
"Bracelet?" Nagtataka kong tanong.
"Opo. Ito po ang itsura ng bracelet." May pinakita sya sa aking picture.
Nanlaki ang mata ko sa nakita. Ito yong bracelet na nakita ko malapit sa condo unit ko! Hindi ako pwedeng magkamali! Ito talaga yon!
"Dalawang pares po ang bracelet na yan. Ang isa ay pagmamay-ari ni Ms. Marian at ang isa ay pagmamay-ari ni Chloe Han."
"Chloe Han?" Nagtataka kong tanong. Paanong napasok sa storya si Chloe?
Si Chloe ay kaibigan namin ni Jenny pero mas close sila ni Jenny. Si Chloe ang palagi kong nilalapitan kapag pumuporma ako kay Jenny. One day, nalaman nalang namin na nagsuicide sya. Hindi namin alam kung bakit nya yon ginawa. Mabait syang tao at matulungin. Nakakalungkot isipin na kinitil nya ang sariling buhay sa hindi malamang dahilan.
"Si Chloe Han po ay youngest sister ni Ms. Marian Han." Dagdag nya.
Magkapatid sila?! Bakit ngayon ko lang ito nalaman?! Wala kasing nakukwento si Chloe na may kapatid sya. At walang naikukwento sa akin si Marian noong kami pa.
"Si Ms. Gina ang inutusan na hanapin at kunin ang bracelet dahil masunurin ito at hindi mapapagkamalang may secret agenda."
"Alam na ba nila kung saan matatagpuan ang bracelet?" Gusto ko lang malaman if the bracelet I have is the same with Marian. Sana hindi. Dahil itong bracelet na ito ang magtuturo sa akin kung sino ang bumaril kay Jenny.
"Sa palagay ko po, hindi pa. Hindi pa po kasi bumabalik si Ms. Gina sa bahay ni Ms. Marian."
I sighed heavily. Umalis na sa office ko si Private investigator James Legaspi.
Sana mali ang naiisip ko na ang bracelet na nahanap ko ay ang pakay ni Gina sa akin. Hindi ko alam, pero hindi ako mapakali.
Umupo ako sa swivel chair. Sobrang nakakastress ang araw ko. Nang mapatingin ako sa table ko. May nakaipit na sulat sa folder ko. Kinuha ko ito at nanlaki ang mata ko sa nakita.
R-resignation letter? Dali-dali kong binuklat kung kanino ito galing.
Dala ang resignation letter, nagmamadali kong tinakbo ang parking lot at pinaharurot ang sasakyan papunta sa condo.
"Tumabi kayo!" I shouted dahil bumper to bumper ang mga sasakyan sa daan.
Gina, ano to? Anong ibig sabihin nito? Sana... Sana... Wag mong patotohanan ang kutob ko. Na… I hate it! Ayokong isipin iyon!
Pagdating ko sa condo, hinanap ko sya sa buong bahay. Pero ni anino nya ay hindi ko nakita. Nagsisimula na akong lumuha. Umupo ako sa sofa at tumingin sa sahig na kawalan.
"Gina, bakit? Bakit ka umalis? Dahil ba sa bracelet, huh? Because of that damn bracelet?!" Inis kong sabi habang lumuluha.
I've decided na magtapat sayo after our performance pero ano to? Nasaan ka? Hindi ka pwedeng mawala ulit sa paningin ko. Akala ko si Jenny na talaga ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, but I realized na mas mahal kita. Kailangan kitang makausap, Gina. Please... Tell me, anong ibig sabihin ng lahat ng ito?
Nagising ako na mugto ang mga mata. Umaga na pala. Sa couch na ako nakatulog. Hindi pa ako nagbibihis. Pupunta na sana ako sa kwarto ko nang mapadaan ako sa naging kwarto ni Gina.
"Gina..." I sadly said.
I took a deep breath bago pumunta sa kwarto ko. Hinubad ko ang vest at polo ko. Then, nang huhubarin ko na ang pantalon ko, may nakapa ako sa bulsa ko. Kinuha ko ito. Ito ang sulat na binigay sa akin ni Nicole na galing daw kay Gina. Dali-dali ko itong binuksan at binasa.
Dear Dennis,
First of all, Thank you for the days I spent with you. I'm very happy na nagkita ulit tayo at malas nga lang... sa ibang paraan. Alam kong nagtataka ka sa sinasabi ko, but I can't tell you all the things na gusto mong malaman. Mahihirapan lang tayong pareho. You know what? I kept this very special feeling for someone since elementary. I've been debating myself kung tama ba itong nararamdaman ko o dapat ko bang ituloy. I felt sorry for not telling this to him. That person, he gave me the meaning of love. That person, the very special person in my life is no other than you. Yes, it's you. Hindi ko man lang nasabi sayo how much I love you. It's really hard for me to leave you because of my mission. I really hate it but I have to. Utang na loob ko ito sa taong kumupkop sa akin. I don't know her reason why I have to do this pero sinunod ko rin sya. I'm sorry. I'm really really sorry.
Gina Jane Choi.
After kong mabasa ang sulat, napatingin ako sa kawalan at nabitawan ko ang sulat.
She... She... love me?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na mahal nya ako sa o maiinis dahil hindi nya sinabi sa akin ang lahat. Bakit hindi nya pwedeng sabihin lahat? Yung bracelet ba ang mission nya?
"Yong bracelet!" Bigla kong naalala.
Pumunta kaagad ako sa gilid ng cabinet ko. May square shaped na nakaukit doon na once I pushed it, bubukas ang pinto ng angel's clock na nasa bandang itaas lang nito.
"W-wala dito?" Surprised kong sabi nang wala ang bracelet na nakatago.
Totoo nga ang kutob ko. Ang bracelet na hawak ko at bracelet na hinahanap ni Gina ay iisa. Pero bakit si Marian ang may-ari non? Hindi kaya sya yon?
Ilang linggo na nang umalis si Gina at tinangay ang bracelet.
Naalimpungatan ako sa ringtone ng cellphone ko. May tumatawag.
"Hello." Inaantok kong sagot. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.
"Mr. Park, pasensya na po sa abala. Si SPO2 Victor Sarmiento po ito. Natagpuan na po namin ang pumatay kay Miss Jenny Ramos." Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sinabi ng pulis.