Chapter Eleven

2138 Words
GINA JANE CHOI's POV Pupungas pungas akong pumunta sa kitchen. Napuyat kasi ako sa kakaisip kay Dennis. "Good morning!" Masiglang bati ni Dennis na ikinagulat ko. Nagreready sya ng breakfast. Marunong pala syang magluto? "G-good morning." Nahihiya kong sabi. "Tara! Lets eat! Sana magustuhan mo ang niluto ko. Marunong lang kasi ako magluto for myself." "A-ah. Okay." Bacon, egg, hotdog, mixed veggies and omelette ang breakfast namin. Hindi naman sunog or hilaw ang mga luto nya, mukha pa ngang masarap eh. "Ready ka na ba sa outing mamaya?" Tanong nya habang kumakain kami. "Hindi pa eh. Hindi ko pa nareready yung mga gamit ko for the outing." Occupied kasi ang isip ko sa kanya kagabi. Di ko tuloy naisip na i-ready ang gamit ko. "Want me to help you?" Alok nya. "No. Salamat nalang." I smiled. After our breakfast, sya ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Pinipilit ko nga sya na ako nalang ang maghuhugas kasi sya na nga ang nagluto, sya pa ang maghuhugas. I-ready ko nalang daw ang gamit ko para makapunta na kami sa private beach resort nila. CASEY KIM's POV "Kuya! Yung cellphone mo, maingay." Inaantok na yugyog sa akin ni Andrew. Tumutunog ang cellphone ko. Dito sa room ko natutulog si Andrew. Malaki naman ang bahay namin at may sarili kaming kwarto. Gusto ko lang syang katabi because I missed him so much. Di ako gay for your info. Baka nga mas maganda pa ako sa ate mo. "Hmm..." Ungol ko. Tinatamad ako sagutin ang tawag. Nagulat kami ni Andrew sa malakas na pagbukas ng pinto ko. Dire-diretso syang pumunta sa tabi ko at kinuha ang cellphone ko na until now ay tumutunog pa din. Hindi ko pa kasi sinasagot ang tawag. Sinagot nya ang tawag. "Hello, Kuya." Jerome looked at me na parang naiinis. Nagkibit balikat lang ako. "He's here. Bingi kasi kaya ako nalang ang sumagot." Tinitignan ko lang sya sa mga sinasabi nya. Si Andrew bumalik na ulit sa pagtulog. "Okay, kuya. I'll tell them. See ya. Bye." Then he ended the call at tumingin sa akin ng masama. "Kuya naman eh! Alam mo namang very sensitive ako sa noise! Dapat sinagot mo kaagad. Naistorbo mo tuloy ang tulog ko." Maktol nya. "Pakialam ko ba kung sadyang maarte yang tenga mo. Anyway. Anong sabi ni Kuya at tumawag pa talaga ng madaling araw? Naistorbo tuloy ang tulog ko." Nakahiga pa rin ako at nakatayo sya sa tabi ko. "He said na may outing ang H.B.E mamaya sa private beach resort natin. Sumama daw tayo at magready. Agahan din daw natin ang pagpunta doon." Humikab sya. "Aish! Inaantok pa ako eh." "Kuya, we have to prepare na. Ineexpect ni Kuya Dennis na pumunta tayo doon dahil 50th anniversary ng H.B.E. at tradition na yon ng company." Yugyog sa akin ni Jerome. Inaantok talaga ako. "Aish! Sige na nga!" Napipilitan na bumangon ako. "Okay. Gigisingin ko na yong iba para makapagprepare na. Gisingin mo nalang ulit si Andrew, kuya." At dali-dali syang lumabas ng room ko at sinabihan ang iba. DENNIS PARK's POV Malapit na kami sa beach resort nang may marinig akong busina. Nagtataka akong tumingin sa side mirror ang kotse na nakasunod sa amin. Nang tumapat na ito sa kotse ko, ibinaba nito ang bintana and guess who? Marunong pala magdrive ang unggoy. Kidding! "Hi kuya!" Masiglang bati ni Spencer. "Where are they?!" Sigaw ko habang nakatuon ang atensyon sa daan. Tukoy ko sa ibang kapatid namin. "Nasa likod sila! Nakasunod sa atin!" Tumingin ulit ako sa side mirror. Ang dami ngang kotse na nakasunod sa amin. "Okay! Be careful sa pagddrive! See you there!" He nodded at binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng kotse. Hindi ko kasama si Gina sa kotse ko. Nandoon sya sa company van namin kasama ang co-workers. Tanghali na ng makarating kami sa beach. Sinalubong kami ng mga staff ng resort. Nagsibabaan na din ang mga employees at mga kapatid ko sa kani-kanilang sasakyan. Pumwesto ako sa gitna. "Everyone! Welcome to Elfaradise! Let's enjoy and have some fun!" Masigla kong sabi. "Yes! Woo!" Excited na sagot ng mga employees ko. Overnight kami dito sa beach. Quadruple sharing ang sistema ng mga kwarto para sa aming lahat. Since may sobrang isa sa aming magkakapatid, ako ang nagvolunteer na mag-isa sa room. Pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto para magbihis. It's swimming time! Hinihintay namin sa living room sina Marcus, Nathan, Jerome and Vincent para sabay-sabay na kaming pumunta sa dagat. Ilang minuto na kaming nag-aantay sa kanila pero hindi pa rin sila bumababa. We have twenty five rooms dito sa Elfaradise at may six floors. Sa first floor ang reception area, living room, studio room, kitchen and dining area. Second floor to sixth floor are rooms. Ang magkakasama sa isang room ay sina Marcus, Nathan, Jerome and Vincent. Spencer, Aiden, Jordan, and Matthew. Casey, Joshua, Andrew and Bryan Trevor. "Grabe! Ang yuyummy ng mga abs nila!" "Oo nga! Ano kayang feeling na mahawakan yan? Siguro ang hard!" "Abs palang nila, kinikilig na ako! Paano pa kaya kapag natikman ko na sila?" "Ay! Heaven!" Napangisi nalang ako sa mga sinabi ng mga empleyada ko. Paano ba naman kasi? Nakashorts lang kami. Topless kami except kay Matthew at... Marcus??? Papalapit na sila sa amin. Topless sila Jerome, Nathan at Vincent pero si Marcus ay nakashorts na white and black t-shirt. "Hey Marc! Naka-t-shirt ka din?! Nice!" Sabi ni Matthew at nag-apir silang dalawa. "Marcus! What's that?" Nguso ni Kibum sa umbok na tyan ni Marcus. "Oh! This?" Sabay turo naman ni Marcus sa tyan nya. "Abs to!" "Wee? Di nga? Baka baby fats." Hirit ni Aiden. "Marc, look! Itong sa amin ang tinatawag na abs. Fake yong sa'yo." Sabay pakita ni Spencer ng abs nya. "Whatever! Wala pa yan sa kalingkingan ng abs ko ang mga abs nyo. Natural abs itong sa akin and no need to work out! Mas malaki pa sa abs nyo! Tumitili ang mga girls dito no." Sabay himas nya sa tyan nya. Napailing nalang ako. "Bros, tama na yan. Let's swim na. Mamaya na kayo mag-asaran." Sumunod naman sila sa akin papunta sa dagat. Halos lahat ng employees namin ay lumalangoy na pero yung mata ko may hinahanap. Si Gina. Asan na kaya sya? Lumangoy ako sa dagat. Baka mamaya pa lalangoy si Gina. Gustong gusto ko talagang pumunta dito. Fresh air, malinis na dagat, payapa at maganda ang lugar. "Witwew! Sexy mo talaga Gi!" "Hot!" "Ang sexy talaga ni Gina. Kainggit!" "Oo nga. Look! Naka-attach na ang mga mata ng boys sa kanya." Narinig kong hiyawan at bulong bulungan ng mga employees ko na nakababad sa dagat. Nakatalikod kasi ako sa kung saan sila nakatingin ngayon. Napalingon ako. What the?! Sya ba to?! She's wearing a white two-piece swimsuit. That curves! No doubt na lahat ng mata ng boys dito ay nakatingin sa kanya. Parang dyosang naglalakad papunta sa dagat. Sinusundan ko lang sya ng tingin nang sikuhin ako ni Casey. Napatingin ako sa kanya. "You're drooling." He grinned. I wiped it pero wala naman akong napunasang laway. Tinignan ko sya ng masama. Lakas ng trip neto ha. He laughed. "Kung makikita mo lang mukha mo bro, it's hopeless." I sighed. "Ewan ko sayo bro." Ang labo din ng isang to kausap. GINA JANE CHOI's POV Nang papunta ako ng dagat kanina, hindi ko maiwasang mailang sa mga tingin at sinasabi ng mga co-workers ko pero may isang tingin na hindi ko maiwasang kiligin at mapangiti. Si Dennis. The truth is hindi ko sya inaakit. Mapipigilan nyo ba akong magsuot ng swimsuit? Alangan namang mag-gown ako. Lumabas ako sa kwarto. Magpapahangin lang ako. Dahil gabi na, I cant resist na tumingin sa langit. Ang ganda. Relaxing kapag titignan mo sa gabi ang mga stars. Umupo ako sa white sand. Napapikit ako. Ang sarap ng simoy ng hangin. Nakakaantok. When I opened my eyes, may lalaking nakatayo sa harap ko. Napakunot ako ng noo dahil hindi ko maaninag kung sino sya. Bigla syang lumuhod at tinakpan ng panyo ang ilong at bibig ko. Nagpupumiglas ako pero malakas sya. Sino ba to?! Nagpapanic na ako. Hanggang sa may naamoy akong nagpahilo sa akin and in just a snapped, nagdilim na ang paningin ko. DENNIS PARK's POV Biglang nag-ring ang phone ko. Si Manager Prince. "Wait lang mga bro. Si Manager Prince, tumatawag. Lalabas lang ako." Paalam ko sa kanila. Tinuloy nila ang tawanan at kwentuhan. Lumabas ako ng building para sagutin ang tawag. "Hello Manager Prince." "Napatawag ako dahil sa comeback nyo tomorrow. Ready na ba kayo?" Sagot nya mula sa kabilang linya. Ay! Oo nga pala! Comeback namin bukas! Nakalimutan ko. Kailangan pala namin magpractice. "A-ah. H-hindi pa po eh. Nandito po kami ngayon sa private reasort namin dahil anniversary ng company." Rason ko. "Tsk! Tsk! Dennis, magpractice kayo. Bukas na ang comeback nyo. Maraming fans nyo ang naghihintay sa comback nyo." I heard him sighed. "I understand, Manager Prince." "Okay. See you tomorrow. Ingat kayo ng mga kapatid mo." Then he ended the call. I sighed. Comeback namin tomorrow. Dapat magpractice kami para iwas mistake sa dance performance. We are a boygroup named Hallyu Brothers with 13 members. Kaya kailangan namin magpractice everyday para synchronized ang bawat dance steps namin. Pabalik na sana ako sa loob ng makita ko si Jestoni na buhat si Gina. Biglang binayo ng kaba ang dibdib ko. Tumakbo ako palapit sa kanya. "Jestoni, what happened to Gina?" I worriedly asked. "P-po? A-ah. W-wala naman po. Natutulog lang sya kaya dadalhin ko na po sa kwarto nya." Utal na sagot ni Jestoni. Tinignan ko si Gina. Mukha ngang tulog na tulog. "Ah. Okay. Dalhin mo na sya sa room nila." "O-okay, sir." Dali-dali na syang pumasok sa loob ng resort. Bubuksan ko na sana ang pinto ng studio room sa resort kung saan naririnig kong tumatawa ang mga kapatid ko nang maalala ko ang itsura ni Gina. Tulog na tulog sya. Parang hindi nya nasesense ang nasa paligid nya. Ano ba itong nangyayari sa akin? Binabayo na naman ng kaba ang dibdib ko. Kinutuban ako na baka may masamang mangyari sa kanya sa kamay sa Jestoni. GINA JANE CHOI's POV "Hmm..." Ungol ko. Feeling ko may nakadagan sa ibabaw ko at gumagalaw. Maya maya, naramdaman ko nalang na may humahalik sa leeg at hinihimas ang legs ko. Napamulat ako. "Lumayo ka sa akin!" I shouted at tinulak sya ng buong lakas. Nahulog sya sa sahig. Umupo kaagad ako. Nang mag-angat sya ng mukha. Nanlaki ang mata ko. "J-jestoni? Anong ginagawa mo dito?" Ngumisi sya na parang aso. Lumapit sa akin at hinawakan ako sa pisngi. Tinabig ko yon. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero bakit ko sya kasama sa isang kwarto? Kinabahan ako. "Alam mo Gina, you're beautiful, innocent and damn sexy. Kaya lahat ng lalaki sa H.B.E ay hindi maiwasang pagpantasyahan ka. Kung alam mo lang kung gaano kami ka-attracted sayo. Kaya uunahan ko na sila sa pagpapantasya sayo!" Hinawakan nya ako sa magkabilang kamay ko, dinaganan nya ako para maihiga at pinaghahalikan ang mukha, labi at leeg ko. "Bitiwan mo ako Jestoni! Please! Bitiwan ko mo! Itigil mo to!" Pagwawala ko. Kahit anong pagpupumiglas ko, hindi ko sya kaya. Malakas sya. God! Please! Tulungan nyo ako! Napapikit nalang ako. Sana naman may tumulong sa akin. I thought Jestoni is a good friend pero nagkamali ako. Binababoy nya ako sa ginagawa nya sa akin! Pakitang tao lang pala ang pagiging gentleman at mabait nya sa akin. "Are you alright, Gina?" I slowly opened my eyes. It's Dennis! Wala na sa ibabaw ko si Jestoni. Sa sobrang relieved na makita ko sya, niyakap ko sya. Napaiyak ako. "Sshh. I'm here. Don't cry. Sshh." Sabi nya habang hinahagod ang likod ko. Sa takot ko kanina, akala ko walang ng magliligtas sa akin. Pero heto, nandito sya, yakap ako. Nakakagaan ng loob. Bumitaw sya sa yakap at nakita kong tumatayo mula sa sahig si Jestoni. Putok ang labi nito. "You're fired! Umalis ka na dito!" Sigaw ni Dennis. Nagulat si Jestoni sa sinabi ni Dennis. Napayuko nalang ito. "Sorry, Gina." At umalis na ito. "Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Okay ka lang?" Sunod-sunod na tanong ni Dennis. Halatang concern sya sa akin. I nodded. I'm very thankful na nailigtas nya ako. Kung hindi dahil sa kanya, na-r**e na ako ni Jestoni. Buti nalang nandito sya. Gumaan ang pakiramdam ko dahil ang taong mahal ko ang nagligtas sa akin kaya mas lalong mahihirapan akong pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Bukas na ang last day ko sa mission and I have to find it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD