Prologue
Prologue
I woke up in the middle of the night. Naghahanap ang katawan ko ng pagtakbo kaya mabilis akong bumangon. My phone says that it’s currently twelve midnight but I don’t care. Mabilis akong nagsuot ng jacket at lumabas.
Pinasok ko ang gubat sa likod ng bahay. I jogged, at ang ilaw na inaasahan ko ay ang liwanag na nagmumula sa buwan. Full moon.
I could hear the sounds of wild animals but I continue running. Nagpatuloy ako sa pagtakbo para makondisyon ang katawan ko sa laro bukas. I need this. I need to jog to fully ready myself for the game tomorrow.
Matapos ang halos isang oras na pagtakbo ay hingal na hingal akong tumigil at napahawak sa mga tuhod ko. I got carried away. Ngayon lang ako nakarating sa parteng ito ng gubat.
Mas lalong lumakas ang alulong ng mga hayop. Wala sa sariling napatinghala ako sa bilog na bilog na buwan. It’s shining so bright that it hurts my eyes. Inalis ko ang mga mata ko sa buwan at nagbabalak nang umalis pero mas lumakas ang alulong ng malaking hayop.
Kanina akala ko pusang ligaw lang pero iba na ito ngayon. The sound is too powerful and loud. Ang sakit-sakit sa tainga. Parang nagwawalang lobo. But that’s impossible because there are no wolves in Hyndos Valle.
My curiosity went bigger. Nag-umpisa akong maglakad para hanapin ang tunog na iyon. That is just a wild cat. That is something bigger. More dangerous.
Tinahak ko ang masukal na kagubatan.
“F*ck,” I cursed when I stepped on a slippery mud.
Nadulas ako sa bangin kaya inis akong kumuha ng suporta sa mga sanga para makatayo ng maayos. But I stopped moving when I heard that dangerous sound again. Mas lalong lumalakas na parang papalapit nang papalapit sa akin.
Nagpalinga-linga ako. Hindi ko makita ng maayos dahil natatakpan ng mga sanga ng puno ang sikat ng buwan. Inis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. I was about to open the flashlight but I heard something fell.
Malakas ang tunog ng pagkahulog.
“F*ck!”
I turned the flashlight on and I ran again. I need to get out of here.
After a few seconds I stopped from running when I heard something. Naputol ang mga sanga ng puno at natumba ang isa sa malapit sa akin. Naiwasan ko ang puno pero nadulas ako at nagpagulong-gulong pababa sa bangin.
“F*ck it!”
I lost my phone. I couldn’t see anything. At ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng matulis na sanga sa likod ko. I regret running during midnight.
Pinilit kong tumayo pero sa sobrang hina ng katawan ko ay hindi ko kinaya. Gumapang ako patungo sa malapit na bato para kumapit. Pero muli kong narinig ang alulong. At sa pagtingin ko sa itaas ng malaking bato ay malinaw sa mga mata ko ang nakatayong hayop na puno ng balahibo. His eyes were gold and they scream danger.
Tumatama ang sinag ng buwan at kitang-kita ko ang malalaking pangil. Katawan ng tao ngunit parang hayop sa kapal ng balahibo.
I didn’t move. I stayed silent. Nasa akin ang mga mata nito at ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa likuran ko dahil sa sugat na nakuha ko sa sanga ng kahoy.
It is not a human. Evil.
The animal howled and before I could run it jumped on me and I got bitten.
That was what I remembered. Nagising lang akong nakabulagta sa gitna ng gubat na sira-sira ang damit. Walang bakas ng sugat. Pawis at dahon na nagdikit sa katawan ko lang ang natatandaan ko.
But I was sure that I encountered an evil. And that evil changed me. It changed my life a lot. The sudden strength. My senses changed. At ang kakaiba sa loob ko ay mas lalong kumalat na sa tuwing kabilugan ng buwan ay hindi ko alam ang mga nagagawa ko.
That evil turned me. I became an animal. I became a monster. And I loathed myself.