Chapter 19 Nagpatuloy kami sa paglalakad at mas lalo nang dumilim. Ang sinusundan lang namin sa direksyon ay si Ize dahil siya ang nagtanong-tanong tungkol dito. Hindi namin sigurado kung tama itong tinatahak namin pero ang sabi ay sa bundok raw. “Are you sure about this, Ize?” hindi na napigilang itanong ni Fate. “Hindi namin kayo pinilit na sumama dito,” inis na sabi ni Ize. “Of course, I want to help! I still care about Greg! At sabi ko sa inyo na may alam ako sa werewolves!” sabi ni Fate kaya bahagya ko siyang nilingon at nakita niya iyon kaya bahagya siyang napairap. “The guy, I mean the other werewolf, said that if I get killed, Greg will lose half of his strength. Do you know something about that?” mahina kong tanong na siyang ikinakunot ng noo niya? “What? Why you? I haven’t

