Chapter 8 “Werewolf,” mahinang bulong ko at doon siya lumayo sa akin. Tiningnan ko siya habang nanlalaki ang mga mata ko at may mga pumasok na sa isipan ko. “I am dangerous. You’re right. You need to stay away from me,” sabi niya saka dali-dali siyang pumasok sa kotse niya habang naiwan akong nakatunganga at hindi makagalaw sa labas. I watched his car leave and after that I decided to go home. Nang makarating ako sa bahay ay doon lang ako nag-text kay Ywa na may importante akong gagawin kaya umuwi ako kaagad. “Elle, we heard that you’ll have a party at your school tomorrow. Do you have a dress to wear?” tanong ni Mommy nang makita niya akong pumasok. “May mga hindi pa naman ako nasusuot na dress. Saka gabi rin naman,” sabi ko saka tumango naman ni Mommy kaya dumiretso ako na umakyat

