"Mateo ayos ka lang?" Lumabas na kami sa kanilang mansyon at ngayon lang ako nakapagsalita dahil nabigla talaga ako sa sinabi niya kila Kriselda. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Mukha naman siyang ayos. "Oo naman. Baliw ka," natatawang sambit niya. Baliw siya! Grabe ang sunget niya kanina kila Anastasha ha. Pero hindi ko talaga maitatangging natuwa ako sa ginawa niya. "Bat bigla mong nasabi iyon kila Kriselda? Nabigla ako," "Nakakainis sila eh. Nakita ko kung paano ka nila tignan, basta, 'wag nalang nating pag-usapan. Mabuti pa, magsaya nalang tayo. Tara!" Hinawakan niya ang kamay ko at mas binilisan ang lakad. Mukhang tuwang-tuwa siya sa naiisip niyang gawin namin ngayon. "Teka, sa'n tayo pupunta?" Hinayaan ko lang siyang hatakin ako. "Basta sumunod ka nalang." Lalo pa akong n

