"Ano nga pala yung sinasabi mo kanina tungkol kila Kriselda?" tanong ni Mateo. Naglalakad na kami ngayon pauwi. Nang matapos ang napakasayang ginawa namin kanina ay saglit lang kaming nahiga sa damuhan upang magpahinga. Nakita namin na palubog na ang araw kaya inaya niya na akong ihatid sa amin. "Oo nga pala, hindi lang ako makapaniwala sa sinabi niya kanina." Grabe iyon. Napaisip nanaman tuloy ako kung bakit sobrang interesado ni Kriselda sa Cayetana at naalala ko nanaman bigla ang nasabing sumpa. Ayoko mang isipin pero hindi maalis-alis sa isip ko na tatlong araw nalang ay kaarawan ko na. Umaasa pa rin ako na walang katotohanan ang sumpa. "Nagkita kayo kanina?" Hindi ko nga pala nabanggit sa kanya. Huminga ako nang malalim at tumango. "Oo at doon niya sinabi sa akin na kailanma'

