Nakaupo ako sa kama habang tinitignan ko ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay tulog pa. Kung ano-ano lang ang napag-usapan namin kagabi hanggang sa dapuan kami ng antok. Suminghap ako bago bumangon. Sinisipag akong maghanda ng agahan ngayon. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tatlong itlog. Bubuksan ko na sana ang gasul nang marinig ko ang isang mahinang katok. Sino namang kakatok ng ganto kaaga? Minabuti ko na silipin kung sino man iyon. "Mateo?" Nagulat ako nang makita si Mateo sa labas ng aming pinto. "Magandang umaga Belle." Malawak ang kanyang napakatamis na ngiti. Parang kahapon lang ay ubod siya ng tamlay, ano ba talagang nangyayari sa lalakeng ito? At isa pa, tama ba ang aking narinig? Tinawag niya ulit akong Belle. Belle? "Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko alam kung nai

