"Isabella, sa'n ka ba galing?" Nagulat ako nang makita sila Kriselda at Anastasha na nakaupo sa upuan sa labas ng aming bahay. Ang aga naman nila. Pasimple akong tumalikod upang tignan kung tanaw mula rito si Mateo. Hindi ko maitatangging medyo kumabog ang aking dibdib nang marinig ang tanong ni Anastasha kanina. "Ah, ano.. kasi inutusan pa ko ni ina. May pinadala siya kay tiya Imelda." Mabuti na lang at nakaisip ako ng palusot. Tama nga ang desisyon ko na hindi na magpahatid kay Mateo hanggang bahay. Nag usap-usap kami nila Kriselda na dito sila matutulog sa amin tutal umalis ang aking pamilya rito. Nagpunta si amain at ina kasama si Kristina sa pamilya ng aking amain. Inaya pa akong sumama ni ina pero pilit akong tumanggi. Hindi ko talaga kayang harapin ang pamilya ng taong bumababoy

