Magkatabi kami ngayon ni Mateo na nakaupo sa kama. Nang makapasok siya ay 'di rin agad siya nagsalita. Kanina pa kami nakaupo rito pero wala pa ring lumalabas na salita mula sa aming mga bibig. "Isabella, bakit? Bakit nais mong tapusin ang iyong buhay?" Hindi pa rin ako makatingin sa kanya, pero ramdam ko ang mga tingin niya sa gilid ng aking mga mata. Napakagat ako sa labi habang pinipigilan ang muling pagluha. Hindi ako makakibo sapagkat hindi ko mahanap ang mga tamang salita. "Dahil ba sa akin? Dahil ba sa nagawa ko kagabi?" Sa pagkakataong iyon, dahan-dahan akong napatingin sa kanya at siya naman ngayon ang nakayuko. "Pinagsisisihan mo bang nangyari iyon?" Hindi ko maintindihan bakit iyon ang mga tanong na lumabas sa aking bibig. "Pinagsisisihan mo ba?" Napayuko nalang ulit ako

