"Ina, mauna na po ako," paalam ko kay ina bago humalik sa kanya. Plano ko kasing sumali sa sayaw na gaganapin sa araw ng mga puso. Ngayon ang araw ng pagpili nila ng mga makakabilang sa patimpalak. "Mag-iingat ka anak ha, galingan mo." Alam kong kaarawan ko iyon at ito na lamang ang naisip kong libangan. Kaysa magmukmok ako ay sasali na lamang ako. Sana nga ay makapasa ako sa pagpili. Pareho kami ni Kriselda na mahilig magsayaw kaya't kasama ko siya mamaya. Naglalakad na ako papunta sa napag-usapan naming tagpuan. Medyo nakalayo layo na rin ako sa aming tahanan. "Isabella." Napahinto ako nang may kumapit sa aking pulso malapit sa kamay. Napalingon ako nang may kunot ang noo. Lalo pang kumunot ang aking noo nang hindi ko makilala ang taong ito. Nakasuot siya ng itim na damit na

