"Ayon po kay Ma'am Kriselda ay hintayin niyo na lang daw po siya sa hardin at maliligo pa raw po siya." Tinanguan ko na lamang ang kanilang katulong. Bago ako nagpaalam kahapon kay Kriselda ay pinakiusapan niya ako na pumunta dito dahil gusto niyang maglibang. Naiintindihan ko naman siya sapagkat alam ko ang lungkot na kanyang nadarama dahil hindi siya napasama sa mga napili. Naglakad ako nang nakayuko papuntang hardin habang hinihiling sa aking isipan na sana wala siya rito ngayon. Nahihiya akong humarap sa kanya pagkatapos ng nangyari kagabi. "Isabella." Eto na nga ba ang aking iniisip. Kanina pang pagkagising ko ay parang ayaw ko na pumunta dito ngunit nangako ako kay Kriselda na pupunta ako. Nakatayo ako sa harap ng mga bulaklak habang tinitigan ang mga ito. Dama ko ang pagwasiw

