Chapter 1
Chapter 1
JIRON ALEXUS, matunog na pangalan sa Alexus University in Manila. Physical Education professor sa sarili niyang company. Nag-iisang anak at tagapagmana ng late billionaire businessman na si Jordan Alexus. Ginawang tahanan at tambayan ang seven star hotel and resort na kabilang sa properties niya. Siya rin ang namamahala.
Walang nakapagpipigil sa kaniya sa ano mang gusto niyang mangyari sa buhay. Matinik sa babae at ayaw niya sa pakimi. He was born wild and possessive. Babae ang kalihayahan niya.
Hindi nga rin naman mahindian ng mga babaeng natitipuhan niya. He has a lusty looks kung bansagan ng mga estudyante at staff niya sa hotel. Ngunit hindi siya basta-basta na lamang nanghihila ng babae sa tabi-tabi.
May taste pa rin siya at hindi puwedeng kung sino-sino na lang. Kung hindi modelo ay yaong maipagmamalaki niya.
But, he has his own rule, bawal ang sino mang mahulog o umibig sa kaniya. She can even got a woman in just one night stand. Pagkatapos ay wala na. Hindi siya naniniwala sa karma. He is the boss, and always a boss.
Part-time teacher siya sa sarili niyang unibersidad. Iyon ang pinaka-gym niya. Hinubog niyon ang magandang pangangatawan niya. Bulag na ang babaeng hindi makapapansin sa nagbubukulan niyang mga muskulo. He stand at six feet and five inches.
Hindi siya pumapatos ng mga minor. May iniingatan pa rin siyang reputasyon sa profession niya. At his twenty six of age, parang hindi lang siya nagkalayo sa mga bagitong mag-aaral. Akalaing isa rin siya sa nag-aaral doon. Hinahangaan siya ng ilang mga guro at mag-aaral na babae.
Minsan na siyang nais tuksuhin ng kapuwa niya guro ngunit hindi niya hinayaang mangyari. Mabilis lang kumalat ang balita sa university.
"Sir Alexus, may naghahanap po sa inyo sa labas ng faculty. Staff mo raw po sa Alexus Hotel," abiso sa kaniya ng kararating na kapuwa niya guro.
Natigilan siya sa pagsusulat sa whiteboard. Tahimik ang nasa bente niyang estudyante. Pilyo man siya pero kinatatakutan siya sa klase lalo na kung nagtuturo na siya.
"Sige, susunod ako. Thank you," tipid lang niyang tugon.
Iniwanan muna niya ng gagawin ang mga estudyante niya, saka niya iniwanan sandali. Tinungo niya ang naghahanap sa kaniya.
"Pambihira, Kate. Maraming telepono sa hotel, may personal phone ka naman, bakit hindi ka na lang tumawag? Tingnan mo ang sarili mo, haggard na at pawis na pawis ka. Huwag mong sabihin na nag-jeep ka lang papunta rito." Binungaran na niya ng sermon ang staff niya na nagtatrabaho sa spa and massage department ng hotel.
Napalinga-linga muna sa paligid ang dalaga bago siya tinitigan sa mga mata. Isang buwan pa lang ito sa hotel niya. Kahit pumikit pa siya ay hindi niya maikakaila ang perpektong hubog ng katawan nito. Lumitaw ang makikinis at maputing binti nito.
"Sir naman. Nagsawa na nga po ang telepono sa kaangat-baba ko. Pagod na rin sa kahihimas ko ang screen ng cellphone ko, hindi n'yo naman po sinasagot mga tawag ko," mahinhing pakli nito.
Napadukot pa siya sa bulsa ng jogging pants niya. Napangising umiling-uling lang siya nang malamang naka-silent ang phone niya. Hindi lang sampung missed call ang natanggap niya.
Kate is nothing to him. Pero kakaiba ang aura nito sa kaniya. Titig pa lang nito ay nabubuhay na ang dugo niya. Nirerespeto siya nito as a boss. Ngunit nadulas na siya noong minsang nagpa-massage siya rito two days ago.
"Bakit ka nga pala pumarito?" tanong niya.
Pasimpleng napakagat siya sa ibabang labi nang ma-hook ang tingin niya sa malulusog na guhit sa gitna ng dibdib nito. Hindi man katulad niya na pinalad sa buhay ang dalaga ngunit mayaman ito sa dibdib at pang-upo.
"Iyon pong napag-usapan natin noong isang araw, sir. Day-off ko po kasi bukas," banggit nito.
"Oh, I see." Bahagya siyang lumapit upang ibulong ang nais niyang sabihin. "Meet me in the penthouse right after my class. Siguradong kailangan ko ng pampa-relax. Please, prepare me a tub of jasmine. Dapat warm ang tubig," hiling niya.
Ngumiting tumango naman ang dalaga. Gustong-gusto kasi niyang nagbababad sa warm water na may bulaklak ng jasmin. Iyon kasi ang pabotirong bulaklak ng mommy niya. Nasa Cebu ang mommy niya para pamahalaan ang hotel braches nila roon.
Hindi nagtagal ay nagpaalam si Kate sa kaniya. Napalingon siya nang marinig na may paparating buhat sa likuran niya. Tumikas ang pagtayo niya at kumilos na parang hindi niya nakausap si Kate. Napako kasi roon ang paningin niya lalo na sa mala-modelong paglalakad ng dalaga.
"Napakaganda ng bisita mo, sir. Bakit hindi ka pa kasi mag-asawa? Sila na ang lumalapit sa iyo. Bakit naman nila aayawan ang mistisong kagaya mo. Kung babae lang ako, baka nagkagusto na ko sa iyo," anang tagalinis sa gusali.
"Manong Tonyo, wala pa po iyan sa isip ko. Maaga akong iniwanan ng daddy ko ng mga responsibilidad. Dapat nga magtuturo lang ako, hindi magpapatakbo ng negosyo," aniya.
Mabait siya sa mga empleyado niya. Pamilya ang turing niya kaya minamahal siya ng mga ito. Kung may bisyo man siya, marahil ay ang kahinaan niya sa mga babae. Isa si Tonyo sa nakakaalam ng mga kalokokan niya kahit noong nag-aaral pa lamang siya sa kolehiyo.
"Pero, sir, ingat-ingat din po sa pagchi-chicks. Baka balikan ka ng ganti," nakangiting babala nito.
"Naku, Mang Tonyo. Nagpapaniwala pa rin kayo sa ganiyan? Lumang kasabihan na iyan. Hindi magkatotoo iyan," giit niya.
"Mahirap po minsan ang magsabi nang patapos, sir. Ang sa akin lang naman ay nagpapaalala lang. Sige, sir, balikan ko muna ang trabaho ko."
Nagpaalam ito sa kaniya. Kibit-balikat naman siya na bumalik sa PE room. Hindi nagtagal ang klase niya roon.
"Okay, class, on next Saturday magdala kayo ng uniform for our karate sparing. Remember all the technique na itinuro ko. Aasahan ko ang partisipasyon ninyo," bilin niya sa mga estudyante niya.
Wala namang tumutol sa mga estudyante.
Compulsory ang pagkuha ng subject sa kaniya lalo na at mga Criminology students ang mga ito.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase niya ay nagpaalam siya sa mga staff. Hindi na siya makapaghintay na magbabad sa warm water.
Sakay ng kaniyang black cosmo sports car ay pinaharurot niya upang makarating kaagad sa hotel. Ayaw niyang makipagsabayan sa rush hour kaya maaga niyang tinatapos ang klase. Matrapik na kasi kapag hinintay pa niya ang uwian. Isa sa sports niya ang car racing, mabilis lang niyang nararating mula Manila to Bulacan.
Kung kailan malapit na siya sa entrance gate ay saka pa may tumawid sa daraanan niya. Mabilis niyang naipreno dahil mabilis ang pagpatakbo niya. Inis na napalo niya ang manibela. Dala na rin ng kaba niya dahil muntik na siyang makadisgrasya. Ngunit nang mapansin na hindi umalis ang muntik na niyang masagasaan ay kunot-noong napalabas siya ng sasakyan.
"What the he..." Hindi na niya natuloy na sermon sana niya rito.
Napatunganga siya sa napakaaliwalas na mukha ng babae. Batambata lang itong tingnan sa bente-singko anyos na si Kate. Mala-labanos ang kutis nito. Napakainosente ng mukha ng babae. Hindi niya maunawaan ang biglang pagbilis sa t***k ng dibdib niya.
Hinimay na niya ng tingin ang manipis at mala-pusong mga labi nito. Naalala niya ang mukha ng magagandang barbie doll na collection ng mommy niya. Tila kahawig nito ang isa roon. Hindi siya makapaniwalang may ganoon siyang makikita sa harapan niya. Biglang nalusaw ang init ng ulo niya rito.
"Pasensiya na, bigla akong tumawid. Akala ko kasi walang sasakyan. Sige, aalis na ako," anito.
Aminado naman siyang mabilis talaga ang pagpatakbo niya. Lalong may humaplos sa puso niya nang marinig ang malumanay na boses nito. Hindi niya tipo ang pananamit nito. Nakamahabang saya na halos hindi niya makita ang mga paa nito. Naka-long-sleeve sa pang-itaas at hanggang leeg ang natatakpan. Pero sa hubog pa lang ng pangangatawan nito ay mapapansin na ang magandang hugis. Higit pa yata ito sa mga babaeng nakasalamuha na niya.
"S-Sandali! A-Anong pangalan mo?" Nauutal pa siyang hinabol ito.
Hindi ito lumingon ngunit huminto.
"Micaya," tugon lang nito at saka umalis.
Napansin niyang papasok ito sa malaking gate kung saan din siya papasok. Hindi na niya sinudan nang mapansin na may sumalubong na lalaki at hinawakan ito sa kamay. Tila malaking kabiguan iyon sa pakiramdam niya.
"Bakit ko ba siya pag-aaksayahan ng panahong isipin?" Saway na lamang niya sa sarili.
Bumalik siya sa loob ng sasakyan at inusad papasok. Sa parking space na siya ng basement dumaan. Hindi siya nagpapakita sa mga guest o staff niya kapag dumarating. Guwardiya lamang ang nakakaalam.
Sinarili na lamang niya ang hindi malimutang babae na biglang gumulo sa sistema niya. Isip-isip niya iyon hanggang sa ihinto siya ng elevator sa penthouse kung saan siya nananatili. Pagpasok niya sa maluwang na living room niyon ay namataan niya si Kate na nakaupo sa mahabang sofa habang nagtitipa ng cellphone nito.
"How's your day, sir?" nakangiting bungad sa kaniya nito.
Tipid na ngumiti siya. Binigyan niya ito ng pahintulot na makapasok sa tirahan niya. Sa gabing iyon lamang.
Si Kate ang anak ng kongressman at mutya ng Bulacan. Pinili nitong gamitin ang pagiging massage therapist, sa hotel niya nagsseserbisyo. Isa na siya sa client nito.
Nilapitan siya nito. Ito na ang kumuha ng back pack na sukbit niya sa balikat. Inilapag nito sa sofa.
"Nakahanda na ang warm water mo sa tub, sir. Nagkalat na rin ang Jasmine flowers doon. Can I help you?" malumanay na presenta nito kung nais ba niyang ito na ang magtanggal ng suot niya.
"It's okay, ako na. Wait for me there." Pinauna niya ito sa kuwarto niya.
Ngunit hindi muna ito umalis.
"I badly needed, sir. Malapit na kasi ang flight ko papuntang Canada. Hindi ako papayagan ni dad na umalis kaya hindi niya ako sinusuportahan sa financial needs ko. Si Mommy naman, walang pakialam. Busy kung saan ang lakad ng mga amega niya. I did it for my own success," anito.
Naintindihan niya ito. Hindi naman mahirap para sa kaniya ang hinihiling nito.
"Iiwanan mo na ang hotel ko? Akala ko ba'y masaya ka na rito?"
"Sad to say pero, yes sir. Masaya naman talaga ako rito, sir. Kaso habang nakakasama kita, parang hindi ko kayang santuhin ang mga rules mo. Pasensiya na pero alam mo naman na gustong-gusto kita, sir. Sinong tatanggi sa mapusok mong mga halik? Hindi ako makahuma sa maninipis mong mga labi, ini-imagine ko bago ako matulog. Wala nga lang akong puwang sa puso mo."
"Alam mo ang rules ko, Kate. Once you fail me, masasayang ang effort mo, wala kang mapapala," banta niya rito.
"Alam ko iyon. Sabi ko naman, sir, trust me. Nahawakan na ako ng iba pero never kong isinuko ang puri ko."
"Then? Bakit sa akin, hindi ka magsisisi na ako ang makauna?"
Buong loob na umiling ito.
Hindi na siya umimik, umalis ito.
Ni hindi man lang niya pinansin ang manipis na bistida ng dalaga. Wala sa kalooban niya na sulyapan ang kahubugan ng katawan nito. Hindi niya maiwaglit sa isip ang babaeng nakita niya sa gate.
Nang maalala na pumasok sa premises ng kompanya niya ay tumungo kaagad siya sa kinaroroonan ng telepono. Kinontak niya ang information desk. Kaagad niyang tinanong kung may naka-check-in bang guest, sinabi niya ang pangalan.
"Sorry, Sir Jiron, but we have no guest named Micaya. We almost fully-booked, but nothing in the list as I checked in our system," tugon ng nakasagot sa information department.
Bigla siyang nalungkot sa nalaman. Hindi na siya nagtanong pa. Hindi man ang katulad ni Mica ang tipo ng babaeng gusto niya, ngunit hindi niya mapigilan ang sarili kung bakit patuloy pa rin niyang iniisip. Pati ang lalaking humila kay Mica ay gumulo rin sa matinong sistema niya.
Lihim siyang naging interesado na malaman kung ano ang ugnayan ng dalawa. Pansamantala niyang isinantabi ang iisiping iyon nang maalala si Kate.