Chapter 3

2025 Words
ISINAMA ni Jiron si Aser sa labas pagkatapos ng maghapon niyang trabaho sa opisina. Nalaman niya na siya lamang ang nakakakita rito. Ayaw niyang may makakita na magmukhang tanga siya na nagsasalitang mag-isa. Isinama niya ito sa biyahe papuntang university. Nakalimutan niya ang isang cellphone niya sa PE room. Ginagamit niya iyon sa mga personal contacts. "Ano ba kasi ang tinutukoy mong karma na iyan? Kahit kailan ay hindi ako naniniwala sa mga ganiyan," aniya habang nagmamaneho. Nasa passenger seat ito, sa tabi niya. "Kung maalala mo, nagbayad ka ng babae kahit napakamahal ng halaga, makapili ka lang ng inosente. Hindi mo na namamalayan na isa sa mga nakasalo mo ay nagsasanla ng kaluluwa upang gantihan ka. Pagkatapos ay parang wala lang sa iyo ang lahat. Hindi mo na matukoy kung sino sa kanila ang nasaktan mo." "Pambihira iyan. Lahat naman sila lumigaya. Bakit pa sasama ang loob nila? Alam naman nila ang mga kondisyon ko." "Tama ka. Pero hindi lahat nakakaunawa. Kaya nga dapat itigil mo na ang kahibangan mo sa mga babae. Hindi sila mga laruan." Umiling-iling siya. "Hindi mo talaga nauunawaan. Lahat ng mga napaligaya ko, ginusto nila iyon. Pakonsuwelo ko na nga ang pagbibigay ng pera sa kanila. Nagtatapos naman lahat sa magandang usapan. Ano pa ba ang dapat kong alalahanin doon?" Hindi na sila natapos ni Aser sa kakaargumento tungkol sa pagiging mahilig niya sa babae hanggang sa makarating sa university. Sumusunod lang ito sa kaniya. "Talaga bang susundan mo ako sa lahat ng pupuntahan ko? Huwag mong sabihing pati sa pagtulog ko o sa banyo ay sasamahan mo pa ako? Manonood ka rin ba kapag may ginagawa kami ng makakapares ko?" pakli niya rito. "Hindi naman ako magtatagal eh. Pero nasa paligid mo lang ako. Huwag kang mag-alala, hindi kita pakikialaman kung nagpapaligaya ka. Ipapaalala ko lang sa iyo na ano mang oras ay darating ang hindi mo inaasahang ganti sa mga ginagawa mo. Alam mo naman kung tama o mali ang ginagawa mo." Nagpatuloy sila sa PE room. Hinanap niya roon ang cellphone. Mabuti na lamang at walang nakapansin na inilapag niya iyon sa ibabaw ng desk niya. "Sa dami ng ginagamit kong cellphone, nalilito na ako. Ano na nga ba itong usapan natin?" "Karma." "Paano ko malalaman na kinakarma na ako?" "Hindi ako tiyak kung ano ang darating sa iyo. Pero isa lang ang masasabi ko, paghandaan mo ang lahat. Kapag kailangang-kailangan mo ng tulong ko, tawagin mo lang ang pangalan ko. Iyong sinasabi kong sekretarya, malaki ang magagawa niya para magbago ang buhay mo. Tanggapin mo siya sa kompaniya mo," ani ni Aser. "Paano mo nalaman ang tungkol sa paghahanap ko ng sekretarya?" "Hindi ka na dapat magtaka. Tratuhin mo lang nang maayos at huwag mong itulad sa mga nauna mong secretary." Pabalik na sila sa sasakyan. "Ako pa talaga ang magpakumbaba sa empleyado ko?" Tinatahak na nila ang kahabaan ng daan. "Hindi naman masama iyon. Paggalang mo na rin sa babae. Hindi malayong maaapektuhan ang negosyo mo at ang personal mong buhay." "Hindi na magandang banta iyan, Aser. Kung nagpakita ka lang sa akin para sirain ang buhay ko, umalis ka na lang. Nanahimik ang mundo ko eh," bahagyang nainis na wika niya. Binilisan niya ang pagpatakbo ng sasakyan. Nayayamot siya sa mga sinasabi nito. Ayaw niyang maniwala pero parang inuusig pa siya nito. Sa gigil niya ay halos mag-overtake na siya sa mga sasakyang nasa unahan. Hanggang sa mawalan siya ng kontrol. Hindi kumagat ang preno. Umikis-ikis sila sa daan hanggang sa igiya niya sa gilid. "Magpapakamatay ka ba?" tanong nito, kapit na kapit dahil naalog sa sasakyan. Kung saan-saan na sila dinala ng mga gulong. Iniiwasan lamang niya ang mga punongkahoy na mababangga nila. Huminto lang sila nang bumangga sa malaking puno ng kahoy. Nayupi ang harapan ng sasakyan niya. Dismayadong lumabas siya para tingnan ang nangyari sa kotse niya. Napakamot siya sa sariling ulo at umiling-uling. "Ibang kamalasan talaga ang dala mo sa akin eh." Sinisi pa niya si Aser. Hindi ito nakinig sa kaniya dahil may iba itong pinakikinggan. "May paparating sa atin," anito. Binaliwala niya ang sinabi nito. Mahalaga sa kaniya ang pag-usisa sa sasakyan. Sinilip niya kung gaano kalala ang sira sa harapan. "Jiron, sa likod mo!" biglang sigaw ni Aser. Hindi na niya napaghandaan ang pagsugod ng malaking aso sa kaniya. Lumaban man siya ngunit mas maraming kalmot ang natamo niya. Napasigaw siya nang makagat nito ang braso niya. Bumalik sa dating anyo si Aser upang labanan at itaboy ang mabangis na aso. Pagkuwa'y naging kaanyo ulit niya. Tinulungan siya nitong makapasok sa sasakyan. "Ano bang hayop iyon? Hindi nan yata aso iyon eh!" angal niya sabay daing ng sakit. Walang tigil ang pagdurugo ng sugat sa braso niya. Si Aser na ang nagpaandar ng makina. Mabuti na lamang at hindi nasira ang makina, napatakbo pa nila hanggang sa makarating sa malapit na ospital. Sa mata ng mga medical staff ay mag-isa lamang siya. Inasekaso naman siya kaagad lalo na at kilala siya ng mga ito. Hindi na niya malaman kung ano ang mga itinurok sa kaniya. Sinabi niya na inatake siya ng malaking aso. Hindi naman niya kailangang manatili sa ospital. Pinayuhan lang siya na bumalik para sa ilang shots pa ng injection. "Kapag may kakaibang sintomas kang maramdaman, bumalik ka kaagad dito. Ineksamin ko kasi ang sugat at dugo mo, nakitaan ng maraming rabies." Nagpapaliwanag pa lang ang doktor ay naaatat na siyang makalabas ng silid na iyon. Nalinisan naman ang mga sugat niya at nabigyan na siya ng gamot. "Babalik na lang ako, dok. Just give me the schedule, please. Para alam ko kung kailan ako babalik," aniya. Naiinip na siya kaya nagpaalam siya sa doktor. Hindi man lang niya inusisa kung ano ang mga gamot na ipinabaon sa kaniya. Mahalaga ay may instructions sa loob ng kit nito. "Sigurado ka bang okay ka na?" nag-alalang tanong ni Aser na nakabuntot lang sa kaniya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga masasalubong niya. Halata kasi ang mga kalmot niya sa mga braso at kaunti sa mukha. Bumalik sila sa sasakyan. Kaya na niyang ikilos ang brasong nakagat kaya siya na ang nagmaneho. Hindi maiwasang mayamot siya sa kasama dahil sa kamalasang nangyari sa kaniya. "Sinadya mong magpakita para makarma ako, tama ba?" seryosong bintang niya sa kasama. "Kung sinadya kong karmahin ka, sana'y hinayaan na kitang lapain ka ng lobo." Nasa loob na sila ng sasakyan pero hindi pa umuusad. "Lobo ba iyon? Hindi ko akalaing may lobo sa lugar na ito. Hindi ba sila mapanganib kaysa sa mga aso? Ibig kong sabihin, kapag nakakagat sila." "Depende kung infected ang lobo. Mukhang hindi nga ordinaryong lobo iyon. Pakiramdaman mo na lang ang sarili mo. Minsan may mga sintomas na palatantadaan kung na-infect ka ng kumagat sa iyo." Hindi niya maalis sa sarili na kabahan. Hindi biro ang pag-atake sa kaniya ng hayop. Malalim ang pagkakabaon ng mga pangil niyon sa braso niya. Bago pa man siya lamunin ng kung anong iniisip niya ay inusad na niya ang sasakyan. Gusto na rin niyang makapagpahinga. Inutusan na lamang niya si Aser na manatili sa opisina niya. "Bukas na lang tayo magkita. Gusto ko nang mahiga. Kapag nagugutom ka, maghanap ka na lang ng makakain sa ibaba, sa kusina. Wala namang makakakita sa iyo roon, bahala ka na," bilin niya rito. "Walang problema, hindi ako nakararamdam ng gutom. Sige, ipahinga mo lang muna. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo." Hindi na siya sumagot. Iniwan na niya ito sa opisina niya. Tumungo siya sa penthouse. Kung kailan ibabagsak na niya ang pagod na katawan ay napansin niya ang sugat niya. Nawala ang kirot niyon. Lumapit siya sa mahabang salamin ng aparador. Napuna niyang kuminis na muli ang mukha niya, nawala ang bakas ng mga kalmot doon. Tinanggal niya ang bendahe sa sugat niya sa braso. Manghang namasdan niya ang biglang paghilom ng mga sugat niya. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Tatawagin sana niya si Aser ngunit hindi na niya malabanan ang antok at pagod. Ni hindi na niya naalalang maghapunan. Hinayaan niyang gupuin siya ng antok at lumalim ang tulog. NASA kalaliman pa lang ng tulog si Jiron nang gisingin siya ng matinding pagkauhaw. Napaubo siya at bumangon. Bumabalik sa pagpikit ang mga mata niya habang papalapit sa fridge na nasa minibar niya. Naginhawaan siya nang makalagok ng malamig na tubig. Nang makabalik muli sa kama ay hindi niya maintindihan ang init na nangingibabaw sa buong katawan niya. Napakuha pa siya ng digital BP monitor para alamin kung tumataas ba ang presyon niya. Normal naman ang dugo niya. Hindi pa naman siya nagka-alta presyon pero may mga medical equipment lamang na nakahanda sa kuwarto niya. Para siyang nababalisa. Hindi niya matukoy kung saan nagmumula ang kiliting pumupukaw sa sistema niya. Init na nais niyang ilabas. Hindi siya mapakali, tumungo siya sa banyo at lumublob sa malamig na tubig. Hindi pa rin naiibsan niyon ang init sa katawan niya. Naging sensitibo ang pang-amoy niya at animo'y may hinahanap siyang amoy. Nainis lang siya sa kabababad sa tub na wala man lang nangyayari. Umahon siya at binalot ng navy-blue na roba. Lumabas siya at binuksan ang bintana sa kuwarto. Bilog ang buwan, tagos ang liwanag niyon sa loob. Umalinsangan ang pakiramdam niya. Nilakasan na niya ang buga ng aircon. Hindi pa rin siya tinatablan ng lamig. "Pambihira na talaga 'to! Ano ba ang nangyayari sa akin?" inis na bulalas niya habang nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi siya nagtagal sa katutunghay sa labas. Bumalik siya sa kama. Dinampot niya ang cellphone at binuksan. Napunta siya sa gallery. Wala sa plano niyang panoorin ang mga larawan doon. Ngunit nang makita ang larawan ni Kate na nakapang-swimming suit ay lalong nagatungan ang init ng katawan niya. Gusto niyang sawayin ang sarili na hindi niya hahanapin ang dalaga. Ngunit hindi na nagkasundo ang isip at katawan niya. Biglang napunta siya sa call menu. Namalayan na lamang niyang tinitipa na niya ang mensahe niya papunta sa dalaga. "I need a massage now." Naging maawtoridad ang mesahe niyang iyon. Huli na niya napagtanto na naipadala na niya sa dalaga. Hindi tumagal ay tumunog ang door bell niya sa living room. Dinako niya at binuksan. Ni hindi na niya pinansin ang anyo nito, kaagad siyang tumalikod pagkabukas ng pinto. Ito na ang magsara. Direderetso siya sa silid-tulugan niya. Tinanggal niya ang suot na roba at dumapa. Umasa siyang maiibsan ang init ng katawan niya kapag nalapatan ng mga palad ng masahista niya. Wala siyang pakialam kung lumantad ang kahubaran niya. Hindi naman na inosente roon si Kate. "Do it now, please!" pakiusap niya. Tumalima naman ang inutusan niya. Humagod sa likod niya ang malambot na mga palad nito. Hindi pa rin nabawasan ang pag-alab ng katawan niya. Napakabango ng dalaga sa pang-amoy niya. Hanggang sa hindi niya matiis. Inutos pa niyang patayin ang ilaw. Mas masarap sa mata niya ang sinag ng buwan. Sumunod naman sa utos niya ang dalaga. Habang minamasahe ang likod niya ay humarap siya. Napagitla ang dalaga nang bumungad ang nangangalit niyang alaga. "Please, do me a favor, Kate!" Nakiusap na naman siya. Hindi na niya pinapansin ang pananahimik nito. Ang nasa isip lang niya ay mawala ang init na nagwawala sa pagkatao niya. Hindi naman siya nito binigo. Bumaling sa alaga niya ang pagmamasahe nito. He feels a spare of fire on his sensation. Iyon talaga ang punto kung bakit siya umaalab. Hindi niya mapigilan ang sarili. "Oohh, I can't wait!" hiyaw niya. Marahan niyang hinila ang dalaga at tinamasa ang kalusugan ng dibdib nito. Walang mapaglagyan ang umaapaw na pananabik niya. Lalo siyang ginanahan nang tumugon ito sa pagnanasa niya. He can't wait to fill her in. Walang tutol na pinagbigyan siya nito. Naging malaya siyang ibuhos ang init na naramdaman niya. Kung nagustuhan nito ang masarap na pagmasahe niya sa loob nito, mas lalong dama niya ang pagkakaipit ng alaga niya roon. His heart pounding so fast. Kakaiba iyon sa normal niyang pulso. Tinapos niya hanggang sa maginhawaan sabay kamit ng kaligayahan. Kumalma ang alab sa katawan niya. Subalit nang maaninag nang mabuti ang mukha ng dalaga ay bigla siyang napagitla. Hindi si Kate ang nakasalo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD