LUMAGPAS ng alas-sais ng gabi bago natapos ang klase ni Jiron. Alam niyang inip na inip na si Micaya sa kahihintay. Nasa gymnasium pa rin sila na malapit lamang sa classroom niya. Wala nang gumagala sa paligid dahil wala nang panggabi na gumagamit ng gym. Inaayos na niya ang mga gamit sa back pack niya. Wala na talagang pinipiling oras kung tumalab ang karma niya. Nilalabanan niya ang pag-init at pagnginig ng kalamnan niya. Napakainosenteng tingnan si Micaya na prenteng nakaupo sa bench. Ngunit umiral ang pananabik niya. Panay ang saway niya sa sarili na kung maaari ay hindi sa lugar na iyon. Napakalawak doon at walang mapagtataguan maliban sa public toilet at electrical room na malayo sa kanila. Nakahalata na si Miyaca na panay ang haplos niya sa lalamunan niya. Hindi mapakali ang mga

