[Someone] NILAKUMOS ni Tanya ang papel na iniwan ni Walter ng tumakas 'to. "I can't wait see to my beautiful sister" Iyon ang nakasulat sa papel. "Baliw talaga ang hayop! Hindi nag iisip!" Galit na sigaw niya. Paano na ang plano niya ngayon? Si Walter at Kiara ang gusto niyang gamitin pero mukhang mabubulilyaso pa dahil sa kabaliwan ni Walter. Napangiti si Tanya ng may idea na pumasok sa isip niya. Ano ba ang kinakagalit niya kung maaari naman niyang sundan si Walter at tulungan sa plano nito? 'Pakawalan niyo siya! Maawa kayo!' Tinakpan ni Tanya ang tenga niya ng marinig ang paulit-ulit na sigaw sa utak niya. 'Maawa kayo, wag po!' "Ahhh! Tumigil kayo!" Malakas na sigaw ni Tanya na tila nababaliw. Malakas na hinagis ng forty-four years old na babae ang anumang mahawakan. Oo, m

